Chapter 8
"H-Hindi ko siya babastedin"
Matapang at buong loob niyang sabi kay Jinso kahit pa nanginginig ang kanyang tuhod. Napapagitnaan siya ng mga kamay nito na nakahawak sa pader na kanyang sinasandalan
Rinig na rinig niya ang tibok ng kanyang puso sa mga oras na iyon. Para bang lalabas na iyon sa kanyang dibdib
Seryoso itong tumitig sa kanyang mga mata
"Why?" May halong pagtatampong tanong nito. Lalo itong gumagwapo habang pinagmamasdan niya ito ng mas matagal
"B-Basta!"
"Anong pwede kong gawin para bastedin mo lang--"
"Makipag-break kana kay Chelsea Jinso. Bakit mo siya niloloko? Bakit ka ganito sakin? Bakit kailangan mo akong guluhin? Sana ayusin mo muna ang relasyon niyo bago ka nang-hahalik ng ibang babae. Makipaghiwalay ka ng maayos sakanya"
"I can't.. Hindi ko kayang saktan si Chelsea" Napayukong sabi ni Jinso bago ito unti unting lumayo sakanya.
Para naman siyang nasaktan ng husto sa sinabi nito. Mabuti pa ang damdamin ni Chelsea ay inaalala nito samantalang ang damdamin niya ay balewala lamang
"U-Umalis kana Jinso. H-Hindi mo naman pala kayang saktan ang girlfriend mo bakit ka pa nandito?" Pinapatatag lamang niya ang kanyang sarili ngunit sa totoo lang ay nanghihina na siya
Tumahimik ito bago ito umupo sa kanyang kama at muling dinampot ang kanyang soccer ball pillow. Nakayuko lamang ito habang hawak hawak ang bolang unan na iyon
"Sasagutin mo ba siya?" Maya maya tanong nito sakanya sa mahinang tono ng boses nito
"It's none of your business Jinso." Mataray na sagot niya habang nakatingin siya sa malungkot nitong mukha
"Do you like him?" Tanong pa nito sa malumanay na tono ng boses nito.
Napalunok siya. Bakit parang nahihirapan ito? Bakit parang nasasaktan ito?
"N-Nagugustuhan ko na siya. Kaya sana tigilan mo na ang pang-gugulo sakin." Pagsisinungaling niya
Nahigit niya ang kanyang paghinga ng mag-angat ito ng tingin at sinalubong ang kanyang paningin.
Naramdaman niya ang lungkot sa mga mata nito na para bang yumakap sa kanyang puso.
"D-Do you mean it?" Mahina nitong tanong habang nakatingin sakanya
Muli siyang napalunok at hindi siya makasagot
"Y-Yes" Pagsisinungaling niyang muli
Nakita niya ang sakit na bumalatay sa mga mata nito. Bago ito tahimik na lumabas ng kanyang kwarto.
Ilang minuto na ang nagdaan ay nakatulala parin si Magdalena sa pintuan na nilabasan ni Jinso.
Pakiramdam niya nag-break silang dalawa kahit hindi pa man nagiging sila.
Napa-upo nalang siya sa kanyang kama at doon siya umiyak. Kahit kailan ay hindi siya pipiliin nito. Hindi nito kayang makipagbreak kay Chelsea at hindi rin nito kayang saktan ito.
Bahagyang namamaga ang kanyang mata kinabukasan. Tanghali na siya nagising dahil sabado naman at wala silang pasok.
Marami na siyang text messages na natangap mula kay Luis. Ngunit wala siyang ganang basahin ang mga iyon. Naalala niyang susunduin nga pala siya nito ngayon upang mamasyal sila sa mall.
Ngunit napakabigat ng kanyang pakiramdam. Wala siyang ganang kumain at wala rin siyang gana makipagkita kay Luis
Hindi mawala sa isip niya ang naging pag-uusap nilang dalawa ni Jinso kagabi.
Bakit nito hinihiling na bastedin niya si Luis kung hindi pa naman nito kayang iwanan si Chelsea?
Napakunot ang kanyang nuo ng makita ang isang bagong text message na galing kay Jinso
Biglang tumibok ng mabilis ang kanyang puso kahit hindi pa man niya nababasa ang text nito
Napabangon siya sa kanyang kama at dahan dahan niyang binasa ang text message nito
From Jinso: Gising kana ba? I want to talk to you
Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa text message ni Jinso. Ang akala niya pa naman ay tapos na ang pangungulit nito sakanya kagabi
Nais niya sana magreply kay Jinso ngunit hindi niya ginawa. Mas makakabuti na rin siguro para sakanilang dalawa ang ganito. Wala silang lolokohing mga tao at wala silang masasaktan.
Imbis na replyan ito ay si Luis ang kanyang tinext.
To Luis: Hi sorry late reply, Kakagising ko lang Luis. Sige magkita tayo sa SM maliligo lang ako
Mabilis naman itong nagreply agad
From Luis : Sure! Sunduin nalang kita diyan. I'll be there in thirty minutes
Wala pang trenta minuto ay naroon na nga ito sa kanilang bahay. Sakto naman kakatapos niya lamang maligo magsipilyo at magbihis ng dumating ito
Sumakay agad siya sa kotse ni Luis. Nakita ni Jinso ang pag-alis niya at pagsakay niya sa kotse ni Luis dahil nakatanaw ito sa may bintana ng kwarto nito at kitang kita nito ang pag-alis niya
JINSO POV
Mabilis na tumakbo si Jinso papunta sa parking lot ng mansyon. Upang habulin ang kotseng sinasakyan ni Luis at Magdalena.
Pakiramdam ni Jinso ay sinasakal ni Magdalena ang kanyang puso sa mga oras na iyon. Napabilis ang pagpapatakbo niya sa kanyang sports car upang habulin ang kotseng sinasakyan ni Luis at Magda
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Panay rin ang pagmumura niya lalo na ng mawala sa kanyang paningin ang kotse ni Luis!
"Damn! F*ck!" Frustrated niyang sambit dahil tuluyan ng hindi niya nakita ang kotse ni Luis
Kung saan saan na siya nag maneho upang hanapin ang kotse ni Luis ay hindi niya na nakita pa ang mga ito. Anim na malls na ang inikot niyang parking area upang hanapin lamang ang kotse ni Luis ngunit hindi niya parin iyon nahanap
Pagod na ang kanyang katawan at madilim na ang paligid dahil inabot na siya ng gabi sa paghahanap sa mga ito.
Pagpasok niya sa kanyang kotse ay napamura siya sa pagod galit at selos na kanyang nararamdaman
"F*ck you Luis! Damn you!" Sigaw niya sa loob ng kanyang kotse at nahampas niya ang kanyang manibela sa sobrang inis niya
Pakiramdam niya inagaw nito ang nag iisang babaeng minamahal niya.
Napayuko si Jinso sa manibela ng kanyang kotse at doon siya tahimik na umiyak.
Sa unang pagkakataon ay hinayaan niyang ilabas ang lungkot na kanyang nararamdaman. Simula ng dumating si Luis sa buhay nila ni Magdalena ay tila nataranta at natakot siya. Ang buong akala niya habang buhay niyang mababakuran si Magdalena sa lahat ng lalakeng mag tatangkang ligawan ito hangat hindi pa man niya naayos ang sitwasyon nila ni Chelsea. Ngunit nagkamali siya.

BINABASA MO ANG
SECRET LOVE
RomanceSong-Jinso fall in love with a curly girl named Magdalena. He likes her so much but he will never court her. Kahit gustuhin niya. Dahil sa utang na loob niya kay Chelsea ang anak ng bestfriend ng kanyang mommy, He sacrifies everything for her. Ibin...