Chapter 33

1K 109 7
                                    

Chapter 33

"Hold my hand Magdalena, Wag kanang choosy.."

Tinignan lang ni Magdalena ang kamay ni Davin ng i-abot nito iyon sakanya. Samantalang sa kabilang kamay naman nito ay naka-kapit na si Janice sa braso nito

Kararating lamang nila sa event hall ng Hoffman's hotel kung saan naroon na ang ibang mga nag-gagandahan at nag-gwagwapuhang bisita ni Chelsea para sa grand birthday celebration nito

"Anu ka swerte? Dalawa ang muse mo?" Ganting biro niya kay Davin ngunit kumapit na rin siya sa braso nito

"Ofcoure pag ganito kagwapo dalawa talaga ang chix.." Nakangiting sambit ni Davin sakanya

Nakasanayan na nilang mag-kulitan at mag-asaran noon pa man kaya hindi na naiilang pa si Magdalena kahit pa naging sobrang gwapo na nito ngayon

Sabay sabay silang pumasok sa event hall. Magarbo at punong puno ng bulaklak ang desenyo ng buong bulwagan na iyon. Parang debut ni Chelsea ang gaganapin kahit pa ika-benteng kaarawan na nito iyon

Maraming mga tao ang namumukhaan niya. Karamihan kasi sa mga iyon ay mga schoolmates nila. Napapatingin ang iba sa mga ito kay Davin. Agaw pansin kasi ang kagwapuhang taglay nito.

Katulad ni Jinso napapalingon rin dito lahat ng kababaehan.

Nagpalingon lingon si Magdalena sa paligid na wari bang may hinahanap ang kanyang mga mata.

Walang iba kundi ang kanyang nobyo.

Si Jinso.

Kahit pa nasaktan siya ng husto sa binalita sakanya ni Davin ay nais parin niya itong makita ngayong gabi. Miss na miss na niya ito kahit wala pang bente kwatro oras silang hindi nagkikita

"Smile Magdalena parang pang-biyernesanto ang mukha mo gurl.." Sita sakanya ni Janice ng mapansin nito ang malungkot niyang mukha

Hindi niya kasi makita si Jinso sa mga taong naroon

Ngumiti nalang siya ng tipid dahil nakatingin sakanya ang mag-pinsan. Parang nag-aalala ang mga tingin na pinupukol ng mga ito sakanya

"I'm okay guys. Mag enjoy nalang tayo.." Sabi nalang niya bago sila naglakad lakad pa upang maghanap ng kanilang mauupuan

Lingid sa kaalaman ni Magdalena ay nakita na siya ni Jinso sa di kalayuan.

Napakunot agad ang nuo ng binata ng makita nitong naka-kapit siya sa braso ni Davin. Nais nitong lapitan sila ngunit hinarangan ito ng mommy ni Chelsea.

"Jinso anak mag-usap tayo.."

"Sige po tita" Kahit labag sa loob ni Jinso ay sumunod parin ito kay Arlene. Seryosong seryoso kasi ang mukha nito.

Mamaya nalang nito lalapitan si Magdalena pagkatapos nitong kausapin si tita Arlene.

"Ano pong pag-uusapan natin?" Tanong ni Jinso kay Arlene ng makapasok sila sa isang pribadong kwarto doon

"G-Gusto kong manghingi ng tawad sayo anak dahil sa nagawa ng anak ko sayo." Nanubig agad ang mga mata nito kaya napalunok si Jinso

"Tita.."

"Huwag mong ituloy ang proposal mo sakanya ngayon gabi. W-Walang sakit sa puso ang anak ko. Niloko niya tayo. Gusto niyang mag-higanti sayo dahil akala niya tinulak mo siya noon. Nagkaroon siya ng delusyon na itinulak mo siya noon kaya iyon ang naging epekto sakanya. Patawarin mo ang anak ko Jinso.."

Napalunok si Jinso sa inamin ni Tita Arlene. Tila bomba iyong sumabog sakanyang harapan.

All this time?

Huminahon si Jinso kahit parang gusto na niyang puntahan si Chelsea at sisihin ito sa lahat ng pagtitiis niya. Nais niya itong puntahan ngunit naisip niya rin na marahil mga biktima lamang sila ng nangyaring insedenteng iyon

SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon