Chapter 10

1.1K 120 13
                                    

Chapter 10

Huminga muna ng malalim si Magdalena bago siya kumatok sa glass door ng kwarto ni Jinso. Doon siya pinadaan ng guard dahil iyon daw ang bilin ni Jinso.

Sa gilid ng mansyon mayroon doon isang kulay puting hagdanan na nagduduktong sa veranda ng kwarto ni Jinso. Naroon din siya umakyat noong nakaraang araw

Wala pang ilang segundo ng pagbuksan siya nito ng pintuan.

Nakatingin ito sakanya na may ngiti sa mga labi nito. Lalo tuloy dumoble ang kagwapuhang taglay ng binata.

"Hi baby." Sambit ni Jinso bago siya nito hinapit sa kanyang bewang.

Agad siyang napahawak sa dibdib nito dahil hindi niya inaasahan na hahapitin agad nito ang kanyang bewang. Napangiti rin siya dahil nakangiti ito sakanya

"Gusto mo rin pala ako?" Nakangiting tanong ni Jinso habang yakap yakap nito ang kanyang bewang at nakadikit ang nuo nito sa kanyang nuo
 
Lalo siyang napapangiti dahil sa paglalambing nito sakanya.

Alam niyang narinig nito kanina ang sinabi niya kay Janice na mayroon siyang ibang gusto

Tumango siya

"I want to hear you say it.. Sabihin mo sakin na gusto mo ko.." Paglalambing pa ni Jinso habang sinasarado nito ng isang kamay nito ang pintuan ng kwarto

Napalunok muna siya dahil kakaibang init ng kanyang katawan ang nararamdaman niya habang yakap yakap siya ni Jinso sa kanyang bewang

May papisil pisil pa kasi itong nalalaman kasabay ng paghaplos haplos nito sa bewang niya

"G-Gusto kita Jinso. Gustong gusto kita"

Sa wakas nasabi niya rin kay Jinso ang gusto niyang sabihin dito noon pa man. Matagal na niya itong gusto at wala siyang ibang lalakeng nagustuhan bukod dito.

Maraming beses niyang pinigilan magkagusto sa binata dahil alam niyang pagmamay-ari na ito ng ibang babae ngunit sadyang makulit ang puso niya. Ito lang ang sinisigaw ng puso ni Magdalena

Napangiti ito sa kanyang sinabi at napakagat labi pa ito. Halatang kinilig ang binata sa kanyang pag-amin

"Ako hindi mo ba ako tatanungin kung gusto kita?"

Muli siyang napalunok.

"N-Narinig ko dati sinabi mo hindi mo ako gusto--"

Naputol ang sinasabi niya ng dampian siya ng isang mabilis na halik ni Jinso sa kanyang labi. Naramdaman niya ang malambot at mainit-init nitong labi na humalik sa kanya

Napatitig siya sa mga mata nito

"Hindi kita gusto dahil gustong gusto kita. Mahal nga kita eh. Mahal na mahal kita dati pa" Punong puno ng senseridad ang mga mata nito habang nakatingin sakanyang mga mata

Palakas ng palakas ang tibok ng kanyang puso dahil sa sinabi nito. Napalunok siya sa pag-amin nito sa damdamin na nararamdaman nito para sakanya

"H-Ha? Paano nangyari yun--"

Muli nitong hinalikan ang kanyang bibig. Sa pagkakataong iyon ay parang hinigop pa nito ng kaunti ang kanyang labi..

"Hindi ko mahal si Chelsea. Ikaw ang mahal ko. Ikaw ang mahal na mahal ko Magda.. But i don't want to hurt her. Para ko na siyang kapatid. Siya yung dahilan kung bakit buo parin ang pamilya ko ngayon. She gave her life to my mom when we were young. Niligtas niya si mommy. Nagkaroon siya ng heart failure  simula noon. Hindi ko kayang saktan si Chelsea dahil baka ikamatay niya iyon. Hinihintay ko lang na sana may makilala siyang ibang lalakeng mamahalin niya para maging malaya nakong mahalin ka.."

Natahimik siya sa kanyang narinig. Ngayon ay nauunawaan na niya kung bakit hindi nito kayang iwanan si Chelsea. Kung bakit sa loob ng mahabang panahon ay ito lamang ang naging girlfriend nito

Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Nakakalungkot isipin na hindi pa ito maaring pumasok sa ibang relasyon hangat hindi pa nakakahanap ng iba si Chelsea.

Paano kung hindi na ito makahanap ng ibang lalake? Paano na siya? Habang buhay ba silang maghihintay na ito mismo ang lumayo kay Jinso? Napakahirap pa naman ipagpalit si Jinso sa ibang lalake dahil napaka-perpekto na ito. Kahit sinong maging nobya nito ay paniguradong hindi na ito ipagpapalit o papakawalan

"I'm so sorry Magda kung hindi kita kayang ipaglaban. I'm so sorry kung komplikado ang magiging relasyon natin."

"H-Ha? Magiging relasyon?" Napapalunok siya habang nakatingin kay Jinso

Mas humigpit ang yakap nito sa kanyang bewang

"Kung papayag ka.. Kung papayag kang maging secret girlfriend ko" Seryoso at punong puno ng takot na tanong ni Jinso sakanya. Natatakot ito na hindi siya pumayag sa gusto nito

Natatakot ito na baka hindi niya maunawaan ang sitwasyon.

"G-Gusto mo akong maging secret girlfriend?"

"Oo. Matagal na. You are the only woman I want to be my girlfriend"

Hinaplos ni Jinso ang kanyang pisngi habang nagsusumamo ang mga mata nito sa pagpayag niya na maging secret girlfriend nito

"K-Komplikado Jinso.." natatakot niyang sambit kaya niyakap siya nito ng mahigpit

"I know. Mahihirapan ka. Ayoko sana gawin to baby. Gustong gusto ko ipagsigawan sa lahat na ikaw ang girlfriend ko pero natatakot akong may mangyaring masama kay Chelsea. Hindi kita pipilitin pumayag---"

Ito naman ang naputol ang pagsasalita dahil tumingkayad siya at hinawakan ang magkabilang pisngi nito upang halikan ang malambot nitong labi

Saglit itong nagulat ngunit sinungaban rin nito ng halik ang kanyang labi.

Ang plano niya ay gawaran lang ito ng isang mabilis na halik sa mga labi nito ngunit naging mapusok ang binata. Hinabol nito ang kanyang labi at nakipaghalikan ito sakanya

Mapusok at may pananabik ang naging paghalik ni Jinso kay Magda. Kapwa nila pinararamdam sa isat-isa ang kanilang nararamdaman

Saglit itong tumigil sa paghalik sakanya at tumitig sa kanyang mga mata.

"Ibig bang sabihin nito pumapayag kana?" Umaasang tanong ni Jinso sakanya

Nakagat niya ang kanyang labi bago niya sinagot ang tanong ni Jinso
 
"Pumapayag nako Jinso. Gusto ko rin maging girlfriend mo--"

Hindi na nito pinatapos pa ang kanyang sasabihin dahil siniil na nitong muli ng mapusok na halik ang kanyang labi.

Napakasarap nitong humalik. Nakakabaliw at nakakapang-hina ng tuhod.

Ikinawit ni Magdalena ang kanyang mga kamay sa leeg ni Jinso habang nakikipaglaplapan siya dito

Ang galing nitong humalik! Pati ang dila nito ay nilalasahan ang kanyang bibig.

"Uhmm Jinso.." Ungol ni magdalena dahil kakaiba ang halik na ipinagkakaloob ni Jinso sakanya. Nakaka-init iyon ng buong katawan niya lalo na ang malikot nitong mga kamay na unti unting gumagapang papasok sa loob ng kanyang t-shirt. Mainit ang kamay nito na para bang napapaso siya sa tuwing mapapahaplos ito sa kanyang balat

Mukhang matagal na itong sabik na sabik gawin ang bagay na iyon. Hindi niya ito pinigilan bagkus ay mas pinagbuti niya pa ang pakikipaglaplapan kay Jinso.

Napapahaplos siya sa buhok ng binata habang palalim ng palalim ang halik na kanilang pinagsasaluhan

Muling napa-ungol si Magdalena ng marating na ng kamay ni Jinso ang kanina pa nito nais lamasin.

Sapo-sapo nito ang malusog niyang dibdib kahit pa may suot siyang bra ay nararamdaman parin niya ang mainit nitong palad na lumalamas unti unti sa kanyang suso

"Ohhh.. Jinso.." Ungol ni Magda habang nilalamas ni Jinso ang kaliwang suso niya

SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon