Chapter 12

1.4K 110 30
                                    

Chapter 12

"Jinso nakikinig ka ba?!"

Napa-kurap si Jinso dahil sa galit na boses ni Chelsea sa kanyang harapan. Kasalukuyan silang nasa loob ng canteen ng kanilang paaralan.

They were having their lunch break.

Kanina pa ito nagsasalita ngunit wala doon ang kanyang atensyon dahil naglalakbay sa alapaap ang kanyang imahinasyon.

Kanina niya parin kasi iniisip si Magda. Napakasaya niya mula pa kahapon dahil sa wakas naging nobya na niya ito. Hindi parin siya makapaniwala hangang sa ngayon kahit palihim lamang ang kanilang relasyon

Finally, Magda is his girlfriend.

"Y-Yes I'm listening" Nakangiting sagot niya

Hindi niya kasi maiwasan mapangiti dahil naiisip niya talaga si Magdalena. Namimis na niya agad ito. Halos hindi kasi nila tinigilan ang pagtatalik kahapon kung hindi pa siya kinatok ng daddy niya ay hindi pa nila titigilan ang isat-isa. Marahil sa kapusukan nila at nagbibinata pa lamang siya kaya malakas pa ang libido ng kanyang katawan. Hindi niya napigilan ang nais ng kanilang mga katawan.

Hinatid niya ito sa bahay nito kagabi, dumaan sila sa likod ng kanilang mansiyon upang hindi ito makita ng parents niya. Masaya itong pumasok ng bahay nito dahil binigyan niya pa ito ng isang good night kiss.

Nagtaka pa nga ang parents niya dahil napansin ng mga ito na namumula ang gilid ng kanyang leeg pagbalik niya sa kanilang bahay nang sinaluhan niya ang mga ito sa hapagkainan. Idinahilan nalang niya kagabi na baka allergy lang iyon at huwag ng pansinin pa

Walang kamalay malay ang parents niya na mga bakas iyon ng halik ni Magdalena sakanya. Pinaghahalikan rin kasi ni Magdalena ang leeg niya habang nakapatong ito sa ibabaw niya during their love making.

Kaninang umaga nag text siya kay Magda ng good morning message at agad naman itong nagreply. Kaya tuloy maaga palang ay buo na ang araw niya.

"Really? Kanina pa nga lumilipad yang isip mo eh! You're not listening to me! Ano bang iniisip mo ah?" Mataray na tanong ni Chelsea sakanya

Kahit anong pagtataray nito ay wala iyong epekto sakanya. Nakangiti parin siya. He can't help it. Masyado siyang masaya para masira ang kanyang araw.

"I'm just thinking something. Sorry. Ano nga ulit yung sinasabi mo?"

Nakasimangot parin si Chelsea habang nakatingin sakanya.

"Ano ngang iniisip mo?! Babae ba? Sino? May nagpapapansin nanaman ba sayo ha?! Sabihin mo sakin agad para mapagsabihan ko!" Sunod sunod na tanong nito sakanya

Umiling siya

"Wala Chels. Anyway hindi pa ba tapos ang lunch break mo?" Tumingin siya sa kanyang relong pambisig. Lalo yatang nainis ang babae dahil mas dumilim ang expresyon ng mukha nito

Tila inis na inis na si Chelsea sakanya kaya't pinalo nito ang kanyang braso. Minsan ay violente talaga ang dalaga. Binabalewala nalang niya iyon.

"Pinapa-alis mo na ba ako? Ayaw mo nako makasama? Kahapon nga hindi ka man lang nag text sakin ha!" May halong hinanakit nitong sabi sakanya

Bahagya naman siyang nakonsensya dahil nagsimula nanaman itong umiyak

Iyakin kasi ito mula pa noon. He hates it. Minsan kasi napapansin niyang nag-iiyak-iyakan nalang ito

"Shhh. Chels hindi naman sa ganoon--"

"Malaman ko lang talaga kung sino yang babaeng iniisip mo. May kalalagyan siya sakin! I swear i swear i swear Jinso! How many times should i tell you na ako lang ang pwede mong isipin?!"

