Chapter 4

1K 108 12
                                    

Chapter 4

"Ituloy na natin ang group meeting natin mamaya.."

Napatingala si Magdalena ng may magsalita sa kanyang gilid. Kasalukuyan siya ngayong nasa loob ng library kung saan nagrereview siya ng kaniyang mga notes dahil mayroon silang pagsusulit sa susunod na linggo. Uwian na sana nila ngunit naisipan niya pang dumaan muna sa library upang mag review.

Halos masamid siya sa sarili niyang laway dahil hindi niya inaasahan na si Jinso iyon!

Tatlong araw na niya itong iniiwasan! Sa tuwing lalapit ito sa kanilang dalawa ni Janice sa kanilang classroom ay hindi niya ito pinapansin. Simula kasi ng may pinagsaluhan silang halik nito ay hindi na niya alam kung paano pa ito pakikitunguhan

"M-May iba na kaming kagroup ni Janice" Nag-iwas nalang siya ng tingin sa seryosong gwapong mukha ni Jinso

Umupo ito sa katapat ng kanyang inuupuan.

"Who?" Kunot nuong tanong nito

Nagkunwari siyang busy sa pagbabasa ng kanyang notes kahit wala na siyang nauunawaan sa kanyang binabasa roon. Ayaw lamang niyang pansinin si Jinso.

"Tell me. Sinong kagroup niyo baby?" Mahinang tanong ni Jinso kaya napatingin siya dito kasabay ng pagkunot ng kanyang nuo

"T-Tigilan mo nga ako sa pagtawag mo sakin ng ganyan" Sita niya kay Jinso dahil baka may makarinig pa dito at maparating pa iyon sa nobya nito tiyak na gulo iyon

"I will call you whatever i want. So now tell me sino ang kagroup niyo? Yung bagong transfer student ba talaga ha?" Derederetsong tanong ni Jinso na ang tinutukoy nito si Luis. Ang bagong transfer sa kanilang paaralan.

Napataas ang kilay niya.

"Napaka-chismoso mo talaga. Pati ba naman iyon nalaman mo pa" sagot niya habang may inis pa rin sa tono ng pagsasalita niya

Mahina lamang ang mga boses nila dahil nasa loob sila ng library.

Kumunot ng husto ang nuo ni Jinso ng makompirma nitong tama nga ang hinala nito. May nakarating kasing balita kay Jinso na may pumoporma raw na bagong transfer student kay kulot

Napatiim-bagang ang binata.

"I won't let that happen. Tandaan mo kulot ako ang naunang maging kagroup niyo--"

"Pinalitan ka na namin ni Janice." Walang ganang putol niya sa pagsasalita ni Jinso habang nililigpit niya ang kanyang mga notebook sa loob ng kanyang bag.

"No. Sa ayaw at sa gusto niyo ako ang kagroup niyo"
Tumayo rin si Jinso nang tumayo siya. Napapatingin tuloy sakanila ang mga studyante doon sa loob ng library

"Huwag kang gumawa ng chismis Jinso. Baka isipin nila may namamagitan satin dalawa ano ka ba? A-Ayoko ng gulo--"

"Bakit wala ba?" Seryosong tanong ni Jinso kaya naputol ang mga sinasabi niya

Napalunok siya at nahirapan siyang salubungin ang mga mata nito.

"K-Kung ang tinutukoy mo yung tungkol sa nangyari satin, kalimutan mo na iyon. Isang pagkakamali lang yun at wala yung k-kahulugan. At pwede ba Jinso may nobya kana db? kaya huwag mo na sana akong kulitin at irespeto mo ang gf mo dahil ayoko rin ng gulo" Sambit ni Magdalena kay Jinso bago niya ito iniwanan sa library

Mas mabuti ng sinabi niya iyon kaysa palagi parin siyang kinukulit nito

At dahil likas na matigas ang ulo ni Jinso ay sumunod parin ito sakanya hangang sa hagdanan ng kanilang paaralan. Mabuti nalang at walang studyante ang napapadako doon dahil hinawakan ni Jinso ang kanyang pulsuhan

SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon