Chapter 26
"Miss Chelsea hindi pa po talaga binabayaran ng mommy mo ang gown na iyan. Mag-aabono ho ako kung hindi mo sakin babayaran yan ngayon--"
"Shut up! Bayad na to! Itanong mo pa sa manager mo!"
Nais mapahawak sa kanyang sintido si Chelsea dahil tila sumakit ng husto ang kanyang ulo at nais niya rin patigilin sa pagsasalita ang babaeng dressmaker ng clothing botique shop na iyon. Pinag-aagawan nilang dalawa ang isang malaking kulay puting kahon na pinaglalagyan ng kanyang birthday gown na susuotin para bukas
Samatalang nasa likod naman niya si Davin at napapangiti ito sa kanilang pag-aagawan ng kawawang dressmaker na iyon
"Tatawag ho ako ng pulis kung kukunin mo ito--"
"You listen to me bitch. Shut the f*ck up--"
Hindi na nagawang magsalita pa ni chelsea dahil agad na tinakpan ni Davin ang kanyang bibig gamit ang mabangong kamay nito at mainit init pa ang palad habang nakatakip sa kanyang bibig
Bakit kaya ang bango ng kamay ng bwisit na lalakeng ito? Mas mabango pa iyon sa mga hand cream lotion na ginagamit niya?
Nagpumiglas siya upang tangalin nito ang kamay nito. Napapabilis kasi nito ng husto ang kanyang puso sa simpleng pagdikit lamang nito ng kamay sa kanyang bibig
"Ano ba!" Sigaw niya kahit hindi naman maintindihan ang kanyang sinasabi
"Ilang beses kana nagmumura ha? Kapag nagmura ka pa ulit hahalikan na talaga kita" Nakangising sabi ni Davin na para bang ginagawa siyang bata nito
Nanlaki ang kanyang mata sa sinabi nito at mabilis na nag-init ang buong mukha niya. Pakiramdam niya may paraan ito upang baliwin ang pagtibok ng kanyang puso sa ganoong kabilis na ritmo. Para siyang tumakbo ng milya milya sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso niya. Ngayon lamang niya naramdaman ang ganoon
Did he just said the word kiss?
She was never been kiss!
Never siyang hinalikan ni Jinso. Hindi niya pa nararanasan ang mahalikan. Wala rin naman sa isip niyang magpahalik dahil kahit masama ang ugali niya ay mayroon parin siyang respeto sa kanyang sarili. Alam niyang walang pag-ibig na nararamdaman si Jinso sakanya kaya hinihintay niya lang rin na ito mismo ang humalik sakanyang labi sa tamang panahon
Kahit maraming beses na siyang nasasaktan ni Jinso. Lalo na nitong mga nakaraang araw. Madalas niyang makita ang mga kiss mark sa leeg nito. Alam niyang may ibang babae ito and she wants to find out who she is.
Napatingin siya sa natural na mapulang labi ni Davin na halatang malalambot at sa perpektong ngiti nito. Napaganda ng mga ngipin nito at mapuputi pa. Pasok ito sa standard niya sa isang lalake dahil halos kasing gwapo ito ni Jinso para sakanya. Ano kayang pakiramdam na mahalikan nito?
Teka bakit niya ba iniisip iyon?!
Napakunot agad ang nuo niya at nag iwas siya ng tingin sa mapanuksong mga labi ni Davin. Napansin na rin kasi nito ang pagkakatulala niya ng kaunti sa mga labi nito
"Natulala kana sinabi ko lang na hahalikan kita?" Mapang-asar nitong sabi sakanya na ikinatawa ng dressmaker. Mukhang nagpapa-cute pa ito kay Davin dahil panay ang tingin nito sa kagwapuhan ng lalake
Lalo tuloy napakunot ang nuo niya.
"Uhmm! Uhmm!" Pag-pumiglas niya sa mga kamay ni Davin na nakatakip parin sa kanyang bibig
"I'll pay for that dress." Tinangal ni Davin ang kamay nito sa kanyang bibig upang kunin ang wallet nito sa likod ng pantalong suot suot nito
Napataas ang kanyang kilay sa sinabi nito bago siya tumawa ng pagak
"You can't pay for this dress. Alam mo ba kung magkano ito? Hindi mo kayang bumili ng ganito no!" Pang-iinsulto niya kay Davin dahil alam naman niyang hindi ito mayaman. Lalo na't napakasimple lang nitong pumorma.
Ngumiti lang ito bago inilabas ang isang exclusive black card mula sa wallet nito kaya naman napa-nga nga siya.
Ilang kilalang mga personalidad lamang sa buong Pilipinas ang mayroong ganitong prebilehiyo. Mga kilalang tao lamang sa alta sosyalidad ang maaring magkaroon ng pagkakataon makakuha ng black card na iyon.
"Thank you Sir" Napangiti naman ang dressmaker at kinuha agad ang black card na iniaabot ni Davin
Nabitawan niya tuloy ang kahon dahil nagmadaling pumunta sa kaha ang dressmaker upang gawin ang payment transaction.
Nakakunot parin ang kanyang nuo at iniisip kung paano ito nagkaroon ng black card.
Si Jinso lamang ang kilala niyang mayroong ganoon. Ngunit malayong malayo ang pormahan ni Jinso kumpara kay Davin. Nagsusumigaw ang kayamanan sa tuwing mapapatingin siya kay Jinso dahil panay branded ang damit at gamit nito. Samantalang si Davin ay napakasimple lamang at luma pa ang kotseng ginagamit nito.
"Judgemental ka pasalamat ka maganda ka" Nakangiting sabi ni Davin bago nito binuhat ang kahon na pinaglalagyan ng kanyang birthday gown
She was still overwhelmed and shock at the same time. Paano nga kaya ito nagkaroon ng black card?
"Payment done. Thank you so much Sir" Papikit-pikit pa ang mga mata ng dressmaker ng ibalik nito kay Davin ang black card nito.
Ngunit inagaw niya ang blackcard mula sa mga ito upang tignan ang pangalan na naka-ukit ng mga gold letters sa mismong card nito
Lalong napakunot ang nuo niya ng mabasa ang nakalagay na pangalan sa blackcard
Davin Walton
Naroon rin ang picture ni Davin na mukhang teenager pa sa litrato habang nakangisi ito.
Napalunok siya.
Walton?
Ibig sabihin ay anak ito ng isang kinikilalang pamilya sa alta sosyalidad sa amerika? Bakit hindi niya ito kilala? At Bakit napakasimple nito??
"I-I can't believe this! Paaano--"
"You can use it if you want. Kaso wag muna ngayon nagtitipid ako eh." Kinuha nito muli sakanya ang black card bago ito naunang lumabas ng dress shop. Kumindat pa muna ito sa dressmaker kaya naman halos maihi sa kilig ang huli
Sinundan agad niya si Davin na kasalukuyan inilalagay sa lumang kotse nito ang puting kahon na pinaglalagyan ng kanyang birthday gown
"Anak ka ni Gorgina Walton?" Nakakunot nuong tanong niya kay Davin
"Sino yun?" Biro nito sakanya
"Shut up! Anak ka ba ni Gorgina Walton?" Nakabusangot na tanong niya kay Davin bago nito isinara ang compartment ng kotse nito ng mailagay na nito ng maayos ang kahon
"Yeah. Ikaw, anak ka ba ni Arlene? Kung makatanong ka parang may kasalanan sayo ang mom ko ha?" Natatawa nitong pinitik ang kanyang ilong habang nakatingin sa kanyang magandang mukha
Napalunok siya
Kakaiba kasi ang naging epekto ng pagpitik nito sa kanyang ilong. Ito palang ang lalakeng namitik sa kanya ng ganoon. Pakiramdam niya may halong paglalambing iyon
"B-Bakit paano ano" Hindi niya malaman kung paano magsisimulang magtanong kay Davin
"Gutom lang yan. C'mmon ililibre kita ng dinner--"
"Paano mo naging mommy si Gorgina Walton? Paano nangyari iyon--"
Ngumisi ito
"I know the process. Do you want to try it tonight?" Pilyo nitong tanong sakanya na ikinapula ng husto ng kanyang buong mukha
"H-Hindi iyon ang tinatanong ko!"
To her surprise ay napatawa ito ng malakas. Lalo itong gumwapo sa kanyang paningin.
This is not right! Bakit siya nagkakaroon ng atraksyon sa bwisit na lalakeng ito?
Hindi iyon maari dahil para lamang siya kay Jinso.
Si Jinso lamang ang gusto niyang maging asawa kahit pa wala siyang nararamdaman na kakaiba para sa binata
"Akala ko kasi tinatanong mo kung paano ako naging anak ng mommy ko eh. Kaya ko naman iyon ipaliwanag sayo step by step pa kung gusto mo--"
"Umuwi na nga tayo baka umulan pa ulit! Wala kang kwentang kausap bwisit ka" Pina-ikot niya ang kanyang mga mata sa ere sa sobrang inis niya kay Davin!
Nagbibigay ito ng kung ano anong ideya sa kanyang inosenteng utak!
Pakiramdam niya ay nanunuyo ang kanyang lalamunan sa kakaibang pakiramdam na pinararamdam nito sakanya
"Bago tayo umuwi ililibre muna kita ng dinner. Mas bagay sayo kung tataba ka pa ng kaunti--"
"Are you saying na mataba ako?!" Nanlalaking matang tanong niya kaya napangiti ito
Please lang wag kang ngiti ng ngiti bwisit ka!!!-- Sigaw niya sa kanyang isip habang nakatingin sa napakagwapong mukha nito
"Parang ganon na nga--Aw"
Napahaplos ito sa sariling braso nito ng hampasin niya iyon.
"I'm not fat! Bwisit ka talaga!" Gigil niyang sabi kay Davin
"Nakaka-ilan kana sakin ha? Pag ikaw nilumpo ko" Pilyong biro nito sakanya kaya halos umabot na sa bumbunan niya ang pag-iinit ng kanyang buong mukha
"Bakit papaluin mo rin ako ha?"
"Oo sa pwet mo.." Pilyo muli nitong biro sakanya at sinabayan pa nito ng pag kagat labi iyon
"Bastos!"
Akmang sasampalin niya ito ngunit nakaiwas ito at hinawakan ang kanyang kamay
"Hindi ako bastos, Romantiko lang." Sabay kindat pa sakanya bago siya nito binuhat na para silang bagong kasal
Nanlaki ang kanyang mga mata ng umangat siya sa lupa at maramdaman niya na lang na buhat buhat siya nito
"H-Hoy! Put me down! Damn you--" Nagpupumiglas siya habang buhat siya nito ngunit natigil ang pag pupumiglas niya ng ibaba siya nitong muli
"Anong sinabi ko sayo kanina? Kapag nagmura ka pa ulit?" Tanong nito sakanya habang nakasandal siya sa pinto ng kotse nito
lalong nanlaki ang kanyang mga mata. Naalala niya ang sinabi nito sakanya kanina na hahalikan siya nito kung magmumura pa ulit siya!
Tototohanin ba nito iyon?!
Napalunok siya at automatikong napatingin sa mga labi ni Davin. Kasalukuyang seryoso ang mukha nito habang nakatingin rin sakanya
"D-Don't you dare!"
"Pasalamat ka hindi ako humahalik ng pala-mura" Kinurot lang nito ang kanyang pisngi bago siya nito pinapasok sa lumang kotse nito.
Bakit parang nadismaya siya??
Bakit parang gusto niyang magpahalik?!
Bakit parang gusto niyang maramdaman kung anong pakiramdam na mahalikan nito??
Namalayan nalang niyang nagmamaneho na ito ng kotse nito habang nakasakay siya doon. Naka-kabit na rin ang seat belt niya. Para siyang naengkanto ng ilang minuto dahil hindi niya iyon napansin na ikinabit nito sakanya
"S-Saan mo ko dadalhin?"
"Saan mo gusto?" Tanong nito habang nagmamaneho
Pakiramdam ni Chelsea mas lalong gumaganda ang tono ng boses ng binata. Mas lalo yatang nagiging baritono iyon?
Ipinilig niya ang kanyang ulo
"Ang bastos mo talagang bwisit ka.." Galit galitan nalang niya dahil kung ano anong berdeng bagay ang naiisip niya
Tumawa si Davin at napapa-iling ito
Patingin tingin ito sa nakabusangot niyang mukha habang nagmamaneho ito
"Tinatanong ko lang kung saan mo gustong kumain. I don't see anything wrong about my question? Ikaw ha? Bad girl" Nakangising sabi nito sakanya
Kinurot niya ito sa braso nito sa sobrang inis niya. Ngunit napansin niyang masarap palang hawakan ang firm na firm nitong muscles sa braso nito
"Chansing na yan ha?"
Agad niyang tinangal ang kanyang kamay sa braso nito. Napahaplos pala siya sa braso nito imbis na kurutin ito?! Parang gusto niyang lumubog sa kinauupuan niya at maglaho nalang na parang bula sa sobrang kahihiyan niya
What's happening to her?!
Damn you Davin Walton!!!!

BINABASA MO ANG
SECRET LOVE
RomanceSong-Jinso fall in love with a curly girl named Magdalena. He likes her so much but he will never court her. Kahit gustuhin niya. Dahil sa utang na loob niya kay Chelsea ang anak ng bestfriend ng kanyang mommy, He sacrifies everything for her. Ibin...