Chapter 15
"Today is your presentation day!"
Sabay sabay nanlaki ang mga mata nila Magdalena at Janice dahil sa inanunsiyo ng kanilang guro nang araw na iyon!
Nakalimutan na kasi nila ang group project na kanilang kailangan gawin dahil naging okopado ang isip nila sa posibleng pagbubuntis niya sa buong buwan na iyon
Maraming mga kaklase nila ang sabay sabay na napabuntong hininga
"Oh no. Yare tayo.." Bulong niya kay Janice habang butil butil na rin ang pawis nito sa nuo dahil sa sobrang kaba
Napalunok ang kanyang kaibigan.
"L-Lagot talaga tayo neng. M-May next sem pa naman" Tabinging ngiting sabi nito.
"Okay class! Let's start with.. Hmm group number seven! Harlene's group.."
Unang tinawag ng kanilang guro ang groupo ng iba nilang kaklase. Kabado rin ang mga ito habang inaayos ang biglaang presentasiyon.
Napalingon si Magdalena kay Jinso sa kinauupuan nito. Hindi man lang ba ito kinakabahan? Wala silang nagawang project dahil ibang project ang ginawa nilang dalawa sa kwarto nito noong araw na gagawin sana nila ang group project nila.
Tumingin rin ito sakanya at bahagya pa siyang tinaasan ng isang sulok ng labi nito. Tila nang-aasar ang ngiting ibinigay nito sakanya dahil kitang kita nito ang kaba sa expresiyon ng kanyang mukha.
Agad siyang napasimangot dahil kahit ganoon ang ngiti nito sakanya ay parang tumalon pa ang kanyang puso! Sa loob kasi ng isang buwan ngayon lang niya ito muling nakatitigan. Iniiwasan kasi nila ang isat-isa. Nais tuloy niyang pagalitan ang pasaway niyang puso sa naging reaksiyon nito sa ngiti ni Jinso
Bakit ba kasi ubod ito ng kagwapuhan?!
Sa katunayan ay namiss niya ito ng husto ngunit siyempre hindi niya iyon aaminin kahit kanino dahil panigurado ikakapahamak niya lang iyon
Nag-iwas siya ng tingin kay Jinso pagkatapos niya itong bigyan ng isang masamang tingin. Sakto naman namatay na ang mga ilaw sa buong classroom nila upang makita nila ang screen ng projector sa kanilang white board. Tumutok doon ang atensyon nilang lahat.
"Yare na talaga tayo Janice."
"Nag-dadasal ako. Mag dasal ka rin neng" Bulong pa ni Janice sakanya habang nakikinig sila sa kanilang kaklase na nag-pepresinta ng project ng mga ito. Napapabilib siya ng mga kaklase nila dahil maganda ang mga power point na ginawa ng mga ito na halatang pinaghandaan. Samantalang silang dalawa ni Janice ay wala man lang nagawa. Naging busy rin kasi ito sa naging family problem nito.
Nakaka-anim na groupo na ang nagpepresinta kaya mas lalong dumodoble ang kaba sa kanilang mga puso."Good. Next group will be, Jinso's group!"
Parang tumalon ang puso ni Magdalena at Janice dahil sila na ang tinawag ng kanilang guro. Sabay silang napalunok ni Janice at halos nangangatog ang kanilang mga katawan.
"M-Ma'am pasensiya--" Magpapaliwanag nalang sana siya ngunit naputol ang kanyang sasabihin ng marinig niya ang boses ni Jinso
"Ano pang hinihintay niyo?"
Sabay silang napalingon kay Jinso ng lumapit ito sa kanilang upuan. Nanlaki ang kanilang mata ng makitang mag hawak itong isang maliit na usb device
Nakangiti ito habang nakatingin sakanilang dalawa ni Janice. Mukha kasi silang nakahinga ng maluwag ng makita nila ang hawak nitong usb device
"M-May project tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Janice kay Jinso. Ngunit mahina lamang ang boses ng kaibigan niya upang hindi sila marinig ng kanilang mga kaklase
"Ofcourse. C'mmon mag present na tayo" Nauna ng lumakad papunta sa harapan si Jinso dahil baka maghinala pa ang kanilang guro
Nahihiya silang dalawa ni Janice na sumunod dito dahil wala silang kamalay-malay sa project na ginawa nito
Tinitignan niya ang kilos ni Jinso habang isene-set up nito ang laptop ng kanilang guro. Tahimik ang kanilang mga kaklase habang nakatuon ang atensiyon ng mga ito sa white screen kung saan makikita ng mga ito ang kanilang thesis project.
Tumingin si Jinso sakanya saglit bago nito binuksan ang file ng kanilang project at sinimulan na nitong i-presinta iyon.
Namangha naman ang mga kaklase nila sa ganda ng pagkakagawa ni Jinso sa presentation nito. Pati na rin ang kanilang guro ay halatang napapabilib ng binata.
Samantalang tahimik lang silang dalawa ni Janice na nakatayo sa tabi ni Jinso.
Napatalon ang puso niya ng bumulong si Jinso sakanya. Bahagya pa nitong hinapit ang kanyang bewang upang ibulong lamang iyon sakanya
"You're turn baby. Basahin mo lang"
Napalunok siya dahil sa sinabi ni Jinso. Kahit kinakabahan siya at kakaibang epekto ang ginawang pagbulong ni Jinso sakanya ay nagawa parin niyang basahin ng maayos ang mga data na nakasulat sa screen.
Sumunod naman magbasa si Janice. Hindi ito binulungan ni Jinso katulad ng pag bulong nito sakanya kanina. Sinenyasan lang nito si Janice.
Habang binabasa ni Janice ang report nila ay hindi niya maiwasan mapatingin sa kanyang katabi. Seryoso ang mukha nito habang nakatuon sa screen ang atensyon nito. Labis na paghanga tuloy ang nararamdaman niya dahil hindi lamang ito gwapo kundi napakatalino pa. Natapos nitong mag-isa ang group project nila.
"Wow very good" Todo ngiti ng kanilang guro pagkatapos nilang mag-report.
Nagpalakpakan pa ang mga kaklase nila dahil sila ang pinakamagandang presintasiyon. Si Luis lamang ang hindi pumalakpak dahil napansin nito ang pagbulong ni Jinso sakanya kanina. Tila nakaramdam ito ng matinding pagseselos.
"S-Salamat Jinso" pasasalamat niya kay Jinso pagkatapos ng kanilang klase. Nilakasan niya ang kanyang loob na lapitan ito sa upuan nito bago pa man ito makalabas ng classroom nila
"Anything for my girl." Maloko nitong bulong sakanya bago nito ginulo ang kanyang kulot na buhok
Hindi pa siya nakakasagot ng iwanan na siya nito. Bumilis tuloy ng husto ang pagtibok ng kanyang puso na tanging ito lamang ang nakakagawa
Napatulala nalang siya sa likod ni Jinso hangang sa makalabas na ito ng classroom nila.
"Neng tara na? Naengkanto ka nanaman diyan" Kung hindi pa siya hinila ni Janice ay hindi pa siya kikilos sa kinatatayuan niya
Sabay silang lumakad papuntang canteen dahil lunch break na nila sa oras na iyon. Masayang masaya rin si Janice dahil mataas ang thesis score na kanilang nakuha. Nilibre pa nga siya nito ng lunch meal sa araw na iyon dahil sa sobrang saya nito
Ngunit wala siyang gana kumain dahil sa hindi kalayuang table ay naroon si Jinso at kasama nito si Chelsea. Sabay na kumakain ang mga ito.
"Neng malamig na yang pagkain mo. Huwag ka ng tumingin sakanila masasaktan ka lang"
Napabuntong hininga siya. Kinuwento niya kay Janice ang ginawang pagbulong ni Jinso sakanya kanina during their presentation. Ngunit ang sabi ni Janice ay balewalain niya lamang iyon.
Pasulyap-sulyap rin si Jinso sa kanilang table kaya naman nagkasalubong ang kanilang mga mata. Napalunok si Magda dahil ngumiti si Jinso sakanya. Isang malanding ngiti iyon!
Agad siyang nag-iwas ng tingin dahil baka makita pa ni Chelsea ang malagkit na tingin ni Jinso sakanya
"Hi girls."
Napalingon sila kay Luis ng umupo ito sa kanilang pwesto habang hawak nito ang isang tray ng pagkain nito.
"Oh akala ko umuwi kana?" Tanong ni Janice kay Luis dahil bigla nalang ito nawala kanina sa classroom nila. Iniisip nilang baka nag cutting classes ito katulad ng madalas nitong gawin
"May kinuha lang ako sa bahay. Hindi niyo ako hinintay kumain ha?" Sabi pa ni Luis sakanilang dalawa
"Aba bakit ka naman namin hihintayin aber?" Mataray na tanong ni Janice kay Luis. Samantalang tahimik lamang siya dahil pakiramdam niya nakatingin parin sakanya si Jinso sa di kalayuan
"Dahil may ibibigay ako sainyong cupcakes" Nakangiting sabi ni Luis bago nito inilabas mula sa bag nito ang dalawang cupcakes na mukhang napakasarap
Isa kasi sa mga hidden talent nito ang pag-gawa ng ibat-ibang matatamis na pagkain.
Napangiti agad silang dalawa ni Janice dahil gustong gusto nila ang mga binibigay nitong desserts sakanilang dalawa
"Wow thanks!" Nakangiting pasasalamat niya
Hindi naman sinasadyang mapalingon siya sa pwesto ni Jinso at unti-unti tuloy nawala ang kanyang ngiti dahil nakasimangot na ito sa mga oras na iyon habang nakatingin sakaniya. Mukhang hindi nito nagugustuhan ang magandang ngiti na binibigay niya para kay Luis
Nag-iwas nalang siya ng tingin kay Jinso at ipinagpatuloy nalang niya ang kanyang pagkain.

BINABASA MO ANG
SECRET LOVE
RomanceSong-Jinso fall in love with a curly girl named Magdalena. He likes her so much but he will never court her. Kahit gustuhin niya. Dahil sa utang na loob niya kay Chelsea ang anak ng bestfriend ng kanyang mommy, He sacrifies everything for her. Ibin...