Chapter 36

1K 109 9
                                    

Chapter 36

Chelsea POV

"Jinso pwede bang mag-usap tayo."

Napatingin si Jinso sakanya ng kalabitin niya ito. Halos mamatay na kasi sa kina-uupuan nito si Davin at Magdalena sa sama ng tingin ni Jinso sa mga ito

Kunot nuo itong tumingin sakanya

"Tungkol saan? Kung ipipilit mo parin ang gusto mo--"

"May gusto akong sabihin sayo importante lang Jinso" Sabi niya kay Jinso dahil mainit agad ang ulo nito. Pabulong lang iyon dahil baka marinig sila ng ibang mga bisita

Kakatapos lamang niyang kausapin si Davin sa loob ng restroom at nakapag-mabutihan na sila doon. Narealize niyang ito ang kanyang gusto dahil hindi niya kinakayanan ang selos na kanyang nararamdaman. Higit sa lahat hinahanap hanap niya ang matamis na halik nito.

Nais niya lang kausapin si Jinso upang palayain na ito at humingi ng tawad sa mga nagawa niya.

Jinso deserves to be happy and to be free.

Masyado lang siyang naging makasarili at nabulag siya sa paghihiganti. Napanuod na rin niya ang cctv na sinasabi ng kanyang mommy Arlene dahil pinanuod nito iyon sakanya kanina habang kumakain ang mga bisita.

Flashback earlier...

"Mom ano ba? Kumakain ako--" reklamo ni Chelsea ng ayain siya ng kanyang mommy makipag-usap dito habang kumakain ang mga bisita

"Come here. Kailangan mong mapanuod to anak"

Napatingin rin si Jinso sa mommy Arlene niya dahil tahimik itong umiinom ng tequila sa kanyang tabi habang nakatingin lamang ito kay Davin at Magdalena sa di kalayuan

Alam niyang selos na selos na si Jinso sa mga oras na iyon ngunit hindi lang ito makabwelo upang bawiin ang babaeng minamahal nito

"Hindi ba yan makakapaghintay?" Tanong niya ngunit hinila na siya ng mommy Arlene niya sa isang kwartong malapit sa event hall.

"Mom naman eh--"

"Umupo ka riyan. Saglit lang ito. Nagpunta pa talaga ako sa police station para mahagilap itong file na to para matapos na yang kahibangan mo anak"

Sasagot pa sana siya ngunit naputol ang kanyang mga sasabihin ng itapat sakanya ng kanyang mommy arlene ang isang ipad mini at natutok sa screen nito ang kanyang atensyon

Napalunok agad siya at nakaramdam ng panlalamig sa kanyang buong katawan ng makita niya ang bangungot ng kanyang buhay

Parang hindi siya makahinga habang pinapanuod ang actual video ng cctv footage ng pangyayari noong may nagtangka bumaril sa mommy ni Jinso at siya ang nabaril sa araw na iyon.
  
Napatulo ang kanyang luha dahil hindi nga siya tinulak ni Jinso dahil kusa siyang tumakbo palapit sa mommy nito at naging taga pagligtas nito

Inulit niya ulit ng isa pang beses ang video upang makasigurado siyang hindi siya tinulak ni Jinso

Nakatulala lamang ito at hindi gumagalaw sa upuan nito sa oras na nabaril siya.

Ni-hindi man lang gumalaw ang kamay ni Jinso sa mga oras na iyon.

Ang sumunod na pangyayari ang nagpa-iyak sakanya. Nakita niya ang pagyakap ng batang si Jinso ng makita nitong nabaril siya. Iyak ito ng iyak habang yakap yakap siya.

"Nakita mo anak? Hindi ka tinulak ni Jinso. Anak you need treatment. Sarili mo lang makakagamot sayo.." Hinagod hagod ng kanyang mommy ang likuran niya kaya lalo siyang napahagulgol. Sobrang pagsisisi at pagkaawa ang naramdaman niya para sa kanyang matalik na kaibigan

All this years pinahirapan niya ito. Naging bitch girlfriend siya nito upang hindi ito magkaroon ng payapang buhay. Ginagantihan niya ito sa kasalanan na hindi naman nito ginawa!

"M-Mom w-walang kasalanan si Jinso.. Ang sama ko--"

"Shhh. Anak hindi ka masama. Epekto lang yan sayo ng masamang pangyayari. Naging poot ang galit mo kay Jinso anak kaya nagawa mo iyon. Isasama kita sa US para ipacheck up kita sa pinakamagagaling na doctor anak"

Yumakap siya sakanyang mommy habang nag-iiyakan silang mag-ina

"I'm so sorry mom. I'm so sorry. Sa lahat ng nagawa ko sayo mom sorry sa lahat. Sorry po" Pag-hingi niya ng tawad sa kanyang mommy Arlene ngunit niyakap lang siya nito ng mahigpit

"Shhh. It's okay anak. Masaya ako kahit papaano nalinawan kana anak."

"Sorry for being a bad daugther mom--"

"Believe me anak, Araw araw parin ako nagpapasalamat sa Diyos na ikaw ang naging anak ko. Hindi ka masama anak. Alam ko sa kaibuturan ng puso mo ay isang mabuti at masayahin na babae"

Nagyakapan sila ng kanyang mommy habang punong puno ng pagsisisi ang kanyang puso.

"Babawi ako sayo mom. Pangako po magpapatreatment ako sa US as soon as possible.."

"Salamat anak. Hindi mo kailangan bumawi anak pero sana palayain mo na si Jinso--"

"I will mom. I will.."

Nagyakapan pa sila ng matagal ng kanyang mommy bago sila bumalik sa event hall kung saan nagsasaya pa rin ang mga bisita bukod kay Jinso na nagpapakalasing sa isang sulok habang nakatingin kay Magdalena

Ang mommy arlene naman niya ay sinalubong ang mommy ni Jinso na si Aliah. Nakapajama lamang ito kaya dali daling tumakbo ang mommy Arlene niya para lapitan ang mommy ni Jinso

"Mare ano bang nangyari sayo? Bakit ganyan ang suot mo--" Tanong agad ni Arlene sa kumare nitong si Aliah

"Nakatulog ako mare kailangan kong mapigilan ang proposal ng anak ko--"

"Shhh. Halika nga dito mare!" Hinila na ni Arlene si Aliah sa kwarto kung saan sila kanina magkausap

"Huli ka na sa balita Mare naayos ko na ang lahat"

"Ha?"

Ikinuwento ni Arlene kay Aliah ang mga nangyari kaya naman nakahinga na ito ng maluwang.

"Susmaryosep akala ko ay late na ako."

"Late kana talaga. Bakit naman kasi natulog ka pa mare sa ganitong sitwasyon?"

Napakamot nalang sa sariling ulo si Aliah. Ang mahalaga ngayon ay papalayain na ni Chelsea ang kanyang anak at nalinawan na ito sa totoong nangyari noon.

Samantalang lalapitan sana ni Chelsea si Jinso ngunit may humawak sa kanyang braso. Magrereklamo sana siya ngunit natigilan siya ng makilala niya kung sino ang humawak sa kanyang braso

It's Davin!

Madilim ang anyo ng mukha nito habang nakatingin sakanya. Ngunit hindi parin nabawasan ang kagwapuhan nito. Nag-uumapaw parin ito sa kagwapuhan!

Mabuti nalang at walang gaanong bisita sa pwestong iyon at medyo madilim.

"Can we talk?" Seryosong tanong nito

Napatingin siya sa mamula-mulang labi nito na hindi nagpatulog sakanya buong gabi

"S-Sige" Sagot agad niya dahil nais niya na itong makausap

Kakaiba ang tingin na ipinupukol nito sakanya. Para bang may pagtatampo sa mga tingin nito

Tahimik itong naglakad papunta sa likurang bahagi ng event hall kung saan malapit iyon sa restroom. Walang taong nagagawi doon dahil mayroon naman main restroom sa event hall na mas malaki at mas madaling puntahan

Hindi katulad sa rest room na ito ay nasa dulo pa at may kadiliman ang pasilyong daraanan kahit carpeted ang sahig

"Do you really like him?" Seryosong tanong ni Davin sakanya habang nakapamulsa ito sa magkabilang bulsa ng tuxedo nito

Umiling siya

"H-Hindi ko siya gusto"

"Why did you kiss him last night?"

Napalunok siya sa tanong ni Davin. Hindi agad siya nakasagot sa kontrobersyal na tanong nito.

"Nakita ko kayo kagabi."

Muli siyang napalunok habang titig na titig silang dalawa sa isat-isa. Nababasa niya ang matinding selos sa mga mata nito

"N-Nagseselos ka ba Davin?"

"Oo" Sagot agad nito

Pakiramdam ni Chelsea ay napatalon ng bahagya ang kanyang puso dahil sa mabilisang sagot ni Davin. Namula tuloy ang kanyang mga pisngi

"Nagseselos ako. Damn. Alam kong kakakilala lang natin but the kissed we shared last night is something i will never forget. Gustong gusto kita." Hinapit ni Davin ang kanyang bewang at isinandal siya sa pader habang titig na titig ito sakanyang mga mata

"Hinalikan ko siya dahil gusto kong makalimutan ang halik mo. Nababaliw na kasi ako sa halik mo Davin." Pag-amin niya habang palakas ng palakas ang pagkabog ng kanyang puso

"Gusto mo din ba ako?" Nakita niyang may kislap na ngayon sa mga mata nito. Kung kanina ay pagtatampo ang nababasa niya ay mabilis iyong napalitan ng kislap na tila nagustuhan nito ang kanyang inamin

"S-Siguro? Ewan ko. Parang? Oo.. Oo gustong gusto kita!" Para siyang tanga na kung ano ano ang kanyang sinasabi dahil nag-uumapaw ang emosyon sa kanyang dibdib

Sasagot pa sana si Davin ngunit siya na mismo ang kumapit sa batok nito at hindi na niya napigilan ang sariling halikan ang binata. Saglit itong nagulat sa kanyang ginawa ngunit nakipaghalikan rin ito sakanya.

Katulad ng halik na kanilang pinagsaluhan kagabi...

SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon