Chapter 17
Nagpalingon-lingon sa palagid si Jinso bago siya tuluyan pumasok sa bakuran ng bahay nila Magda katulad ng madalas niyang gawin sa tuwing pupuntahan niya ito. Mas mabuti ng ma-ingat siya kaysa may ibang taong makakita sakanya na naroon siya. Especially Chelsea, dahil panigurado magagalit ito at mag-iisip ng kung ano-ano.
Nang masigurado na ni Jinso na walang katao-tao sa paligid ay doon palang siya pumasok sa bakuran ng bahay at pinindot niya ang doorbell na nasa bandang gilid ng pintuan
"Good evening po tita. Gusto ko po maka-usap si Magdalena, Gising pa po ba siya?" Magalang na bati niya sa mommy ni Magdalena nang pag-buksan siya nito ng pintuan.
"Oh? Jinso anong sadya mo? Gabing gabi na ah?" Nagtatakang tanong ng mommy ni Magdalena sakanya ngunit niluwangan na nito ang pinto upang papasukin siya sa loob ng bahay nito
"Gusto ko lang po ibigay ito kay Magda.." Ini-angat niya ang hawak niyang cake box. Napadako ang tingin nito mula sa cake box ma hawak niya. Bahagyang napakunot ang nuo nito
"Nililigawan mo ba ang anak ko Jinso?" Deretsang tanong nito sakanya kaya naman napalunok siya ng wala sa oras
"H-Hindi po tita"
"Eh bakit mo siya bibigyan ng cake? Hindi naman niya birthday at wala namang okasiyon.?" Nagtatakang tanong parin nito habang pumapasok siya sa bahay ng mga ito
"M-Magkaibigan lang po kami. Mataas po kasi yung nakuha naming grades kanina sa thesis project po namin kaya bibigyan ko po siya ng cake " Palusot niya ngunit nais na sana niyang sabihin na ang anak lamang nito ang babaeng tinatangi ng kanyang puso at wala ng iba pa
"Ah ganoon ba? Well congratulations. Pasensya kana Jinso akala ko naman kasi nililigawan mo ang anak ko, Eh alam ko namang may nobya ka noon pa man. Osiya sige maupo ka muna diyan at tatawagin ko lang si Magda"
Simpleng ngiti ang kanyang tinugon sa mommy ni Magdalena bago ito umakyat sa ikalawang palapag ng bahay ng mga ito upang tawagin si Magdalena
Naupo siya sa malaking kulay asul na sofa habang kinakabahan parin siya. Magustuhan kaya ni Magda ang cake na dala niya? Mapangiti rin niya kaya ito katulad ng pag-ngiti nito kanina kay Luis?
Napalunok siya.
Her smile should be only for him. Kinakain siya ng kanyang selos sa isiping napapasaya na ito ng ibang lalake. Natatakot siyang mawala sakanya si Magdalena
Maya maya pa ay pababa na sa hagdanan ang mommy ni Magdalena kasama ang bunsong kapatid na lalake ni Magda.
"Hello kuya Jinso!"Bati nito sakanya
"Hello! Kamusta? Bakit gising ka pa?" Nakangiting sagot niya bago siya tumayo at sinalubong ito ng yakap. Malambing ito sakanya at sinabi nito noon sakanya na boto daw ito sakanya para sa ate Magdalena nito kaya gustong gusto niya ang bata
Nanlaki ang mga mata nito sa hawak niyang white cake box.
"Is that a cake for me kuya Jinso?" Tanong nito habang nagniningning ang mga mata
Napalunok siya "Y-Yeah? Hati kayo ni ate mo. Is that okay?"
Hangat maari ayaw niyang mawala ang kaningningan ng mata ng bata.
"Ah! Para kay ate siguro yan talaga no kuya Jinso? Are you making your moves now?" Nakangiting tanong nito sakanya
Kinindatan niya lang ang bata at ginulo ang buhok nito. Nakatingin naman sakanila ang mommy ni Magdalena. Nasa mukha nito ang pagsususpetsa.
Napalunok na lamang si Jinso dahil sa tingin na ibinibigan ng mommy ni Magda.
Maya maya pa ay bumaba na rin ng hagdanan si Magdalena. Nagkasalubong ang kanilang mga tingin at automatikong bumilis ang tibok ng kanyang puso.
Napakaganda nito kahit nakasuot na ito ng pajama nitong pantulog. Nakalugay ang mahaba at kulot kulot nitong buhok. Nahihiya itong lumapit sakanya ngunit ng makalapit na ito sakanya ay agad niyang naamoy ang baby cologne na ginamit nito. How he wish he could smell her body again one more time. Napakasarap nitong amoy-amoyin at yakapin ng mahigpit. He missed her so much kahit araw araw naman silang nagkikita sa kanilang paaralan.
Simula ng may nangyare sakanilang dalawa ay hindi na ito nawala sa kanyang isipan. Palagi niyang naaalala ang mainit na pagtatalik na kanilang ginawa
"A-Anong ginagawa mo dito Jinso?" Tanong ni Magdalena
Napalunok siya at sinubukan niyang magpagwapo sa harap nito. He gave her his killer smile. Maraming nagsasabi sakanya na mas lalo siyang gumagwapo sa tuwing ngingiti siya
"For you Magda.." Ini-abot niya kay Magdalena ang box ng cake na hawak hawak niya
Napatitig ito ng ilang segundo sa kanyang mukha bago ito napatingin sa regalong ibinibigay niya
"P-Para saan yan?--"
"Para sayo."
Napalunok ito at napalingon muna sa mommy nito. Nakataas ng kaunti ang kilay ng mommy nito ngunit nag iwas na ng tingin sakanilang dalawa bago ito pumasok sa kusina para bigyan sila ng privacy
"J-Jinso bakit mo ako binibigyan ng ganito? Hindi ba nag-usap na tayo--"
"Kahit sa ganitong paraan lang hayaan mo akong iparamdam sayo yung pagmamahal ko" Seryosong sambit niya na ikinalaki ng mata ni Magdalena at ikinapula ng pisngi nito
"Yun oh! You're the man kuya!" Singit ng bunsong kapatid ni Magdalena sa kanilang dalawa. Muntik na niyang makalimutan na nandoon pa ang kapatid nito
"Grey doon kana sa kwarto mo. Usapan ng matatanda ito." Sita ni Magdalena sa kapatid nito habang namumula parin ang mga pisngi
"Okay ate. Basta huwag kana pakipot ha? Gusto ko mag almusal ng cake bukas eh! Bye kuya Jinso!" Yumakap pa ang bata sakanya bago ito tumakbo paakyat muli sa kwarto nito
Napangiti siya ng kaunti dahil napaka-sweet ng kapatid nito.
"Jinso sinabi ko na sayong mali ito--"
Napalunok ito ng bigyan niya ito ng isang dampi ng halik sa labi nito. Mas lalong nanlaki ang mga mata nito sa gulat. Nagpalingon lingon agad ito upang masiguradong walang nakakita sakanilang dalawa
"Bakit mo ginawa yun? Baka makita tayo ni mama" Sita nito sakanya sa mahinang boses ngunit mariin
Ngumiti siya. "Good night Magda. See you tomorrow."
Muli niya itong dinampian ng halik sa labi nito. Ngunit sa pagkakataon na iyon ay bahagya niyang sinipsip ang ibabang labi nito. Napakalambot ng labi ng dalaga at kay sarap sarap nitong halikan. Kung wala lang doon ang mommy nito ay paniguradong hahalikan niya ito ng napakatagal
Saglit lang ang halik na ibinigay niya kay Magda ngunit napakagat labi ito. Mukhang nagustuhan rin nito ang halik na kanyang ibinigay.
Ngumiti siya ng pilyong ngiti bago siya naglakad palabas ng pinto ng bahay nito ngunit napatigil siya ng sundan siya ni Magdalena hangang sa bakuran ng bahay nito.
Naroon ang dalawang kotse ng pamilya nito na nakaparada.
"S-Salamat Jinso"
Tinignan niya ito. Hindi na nito hawak ang cake na ibinigay niya marahil ay inilapag na nito iyon sa sofa o kung saan
Namumungay ang mga mata nitong nakatingin sakanya.
"Come here.." Sambit niya
Kinilig siya dahil patakbo pa itong yumakap sakanya. Mahigpit ang pagkakayakap nito sakanyang katawan kaya naman niyakap niya rin ito ng napakahigpit
"I miss you Jinso.." Pag amin nito habang nakayuko sa kanyang dibdib at yakap yakap siya
Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito habang yakap niya ito ng mahigpit. Ilang araw niya na gustong yakapin ito ng ganito kaya walang paglagyan ang kaligayahang nararamdaman niya
"I miss you so much baby.." Hinapit niya ang bewang nito at hindi na niya napigilan siilin ng may pananabik na halik ang mga labi nito
Agad itong tumugon sa halik niya. Para bang sabik na sabik silang pareho na makipaghalikan sa isat-isa.
Ngunit saglit lang ang halik na iyon dahil narinig nila ang boses ng mommy ni Magdalena sa di kalayuan mukhang hinahanap na nito si Magda
"Magda?" Hanap ng mama ni Magdalena sa loob ng bahay
Agad silang naghiwalay ng halik sa isat-isa ngunit di niya mapigilan habulin parin ang labi nito kahit isang halik pa.
"Umuwi kana Jinso baka makita tayo ni Mama hinahanap na niya ako" Napapangiting sabi ni Magdalena sakanya bago ito tumalikod upang pumasok na sa loob ng bahay nito
Napangiti na rin siya "Wait.. Okay na ba tayo ulit baby? Tayo na ba uli?" Tanong niya ng pigilan niya ito sa kamay nito sa pagbalik nito sa loob ng bahay
Bilang sagot ay dinampian nito ng isang matamis na halik ang kanyang labi.
"Opo. Good night Jinso" Nakangiting sambit nito na lalong nagpalakas ng tibok ng kanyang puso. Tumakbo na ito papasok sa bahay nito
Nakagat niya ang kanyang labi at napasuntok nalang siya sa hangin sa sobrang saya niya.
Bumalik siya sa kanilang mansiyon na may ngiti sa kanyang labi. Pakiramdam niya ito na ang pinakamasayang araw ng buhay niya.
BINABASA MO ANG
SECRET LOVE
Roman d'amourSong-Jinso fall in love with a curly girl named Magdalena. He likes her so much but he will never court her. Kahit gustuhin niya. Dahil sa utang na loob niya kay Chelsea ang anak ng bestfriend ng kanyang mommy, He sacrifies everything for her. Ibin...