Napabuntong hininga siya.

Here she goes again.

Nagsimula na itong humikbi. Kabilin-bilinan pa naman ng mama nito na si tita Arlene ay huwag papaiyakin ang dalaga dahil makakasama sa kondisyon nito.

Chelsea have severe heart failure. Kaya hangat sa maa-ari ay hindi niya ito nais magalit o malungkot. Ayaw niyang maging dahilan ng ikaka-pahamak nito
 
Napapatingin na rin ang ibang studyante sakanilang dalawa dahil sa paghikbi ni Chelsea. Madalas kasi ay agaw atensyon ang pag-iyak nito.

Agad siyang tumayo upang pakalmahin ito. Hinaplos niya ang likod ng dalaga.

"Shh Chels relax. K-Kung ano-anong iniisip mo." Pagkalma niya kay Chelsea. Madalas niya itong pakalmahin sa tuwing nagseselos ito o nagtatampo

Pero ngayon lang yata siya nakaramdam ng konsensya dahil ngayon palang talaga niya ito pinaglilihiman

Anong magagawa niya? Hindi niya talagang kayang mahalin ito higit pa sa isang kapatid.

Nag-iisa lang talaga ang laman ng puso niya. Walang iba kundi si Magdalena

Habang hinahagod niya ang likod nito ay bigla itong yumakap sakanyang bewang.

"Eh ikaw kasi eh! Ginagalit mo ako! Baka may iba kanang iniisip. Kanina ka pa kasi nakangiti habang kausap kita--"

"Shh..." Pinagpatuloy nalang niya ang paghagod sa likod nito.

Humihikbi ito ngunit wala naman itong niluluha. Maraming mga studyante ang napapatingin sakanila. Gustong gusto kasing pinapakita ni Chelsea sa mga schoolmates nila na pag-mamay-ari siya nito

"Tell me! Na ako lang ang babaeng iniisip mo. I'm the only one Jinso diba? Wala kang ibang mamahalin bukod sakin diba???" Humigpit ang yakap nito sa kanyang bewang

Napabuntong hininga siya. Heto nanaman ito sa pagiging madrama nito.

"Y-Yes" Sagot nalang niya upang huwag na itong umiyak pa at huwag ng humaba pa ang pagmamaktol nito

"Promise me Jinso! Ako lang ang mamahalin mo ha at wala ng iba pa!" Napapangiti na sambit ni Chelsea na mukhang pinaparinig talaga nito sa mga schoolmates nila ang sinasabi nito. Palagi kasi nitong pinagyayabang na ito lang ang babae sa buhay niya

Maraming mga studyanteng babae ang napataas ang kilay at halatang naingit sa dalaga. Karamihan kasi sa mga babaeng studyante sa kanilang paaralan ay may lihim na pagtingin kay Jinso

"P-Promise" Sagot nalang niya kahit labag iyon sa kanyang damdamin. Gusto na kasi niyang tumigil ito sa pag-iyak-iyakan.

Hindi naman kasi maaari ang gusto nitong mangyari. Dahil si Magdalena lang ang babaeng nag iisa sa puso niya at wala ng iba pa.

Hangang pagkakaibigan o para sa babaeng kapatid lang ang kaya niyang ibigay na pagmamahal kay Chelsea.

"I love you Jinso my love!" Sambit ni Chelsea

Muli siyang napalunok. Ayaw niya sanang sagutin ito ngunit magmamaktol ito panigurado

"I-I love you too" Sagot niya na walang halong romantikong pagmamahal. Bilang kapatid lamang ang pagmamahal niya para dito

"Ayyy! Anu ba yan?!"

Napatingin naman sila sa kanilang likuran dahil napatili ang isang studyante doon

"Miss anu ka ba! Bulag ka ba?! Natapunan tuloy ako!" Tili ng isang babaeng studyante sa likod ng kanilang lamesa

Natapunan ito ng orange juice mula sa baso ng isang studyanteng babae.

"Sorry! Sorry po!" Sabi ng babaeng nakatapon ng orange juice at natataranta itong punasan ang uniporme ng isang babae

Napatalon yata ang puso ni Jinso dahil kahit nakatalikod ang babae ay kilalang kilala niya kung sino ito!

Si Magdalena!

Narinig kaya nito ang sinabi niya kay Chelsea? Kaya natapunan nito ng orange juice ang isang studyante??!

Napalunok si Jinso dahil sa kanyang naisip. Panigurado nasaktan niya ito kung narinig nito ang mga pinagsasabi nilang dalawa lalo na ang pagsagot niya ng i love you too kay Chelsea

"Sa susunod tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" Galit na sambit ng babae kay Magdalena habang panay ang hingi ng tawad ni Magdalena

Muli siyang napalunok dahil napatingin si Magdalena sakanya ngunit saglit lang iyon. Dahil tumakbo na ito palayo sakanila. Napansin niyang paika-ika ito sa pagtakbo.

Nais sana niyang sundan ito ngunit ayaw niyang makahalata si Chelsea tungkol sakanilang dalawa ni Magdalena baka guluhin pa sila nito m

Kinabahan siya dahil panigurado nasaktan niya si Magda sa mga narinig nito. Kailangan niya agad itong makausap upang ipaliwanag dito ang sitwasyon.

God first day palang namin nasaktan ko na siya agad!

"Love diba siya yung classmate mong weirdo? Yung kaibigan natin dati?" Kunot nuong tanong ni Chelsea habang nakatingin rin ito kay Magdalena na tumatakbo palayo

"Y-Yeah"

"Hangang ngayon weirdo parin siya no?"

"Hindi naman siya weirdo" Kunot nuong sagot niya dahil naiinis na siya sa sinasabi ni Chelsea.

Laitin na nito ang lahat huwag lang si Magda.

"Weirdo siya! Diba nga dati sabi mo may kuto siya and may kili-kili powers?" Tumawa ng malakas si Chelsea ng maalala nito ang kalokohan niya noon

Napabuntong hininga siya. Kailangan niyang pakalmahin ang kanyang sarili upang huwag patulan si Chelsea.

Ginawa niya lang naman noon ipagkalat na may kuto at amoy sa kili-kili ang dalaga dahil nagseselos siya sa mga lalakeng lumalapit dito. Kalokohan niya iyon noon para huwag itong maligawan ng mga kaklase nila

"Let's not talk about her. I think tapos na ang break time mo ihahatid na kita sa room mo" Walang gana niyang sabi bago niya tinangal ang kamay ni Chelsea na nakayakap parin sa kanyang bewang

"I still have ten minutes! Ayaw mo na ba akong makasama ha?!"

Muli siyang bumuntong hininga. Minsan nahihirapan na rin siya sa pagiging spoiled ni Chelsea sakanya.

Pinalo pa ni Chelsea ang kanyang braso. Madalas kasi ay nananakit talaga ito. Mabilis itong namamalo o paminsan ay nananampal pa sakanya

Nakasanayan nalang ni Jinso ang mga pananakit ng dalaga. Pinalalagpas nalang niya madalas ang pananakit nito sakanya.

Minsan pa nga ay nagkasugat siya sa kanyang pisngi ng kalmutin iyon ni Chelsea dahil sa matinding pagseselos nito sa isa isang studyante. Mabuti nalang at hindi nagkaroon ng peklat ang kalmot nito.

Tinanong pa nga siya noon ng parents niya kung bakit may kalmot ang kanyang pisngi. Dinahilan nalamang niya ang pusa ng kapitbahay nila.

"Marami pa akong tatapusing project." Hindi niya maiwasan mapakunot ang kanyang nuo. Nauubos na rin kasi ang pasensya niya para kay Chelsea at higit sa lahat gusto na niyang sundan si Magdalena

"Wala akong pakialam Jinso! Dito ka lang sa tabi ko hangang hindi pa natatapos ang break time ko!" Muli nanaman nitong hinampas ang braso niya

Hindi naman siya nasasaktan kahit malakas ang pagkakapalo nito sakanya dahil firm na firm ang mga muscles niya sa kanyang braso.

SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon