Chapter 18

979 102 14
                                    

Chapter 18

Pagkapasok palang ni Magdalena sa loob ng kanilang bahay ay sinalubong na agad siya ng naghihinalang tingin ng kanyang mommy

Unti-unti tuloy nawala ang magandang ngiti sa kanyang labi na dulot ng kilig dahil kay Jinso.

Nakataas ang kilay ng mommy niya habang nakatingin ito sa kanyang kinikilos. Nakita nito ang halos mapunit niyang mga pisngi sa pagngiti nang makapasok siya sa loob ng kanilang bahay

"M-Mommy hinatid ko lang po si Jinso--"

"Mag-usap nga tayo anak. Anong mayroon sainyo ni Jinso? May relasyon ba kayo?" Sunod sunod na pagtanong ng kanyang mommy

Sunod sunod rin siyang napalunok sa bawat katanungan nito. Napa-iwas siya sa pagsalubong sa mga mata ng kanyang mommy.

"M-Magkaibigan lang po kami mommy"

"Anak alam kong may espesyal na namamagitan sainyong dalawa. I saw the cake, Hindi niya ilalagay sa cake na iyon ang salitang I love you kung magka-ibigan lamang kayo"

Nanlaki ang mga mata ni Magdalena dahil sa sinabi ng kanyang mommy. Umakyat yata ang lahat ng kanyang dugo sa buong mukha niya dahil mabilis na namula iyon. Kasing pula ng kamatis ang kanyang mukha.

"P-Po?" Maang-maangan parin niya

Bumuntong hininga ang kanyang mommy.

"Halika sumunod ka sakin.." Napapa-iling na utos nito sakanya bago ito lumakad papunta sa kanilang kusina

Napalunok siya bago siya humakbang papunta sa kusina nila upang sundan ang mommy niya

Nakatayo ito sa harapan ng lamesang pinagpapatungan ng cake na ibinigay ni Jinso sakanya.

Napangiwi agad siya ng makita niya ang dedication letter na nakalagay sa mismong cake. Capital letters pa ang mga iyon

I LOVE YOU
 
"So? Ano anak? May relasyon ba kayo?" Nang-uusig na tanong ng mommy niya habang nakahalukipkip ito

She nervously chuckled and gave her mother a nervous smile.

"Baka po bilang kaibigan lang mommy? Mahal niya po ako bilang magkaibigan. Hindi naman po lahat ng nagsasabi ng mahal natin ang isang tao ay may relasyon na." Palusot niya habang nararamdaman niya ang pagkabog ng kanyang dibdib

Napa-iling nalang ang mommy niya at mukhang hindi ito kumbinsido sa kanyang palusot.

"Alam mo anak kilala kita kapag nagsisinungaling ka. Anyway, Kung wala kang balak ipagtapat sakin ang lihim niyong relasyon ni Jinso ay pagsasabihan parin kita. Mayamang pamilya ang pamilya ni Jinso. Hindi naman sa minamaliit ko ang pamilya natin pero ang savings namin ng stepdad mo ay pang miryenda lamang ng pamilya nila Jinso.    Kabilang sila sa mga pamilyang kinikilala sa atlasosyalidad mahirap madikit sa kanilang pamilya. Higit sa lahat may nobya na siya hindi ba? Ano ka niya? Pangalawa? Pangatlo? Sa sobrang gwapo ng batang iyon ay hindi nako magugulat kung pang-apat o panglima o baka nga pang-sampu ka niyang nobya. Kaya hindi ako pabor sa relasyon niyong iyan. Itigil niyo iyan anak bago ka pa mapahamak"

Mahabang lintanya ng kanyang mommy bago siya nito iniwan mag-isa sa kanilang kusina.

Napalunok siya ng makalayo na ng husto ang kanyang mommy. Sa haba ng sinabi nito ay isa lamang ang tumatak sa isip niya. Hindi ito pabor sa relasyon nilang dalawa ni Jinso. Hindi niya ito masisisi dahil hindi naman nito alam ang sitwasyon. Hindi nito alam kung gaano siya napapasaya ni Jinso at kung gaano katagal na niya itong pinapangarap. Ngayong abot-kamay na niya ang binata ay hindi na siya mapipigilan pa.

Pinilit niyang labanan ang pagmamahal niya kay Jinso dahil sa takot at dahil kinakain siya ng kanyang konsensya. Ngunit mas malakas ang pwersa ng pag-ibig. Ika-nga sa isang kasabihan na harangin man ng sibat at hahamakin ang lahat para lamang sa pag-ibig.

The moment when she realize how important Jinso in her life is when she gave herself to him. Buong puso niyang ipinagkaloob kay Jinso ang buong katawan niya kasama na doon ang kanyang buong puso.

Ayaw na niyang lokohin ang sarili niya. Gusto na niyang magpakatotoo sa kanyang nararamdaman. She loves him! Mahal na mahal niya ito.

Muli siyang napatingin sa cake na nasa lamesa. May kung anong humaplos sa kanyang puso dahil sa effort na ibinigay ni Jinso upang ipag-bake siya ng cake.

Napangiti siya. Kinuha niya ang kanyang cellphone upang picturan ang napakagandang cake na iyon.

Kahit busog na siya ay sinubukan parin niyang kumain ng cake na ginawa nito.  Masarap iyon at hindi masyadong matamis

Sakabilang banda, Pag-uwi naman ni Jinso sa kanilang mansiyon ay hindi niya inaasahan na naroon si Chelsea sa kaniyang bedroom. Ang sabi ng mommy niya ay nag-paalam raw itong manatili sa kanyang kwarto upang doon nalang siya hintayin

"What mom?" Kunot nuong tanong niya sa mommy niya ng sabihin nitong naghihintay si Chelsea sa kanyang kwarto

"Nasa kwarto mo ang girlfriend mo. Kanina pa naghihintay saiyo. Hindi ko sakanya sinabing gumawa tayo ng cake" Kumindat pa ang mommy niya sakanya na para bang kinikilig ito

Napatingin si Jinso sa kanyang wirst watch. It's eight oclock in the evening. Anong ginagwa ni Chelsea sa bahay niya? Anong kailangan nito?

"Sinabi ko kay Chelsea na nagpunta ka lang kila Ralph anak. Sige na puntahan mo na siya" Nakangiting sabi ng mommy niya

Napabuntong hininga si Jinso. Napansin naman ng kanyang mommy ang digusto na bumakas sa kanyang mukha.

"What's wrong anak?" Tanong ng mommy niya dahil kanina lamang ng pumasok siya sa kanilang mansyon ay tila ba napakasaya niya ngunit ng malaman lamang niya na naroon si Chelsea sa kanyang kwarto ay para bang pinagbagsakan siya ng langit at lupa

Muli siyang napabuntong hininga.

"Nothing mom."

"Are you sure son?"

"Yeah mom" Ngumiti nalang siya ng kaunti upang huwag na pag-alalahin pa ang kanyang mommy. Nauna na siyang umakyat sa kanilang hagdanan at iniwan nalang niya ang kanyang mommy na malalim ang iniisip

Huminga muna siya ng malalim bago siya kumatok sa pinto ng kanyang kwarto at pinihit niya ang sedura ng pintuan

"Hey" Bati niya kay Chelsea dahil tila malalim ang iniisip nito habang may tinititigan itong isang maliit na bagay na hawak hawak nito

Hindi nito napansin ang pagkatok niya at pagpasok sa loob ng kanyang kwarto dahil seryoso itong nakatitig sa isang maliit na bagay na hawak hawak nito habang nakaupo ito sa kanyang kama

"Chelsea" Tawag niya sa pangalan nito upang pukawin ang atensyon nito

Doon palang ito tila napatingin sakanya. Agad nitong itinago ang maliit na bagay na hawak nito sa loob ng bulsa nito natataranta pa ito sa pagtago ng bagay na iyon at hindi nito maipasok agad sa loob ng bulsa nito ang inilalagay nito

Napansin niyang parang balisa ito

"K-Kanina kapa ba diyan?" Tanong ni Chelsea sakanya

Kumunot naman ang kanyang nuo dahil kakaiba ang kinikilos nito. Para bang pinipigilan lamang nitong magalit.

"Ako dapat ang magtanong niyan sayo. Kanina ka pa ba dito?" Balik tanong niya

"Oo! Where have you been ba? Kanina pa ako naghihintay dito mga tatlong oras na"

Alam niyang nagsisinungaling ito. Wala pang labing limang minuto siyang dumalaw sa bahay nila Magdalena. Napa-iling nalang siya dahil madalas niya itong mapansin na nagsisinungaling

"Fifteen minutes lang akong nawala. Basa pa nga itong buhok ko dahil kakaligo ko lang diyan sa bathroom ko." Walang gana niyang sagot kay Chelsea

Mukhang napahiya naman ito. Tumayo ito sa pagkakaupo nito sa kanyang kama at lumapit ito sakanya

"Fine whatever! Huwag ko lang mahuling nang-bababae ka dahil hindi ko alam ang magagawa ko kapag nakilala ko ang babae mo" May laman nitong pagbabanta sakanya

"Calm down." Pagpapakalma niya kay Chelsea

Pinalo nito ang kanyang braso sa sobrang inis nito sakanya bago nito hinablot ang kanyang braso at hinawakan siya doon ng mahigpit. Bumaon ang matutulis nitong kuko sakanyang braso. Sa tingin ni Jinso ay galit na galit ito sa mga oras na iyon

"May nakita akong gamit pangbabae sa kwarto mo while I'm waiting for you. Ang malas ng babae mo dahil nag-iwan pa siya ng gamit. I'm gonna find her and take her out of my sight. You're mine forever at hindi kana makakawala sakin. Tandaan mo yan"

Tiniis ni Jinso ang matulis na kukong bumaon sa kanyang braso. Lately mas nagiging mapanakit si Chelsea.

Hindi niya ito mapatulan dahil alam niyang may sakit ito sa puso. Ayaw niyang magsisi bandang huli kapag napahamak ito dahil sakanya

Itinulak siya ni Chelsea bago ito lumabas ng kanyang kwarto. Napabuntong hininga siya ng makita niyang nagsugat ang kanyang braso dahil sa pagbaon ni Chelsea ng kuko nito sa kanyang braso.

 

SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon