Chapter 21

896 85 9
                                    

Chapter 21 (Chelsea POV)

"Chelsea! We have good news for you!"

Ipina-ikot ni Chelsea ang kanyang mga mata sa ere dahil naiingayan siya sa kanyang tatlong mga kaibigan. Her plastic friends.
 
Yeah.

Her plastic friends.

Alam niya naman na mga plastic ang mga ito dahil isang beses ay nahuli niya ang mga ito na pinag-uusapan siya sa comfortroom noon. Pinagtatawanan pa siya ng mga ito ng patalikod.

"What?" Walang ganang tanong niya

Her life is a messed. Lalo na ngayon. She have a new step father! Kailan ba mag-sasawang mag-asawa ang mama arlene niya? Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi niya iyon matangap dahil ka-edad lamang niya ang binatilyong nobyo nito ngayon.

Kaya buong araw siyang walang gana. Higit sa lahat buong araw rin siyang badtrip kay Jinso dahil hindi niya ito mahagilap sa buong campus nila. Naka-ilang missed calls na siya at sangkaterbang text messages ay hindi parin ito nagparamdam sakanya ng araw na iyon

"Wait let me breath.." Sambit ng isang kaibigan niyang plastikera habang hawak pa nito ang dibdib. Nagtakbuhan kasi ang mga ito palapit sakanya

"Siguraduhin niyo lang na maganda yang ibabalita niyo or else pagsisisihan niyo" Mataray niyang sabi sa mga ito. Alam niyang may bago nanaman pagchichismisan ang mga ito sa naging asal niya ngayon ngunit wala siyang paki-alam

Sa totoo lang buong buhay niya wala siyang paki-alam sa mga taong nasa paligid niya. Everybody is fake.

Kahit ang sarili niyang ina..

"Believe me matutuwa ka!" Excited namang sambit ng isa pa niyang kaibigang plastik

"Yeah right. Ano ba kasi yon?" Mataray niyang tanong habang mayat-maya niyang sinusubukan tawagan si Jinso.

Lalong lumalakas ang kutob niyang may babae na ito lalo pa ng makakita siya ng hairclip sa mismong kwarto nito. Ngayon ay lalo siyang kinukutuban.

Nasaan ba kasi ito??

"We saw Jinso at the mall earlier my gosh! Bumibili siya ng gift for you!" Tili ng isa niyang kaibigan

Napataas ang kanyang kilay. Hindi naman siya kinilig. Sa totoo lang pakiramdam nga ni Chelsea ay wala na siyang ibang emosyon kundi ang mainis lamang at magalit sa mundo. Iyon nalang ang nararamdaman niya simula pa noong bata siya.

"What gift?" Walang gana niyang tanong habang tinatawagan parin niya si Jinso

"A butterfly necklace! Grabe narinig pa nga namin kung paano siya bumili eh. Ang sabi niya pa nga ay para daw iyon sa isang special girl for a very special day. Naalala namin na malapit na ang birthday mo kaya kinilig kami. Diba girls?" Tanong ng isang babae sa dalawa pang kaibigan niya

Napa-ikot nalang muli sa ere ang kanyang mga mata. Kung umasta kasi ang mga ito ay para bang napakabait kapag kaharap siya ngunit kapag nakatalikod na siya ay galit na galit ang mga ito sakanya
 
She don't give a damn

"Hindi ka ba kinikilig? Diamond necklace iyon and i think it's six million pesos! My gosh gusto ko rin magkaroon ng billionaire boyfriend" Sambit pa ng isa

"You will never have. Sa itsura mong yan?" Mataray niyang sabi dito na kinataas rin agad ng kilay nito

"G-Grabe ka naman sis. Palabiro ka talaga--"

"I'm not kidding. Wala talagang papatol na bilyonaryo sa mukha mong yan" Pangbabara niya rito. Alam niyang nagpipigil lamang ito ng galit kaya peke itong ngumiti

"A-Anyway mauna na kami sayo. Let's go girls" Nakangusong sabi nito bago nito hinila ang dalawa pa niyang kaibigang sunodsunuran dito

Napa-iling nalang siya. Itinuring niyang kaibigan ang mga ito noon ngunit anong ginawa ng mga ito sakanya? Pinag-uusapan siya ng mga ito sa tuwing nakatalikod siya kahit pinakitaan niya naman ang mga ito ng maganda.

Muli siyang sumubok tawagan si Jinso. Hangang ngayon ay hindi parin nito sinasagot ang kanyang mga tawag. Hindi niya tuloy maiwasan mag isip na marahil ay kasama nito ang babae nito!

Sa sobrang inis niya ay muntik na niyang ihagis ang kanyang i-phone 14 pro-max. Mabuti nalang at napigilan pa niya ang kanyang sarili. Minabuti nalang niyang umuwi na rin kaysa mag-aksaya ng oras kakatawag kay Jinso

She don't like Jinso. She hate him!

Wala siyang pagmamahal na nararamdaman dito ngunit nais niya itong pahirapan. Dahil akala niya noon na ito ang nag-iisang taong totoo sakanya. Ngunit noong bata pa sila noong hindi niya pa nililigtas ang mama nito sa kamatayan ay tinapat siya nito na kahit kailan daw ay hindi siya nito magugustuhan.

Nawasak ang bata niyang puso noon. Hindi na nga niya maramdaman sa kanyang ina ang pagmamahal at tanging si Jinso nalang sana ang pag-aalayan niya ng pag-ibig ngunit ayaw rin nito sakanya

Everybody hates her.

Specialy her own parents! Ginawang miserable ng magulang niya ang kanyang buhay kaya naman naging ganito ang pag-uugali niya

Flashback

"Jinso love kita" Nakayukong sambit ng batang si Chelsea kay Jinso habang nag-kukulay sila sa kanyang drawing book.

Tumingin ito sakanya

"Love mo ako bilang kuya okay?" Nakangiting sambit nito

Umiling siya "Hindi. Love kita bilang asawa" Nahihiyang sabi niya. Nanlaki ang mata ng batang si Jinso.

"A-Ayoko! Hindi ikaw ang gusto ko. Kapatid lang kita Chelsea" Napapahikbi na ito.

Pati tuloy siya ay napapahikbi na

"B-Bakit ayaw mo ba sakin?" Natatakot niyang tanong.

Napalabi ito "Ayoko sayo. Iba ang gusto kong asawa pagtanda natin. Naiinis ako sayo dahil parang magkapatid tayo hindi mo dapat nararamdaman yan sakin chelsea bad ka!" Tumayo si Jinso at tumakbo ito papunta sa mama nito.

Pakiramdam ni Chelsea sa mura niyang edad ay ayaw ng lahat ng tao sakanya. Lingid sa kaalaman ni Jinso ay noong araw na iyon ay narinig niya kausap ng mommy niya ang papa niya sa cellphone nito.

At dahil naka-loudspeaker iyon ay narinig niya ang sinabi ng kanyang papa
 
"Magsustento ka naman!"

"Bakit ako magsusustento? Hindi ko anak ang batang yan! Mahiya ka sa balat mo!"

"Bakit tingin mo ba ginusto ko ang buhay na ito? Hindi ko kayang buhayin mag-isa ang anak natin!"

Napaiyak ang mama arlene niya dahil sa sinabi ng kanyang papa. Nagkaroon ng hinanakit si Chelsea sa mga ito.

Napalunok si Chelsea at unti unting napaiyak ng maalala niya ang pag-uusap ng kanyang magulang na narinig niya.

"Mommy si Chelsea po badgirl gusto niya akong maging asawa" Pagsumbong ni Jinso sa mommy nito habang umiiyak ito

Lalong sumikip ang puso ni Chelsea. Pakiramdam niya ay ganoon siya kahirap mahalin.

Simula noon ay wala na siyang minahal sa mga ito. She will never love them!

Lalo na ang Jinso na iyon. Peperahan lamang niya ito at papahirapan! Tumatak iyon sa kanyang utak noon bata pa siya.

End of Flashback...

Hinilot ni Chelsea ang kanyang sintido ng maalala niya ang nakaraan. Kararating lamang niya sa kanilang mansyon.

"You must be Chelsea?"

Napatingin siya sa baritonong boses na nagtanong sakanyang likuran

Napakunot agad ang kanyang nuo.

"So Ikaw naman ang goldigger na boyfriend ng mama ko?" Mataray niyang tanong habang may nang-uuyam na ngiti sa kanyang mga labi

Ngumiti lamang ito at lumapit sakanya.

Hindi niya maiwasan mapataas ang kanyang kilay dahil halatang mayabang ito. Mukhang hindi uubra ang pagiging mataray niya sa lalakeng ito

She must admit. Napakagwapo nito. Halos kasing gwapo nga ito ni Jinso. Lamang lamang si Jinso ng sampung paligo

Damn it! Bakit niya ba kinukumpara ang bwisit na goldigger na ito sa kanyang nobyo???!

"It's nice to finally meet you. Maganda ka naman pala talaga eh kaso pumapangit dahil ang taray taray mo" Natatawang sabi pa nito kaya naman nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito.

How dare him to call her ugly?!

"Excuse me?! How dare you! Akala mo naman kung magsalita ka ay kay gwapo gwapo mo?" Nangigil niyang sabi dito

"Maybe? Natulala ka nga sakin ng ten seconds eh" Nang-aasar pang sambit nito

Sa sobrang inis niya ay nilapitan niya ito at pinalo niya ang braso nito.

"Shut-up!"

"Ohh violent. I like that.." Nakangisi nitong sambit


SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon