Chapter 30
Aliah POV (Mom of Jinso)
"Doctor Ramon, What a surprise!" Yumakap agad si Mrs.Song sa bagong dating na doctor sa kanyang mini plant-tita shop na ipinatayo ng kanyang asawang si Song-Jin para may paglibangan siya habang nasa South Korea ito.
Once a week ito kung umuwi o dikaya ay every other day dahil namimis daw silang mag-ina ng kanyang asawa. Balewala naman dito ang pari-parito dahil bariya lang dito ang gasolina ng private plane nito papuntang Pilipinas.
She was very happy eversince naging asawa niya ito. Lahat ng kanyang pangarap ay tinutupad ng kanyang asawa at isa na doon ang pagkakaroon ng plant shop. Ibat-ibang halaman ang inaalagaan at binebenta niya. Mayroon na siyang sampung branches ng kanyang plant shop sa buong Pilipinas ngunit sa metro manila ang paborito niya dahil ito ang pinakamalaki at kauna-unahang plant shop niya
"Good morning Aliah. Sorry for coming here unannounced. I just want to talk to you about Jinso.."
Nawala unti unti ang kanyang ngiti dahil sa kaseryosohan ng mukha ng kanyang kaibigang doktor
Unti-unti rin kumabog ang kanyang puso sa pangambang problema tungkol sakanyang anak
"W-What about my son doc? Ano pong pag-uusapan natin sakanya?" Hindi niya mapigilan itanong agad kahit hindi pa man sila nakakarating sa mini-office room niya sa loob ng kanyang plant-shop
"Let's talk privately Aliah. This is very important and very disturbing.." Napatingin si Doctor Ramon sa mga staff niyang nagdidilig ng halaman
"Oh. Okay doc let's get inside.."
Medyo may katabaan si Doctor Ramon ngunit maliksi pa naman ito. May pagmamadali sa mga lakad nito na nakadagdag sa kanyang nerbyos na nararamdaman
Ano kayang tungkol sa kanyang anak ang nais nitong pag-usapan? She knows everything about her son. Tutok siya kay Jinso kaya naman impossibleng nagkakaroon ito ng problema na hindi niya nalalaman
She knew, Her son is very happy with his life right now especially panay ang ngiti nito sa mga nagdaang araw na para bang inlove na inlove ito kay Chelsea
Sa mga acads naman nito ay maipagmamalaki niya ang grado at talino ng kanyang anak. Ready na nga itong pumalit sa daddy nito bilang CEO ng kanilang mga business dahil sa sobrang qualified na nito sa larangan ng negosyo. Tinuruan na ito ng daddy nito kung paano ang paligoy-ligoy at teknik sa pagnenegosyo ng maayos.
Ngunit ano nga ba ang problema tungkol sa kanyang anak?
Naupo si doctor Ramon sa isang malambot na sofa sa loob ng kanyang opisina.
Isinara niya ang pintuan. Napansin niyang nanginginig na ang kanyang mga kamay.
Ang seryosong mukha kasi ng doctor ay nakakapagpakaba sakanya. Kilala niya kasi itong masayahin at palaging nakangiti.
Tila mabigat ang nais nitong sabihin kaya naman hindi niya maiwasan kabahan ng husto
"D-Doc ano hong problema sa anak ko?"
Umupo rin siya sa tabi ng doctor dahil nanghihina ang kanyang tuhod.
Tulad ng ibang mga ina sa mundo kapag tungkol sa problema sa kanilang anak ang pag-uusapan ay tila nanghihina ang buong katawan niya
Bumuntong hininga ang doctor at tumingin sakanyang mga mata.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Aliah. Forgive me for not telling you about Jinso's condition--"
"W-What condition doc?" Medyo garalgal na ang kanyang boses
Huminga ito ng malalim bago sinagot ang kanyang tanong
"He have traumatic experience on the day you were almost killed."
"T-Trauma? Parang wala naman doc--"
"He keep it as a secret. Nagsimula siyang magtapat sakin ng mga nangyayari sakanya simula pa noong highschool siya. He came to my hospital. I promised that i will never tell anyone about his condition"
Napalunok siya sa isiniwalat ng doctor
"G-Ganoon katagal? Hangang ngayon?"
"Yes Aliah. Mula pa noong bata siya ay nagkakaroon na siya ng mga panaginip na paulit ulit tungkol sa nakaraan. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil hindi siya ang nagligtas saiyo noong araw na iyon. And his very young that time. Nagkakaroon talaga ng traumatic experience ang isang batang kasing edad niya na makasaksi ng isang taong nabaril at worst dugoan pang katawan ni Chelsea ang tumatak sa kanyang isip noong bata pa siya. Hangang ngayon ay pinagdudusahan niya iyon."
Wala siyang masabi kahit anong salita dahil parang may bumara sa kanyang lalamunan. She wants to go home already and hug her son. Hindi niya alam na may pinagdadaanan itong ganoon!
"Palagi siyang pumupunta sa sakin sa tuwing binubulabog siya ng kanyang masasamang panaginip. Ngunit ang pinaka-kinababahala ko ay ang batang babaeng nagligtas saiyo. She used Jinso's condition to control him. At ayon sa pag-aanalisa ko, Isa ring traumatic patient ang batang babaeng iyon. Pareho nilang hindi kinayanan ang pangyayaring nasaksihan ng mura nilang edad"
"O-Oh my God.."
"Hindi gusto ni Jinso ang batang babaeng iyon. Ngunit pinipilit siya nito na maging nobya for so many years sa pananakot nito na mayroon itong sakit sa puso. Pinagsasabihan ko si Jinso na huwag niya iyon gawin dahil lamang sa konsensya at guilt. Ang sabi niya, He is just waiting for the right man to take care of Chelsea dahil mahal niya rin ito bilang kapatid. But he suffered a lot already Aliah. Not until this morning.."
"W-What happened this morning?" Napapalunok niyang tanong habang nanlalabo na ang kanyang mga mata
Wala siyang ka-ideya ideya na mayroon palang pinagdaraanan ang anak niya
"Nagpunta si Jinso sa clinic ko. He's very wasted and helpless. Problemadong problemado dahil pinipilit daw siya ni Chelsea na magproposed ng kasal tonight at her birthday party. Hindi niya kayang gawin iyon pero kinokonsenya siya ng kanyang utak. Buong gabi niyang naalala ang pag-putok ng baril. Inuusig siya ng kanyang guilt at konsensya. He love somebody else. May ibang mahal ang anak mo Aliah."
Napatakip na sa kanyang mukha si Aliah dahil sa sinabi ni Doctor Ramon. All this time nahihirapan pala ang kanyang anak sa nakaraan?
Samantalang wala itong dapat pagbayarang utang na loob! Dahil kusang loob naman siyang niligtas ng batang babae. Higit sa lahat binigyan niya ng 500 million ang mga ito dahil sa nagawang kabayanihan nito.
"Hindi ko na kayang itago ito dahil awang awa nako sa inaanak ko. He suffered too much for that incident. Ang tanging makakagamot lang sakanya ay palayain siya ng batang babaeng iyon sa utang na loob nitong pinapamukha sakanya ng paulit ulit. I also want to cure that girl. Mayroon rin siyang traumatic experience kaya nagkaganoon ang kanyang mindset."
"Oh God.. I need to talk to my son.."
"You have to. Kailangan mong kausapin si Jinso. He said he will do what she wanted him to do. Natatakot akong mas lalo siyang malubog sa kalungkutan kung patuloy niyang susundin ang mga utos ni Chelsea sakanya. Please don't get mad to that girl. Biktima rin siya ng traumatic experience na nasaksihan nila noon. She suffered a lot too. Sa tingin ko kailangan niyong mag-usap ng nanay ni Chelsea para ayusin ang mga anak ninyo. I am very willing to help them for free.."
Napahagulgol si Aliah at di niya maiwasan magalit sa kanyang sarili. Anong klaseng ina siya? Bakit hindi niya man lang napapansin ang problemang pinagdaraanan ng kanyang anak??
"S-Salamat doc.. Kakausapin ko ang anak ko.."
"I will leave it to you Aliah. Ikaw lang makakatulong sa anak mo. At nga pala, Nakausap ko ang doktor na kinuntsaba ni Chelsea upang palabasin lamang na may sakit siya sa puso. Alam ng doctor na may traumatic experience ang bata kaya pinagbigyan niya ito. Hinanap ko talaga ngayong araw na to kung sino ang doctor na iyon at pinilit ko siyang magtapat sakin kaya dali-dali akong dumeretso dito sa plant shop mo. Kaya Aliah, Tulungan mo si Jinso makawala sa utang na loob na nagpapagulo sa kanyang isipan. Natatakot akong isang araw ay hindi na niya makayanan"
"Oh no.. Nag-babayad ng utang na loob ang anak ko sa hindi naman niya kasalanan." Napahagulgol siya
Pagkaalis ni doctor Ramond ay tinawagan agad niya si Arlene. Sinabi niya rito na kailangan nilang mag-usap.
Nagkita sila sa isang coffee shop.
Hindi sana ito makakapunta dahil busy raw ito sa birthday celebration ng anak nito mamayang gabi. Ngunit naramdaman nitong seryoso siya at problemada kaya naman gumawa ito ng paraan upang makipagkita sakanya
Pagkarating nito sa coffeeshop ay kasama nito ang bagong nobyo nitong si Mr. Peterson
"Oh mare what happened to you?? Bakit namumugto ang mga mata mo?" Nag-aalala agad na tanong ni Arlene sakanya pagkadating nito sa coffeeshop
Napansin nito ang pamumugto ng kanyang mga mata
Yumakap ito sakanya "Anong nangyari Aliah?"
"M-Mare we need to talk about our children." Napahagulgol siyang muli dahil pareho sila ng kanyang matalik na kaibigan na walang ka-ideya ideya kung anong nangyayari sa mga bata
Napa-hagulgol rin si Arlene ng malaman nito ang lahat dahil kinuwento niya dito ang mga sinabi ni Doctor Ramon.
Noong una ay galit na galit ito sa anak nitong si Chelsea dahil sa pagsisinungaling nito at pag-blackmail sa anak niyang si Jinso. Tinawag pa nga nitong bruha ang sariling anak dahil sa dami ng beses nitong nagsinungaling at nagdrama.
Ngunit kala-unan ay pina-intindi sakanila ni Mr. Peterson na mayroon daw problema ang mga bata na dapat aksyonan at pahilumin. Biktima lamang ang mga ito sa hindi magandang pangyayari.
"Mare i'm very sorry. Sobra akong nahihiya sainyo ng anak mo. Oh Jinso. Kawawa naman ang anak anakan ko.." Napahagulgol si Arlene habang magkayakap silang magkaibigan
"Wala tayong ibang dapat sisihin Arlene kundi tayong dalawa lang. Hindi natin nakitang may problema ang mga bata. Hindi man lang natin naisip na maari nilang pagdusahan ang nangyari noong araw na iyon. Hindi man lang natin naisip na maari silang ma-trauma dahil sa mura nilang edad ay nakasaksi sila ng pamamaril.."
"Tama ka jan Mare.. Pero anong gagawin natin ngayon?"
"Pipigilan ko ang anak ko sa gagawin niyang proposal mamayang gabi.. Kakausapin ko siya na hindi niya kailangan mag bayad ng utang na loob at sasabihin ko sakanyang walang sakit sa puso ang anak mo mare. Ilalayo ko muna siya dito sa Pilipinas. Pero kailangan mo rin tulungan si Chelsea. Ipagamot mo siya kay doctor Ramon. Ilayo mo rin muna siya saamin upang hindi na niya maalala ang nangyari noon. They badly need treatments. Bago pa maging baliw ang mga anak natin"
Napahagulgol silang dalawa...
Ngunit dahil sa pag-iyak niya sa buong maghapon ay nakatulog siya pagdating niya sa mansyon at hindi niya nakausap ang kanyang anak.
"Where is Jinso??" Natatarantang tanong niya sa mga katulong nila
"Umattend po ng birthday ma'am. Kanina pa ho naka-alis!"
"Oh My God!"
BINABASA MO ANG
SECRET LOVE
RomanceSong-Jinso fall in love with a curly girl named Magdalena. He likes her so much but he will never court her. Kahit gustuhin niya. Dahil sa utang na loob niya kay Chelsea ang anak ng bestfriend ng kanyang mommy, He sacrifies everything for her. Ibin...