Chapter 7

960 116 11
                                    

Chapter 7

"Pwede ba kitang ligawan Magda?"

Napakurap-kurap si Magda habang nakatingin siya kay Luis at sumisipsip siya ng milk tea na inorder nito para sakanya na may kasamang isang cheese burger. Niyaya kasi siya nitong mag-miryenda sa mall pagkatapos ng kanilang klase at pumayag naman siya

Saglit siya inubo dahil sa pagkabigla sa sinabi ng binata. Ngumiti ito ng matamis at hinagod ang likuran niya.

"Are you okay?"

"A-Ayos lang ako. Nagulat naman kasi ako sa sinabi mo"

Ngumiti itong muli. Gwapo naman ito at malakas rin ang dating. Pero hindi maunawaan ni Magda kung bakit hindi nito napapatibok ang kanyang puso gaya ng pagpapatibok ni Jinso doon.

Makita pa lamang niya si Jinso ay tila nawiwindang na ang buong puso niya.

"So what's your answer to my question Magda?" Mayamaya tanong ni Luis ng matahimik siya. Iniisip niya kasi si Jinso. Alam niyang nagagalit ito sakanya dahil may kasama siyang ibang lalake.

Ngunit hindi naman niya maunawaan ang damdamin nito para sakanya. Para siyang nangangapa sa dilim. Hindi niya maintindihan kung bakit ito nanghahalik at nagagalit kapag may ibang lalakeng lalapit sakanya. Ngunit hindi naman nito magawang iwanan ang nobya nito.

"P-Pasensya kana--" Sasagot na sana si Magdalena na hindi pa siya handang magpaligaw kay Luis ng mapadako ang tingin niya sa bagong pares na kakapasok pa lamang sa milktea shop na iyon.

Nanlaki ang kanyang mata ng makitang si Jinso at Chelsea ang mga iyon! Nakatingin si Jinso sa kanilang pwesto ni Luis!

Masayang masaya ang babae habang nakakapit ito sa braso ni Jinso. Samantalang masamang masama naman ang tingin ni Jinso sa kanilang dalawa na para bang inis na inis ito. Katulad kanina sa classroom nila parang gusto na nitong manapak sa mga oras na iyon.

Nag-iwas nalang siya ng tingin kay Jinso lalo na at papalapit ito sa bakanteng pwesto sa tabi ng kanilang table

Napatingin rin sa mga ito si Luis. Nagkatitigan ng masama si Luis at Jinso na para bang nakikipagsukatan ng pagkalalake ang mga ito. Kapwa mayayabang ang tingin sa isat-isa.

Napalunok si Magdalena dahil sa tensyong namamagitan kay Luis at Jinso sa mga oras na iyon

Nang makalapit ang mga ito sa katabing table nila ay nag-iwas nalang siya ng tingin sa mga ito ngunit naririnig niya ang pag-uusap ng dalawa

"Love ikaw na mag-order for me ha? I want milk tea with pearls and isang cheese burger"

Narinig niyang utos ni Chelsea kay Jinso ng maka-upo ang mga ito sa katabing table nila

"Sige love" Sagot ni Jinso na parang isang patalim na sumugat sa kanyang puso

Hindi niya akalain na isang salita lamang ang makakadurog ng ganoon sa puso niya. Parang nanikip ang kanyang puso at may kung anong tumutusok tusok na karayom sa loob nito

Napainom nalang siyang muli ng milktea habang nakayuko siya.

Ang sakit kasing isipin na kung makahalik ito sakanya ay parang wala ng bukas ngunit heto ang katotohan na pagmamay-ari na ito ng ibang babae

"Magda. Tungkol sa tinatanong ko sayo kanina, May sagot kana ba?" Wika ni Luis kaya napa-tingin siya dito

Alam niyang naririnig sila ni Jinso dahil halos magkatabi lamang ang kanilang mga lamesa sa milktea shop na iyon

Napalunok muna siya bago sagutin ang tanong ni Luis. Marahil ang pagdating ni Jinso af Chelsea sa milktea shop na iyon ang kanyang sign na itigil na niya ang kanyang lihim na pagsinta sa binata dahil may ibang babae ng minamahal ito

"P-Pumapayag nakong magpaligaw sayo" Sambit niya habang nanginginig ang kanyang mga labi sa pagsabi ng mga salitang iyon

Nararamdaman niyang nakatingin si Jinso sakanya ngunit hindi niya ito titignan.

"Love? Order kana please? Ano pa bang hinihintay m--"

"Saglit lang!" Inis na sambit ni Jinso kay Chelsea na medyo may kalakasan ang tono ng boses nito at mababakas ang pagka-inis. Napa-nganga naman si Chelsea dahil iyon ang unang pagkakataon na tinaasan siya ng boses ni Jinso

Samantalang napangiti naman ng husto si Luis sa naging sagot niya. Tumayo pa ito para yakapin siya habang nakaupo siya sa kanyang inuupuan

"God i'm so happy Magda! Gagawin ko ang lahat para mapatunayan ko lang sayo na seryoso ako"

Ngumiti lamang si Magda ng pilit. Ngunit naputol ang pagyakap ni Luis sakanya ng marinig nilang magsalita si Jinso

"Liligawan mo? Diba may girlfriend ka sa Amaro?" Tinutukoy ni Jinso ang school na pinang-galingan ni Luis.

Sabay silang napatingin kay Jinso at pulang pula na ang buong mukha nito sa pagpigil ng galit.

"Love huwag kang maki-alam sakanila--"

"Nanliligaw ako dahil wala akong sabit.." Nakangising sagot naman ni Luis kay Jinso na talagang pinatatamaan nito ang binata

Lalo naman namula sa inis ang gwapong mukha ni Jinso. Akmang tatayo ito upang suntukin si Luis ngunit pinigilan ito ni Chelsea

"Love anu ba! What's happening to you?!" Inis na pigil ni Chelsea kay Jinso

"Let's go Magda. Sa ibang lugar nalang tayo mag-date" Bakas sa tono ng boses ni Luis ang pang-aasar

Nakakunot naman ang kanyang nuo habang nakatingin siya kay Jinso. Anong karapatan nitong manghimasok sa kanilang dalawa ni Luis?

Tumayo na siya sa kanyang inuupuan at inalalayan naman siya ni Luis sa kanyang siko. Pigil na pigil lamang ni Jinso ang sarili nitong agawin siya kay Luis dahil naroon si Chelsea sa tabi nito.

Nang makalabas sila sa Milktea shop ay inis na inis parin siya kay Jinso

"Ano naman kayang problema niya kung liligawan mo ako? Siya nga may pa-love love pa eh!" Naiinis na sambit ni Magda habang papalayo sila sa milktea shop

Napatingin naman si Luis sakanya at tila nababasa rin nito ang damdamin niya para kay Jinso. Seryoso lang itong naglakad sa kanyang tabi

"Nakakabwisit talaga ang lalakeng yan! Masyadong epal--"

"Don't mind him Magda." Huminto sa paglalakad si Luis at hinawakan nito ang kanyang kamay

Napatigil rin siya sa paglalakad dahil sa ginawa nito. Napatingin siya sa seryosong mukha ni Luis.

"Hindi niya ako mapipigilan sa pangliligaw ko sayo."

Kahit gusto niyang kiligin sa sinabi ni Luis ay tila wala man lamang epekto iyon sa kanyang puso

Ngumiti nalamang siya bilang tugon

"Ang ganda ganda mo Magda. Unang kita ko palang sayo nagkagusto nako sayo agad."

Once Again, Wala paring kilig na naramdaman si Magda kahit pa napakaganda ng sinabi ni Luis
 
Isang ngiti nalang muli ang tinugon niya.

Hinatid siya ni Luis hangang sa gate ng kanilang bahay. Maayos itong nag-paalam sakanya at sinabi nitong susunduin daw siya nito bukas ng umaga upang sabay silang pumasok sa eskwelahan

Ngunit kahit pa may isang lalakeng nanligaw na sakanya ay hindi siya makaramdam ng saya.

Normal bang malungkot kapag nililigawan ka ng isang lalakeng gwapo naman at mukhang mabait?

Normal bang hindi maging masaya dahil hindi si Jinso ang lalakeng unang nangligaw sakanya?

Normal ba ang lungkot na kanyang nararanasan ngayon kapag naaalala niya ang endarement ni Jinso at Chelsea na dumudurog sa inosente niyang puso?

Malungkot siyang umakyat sa kanyang kwarto. Walang tao sa kanilang bahay kundi siya lamang dahil araw iyon ng biyernes. Tuwing biyernes ay nasa batangas ang mommy at step father niya kasama ang bunso niyang kapatid. Sa lunes na ng umaga umuuwi ang mga ito.

Kaya naman naiiwan siyang mag-isa tuwing week-ends sa loob ng kanilang bahay

Naligo nalang siya dahil balak na niyang matulog ng maaga. Masyadong malungkot ang araw na ito para sakanya.

Nagsipilyo na rin siya at nag-night facial wash and facial cream rin siya dahil tuwing biyernes niya lang rin iyon ginagamit. Moisturizer cream lang kasi ang madalas niyang gamitin araw araw sa kanyang mukha dahil ayaw niyang masunog ang balat niya kapag nasobrahan iyon sa mga chemical

Nagtapis lamang siya ng tuwalya sa kanyang hubot-hubad na katawan habang ang buhok naman niya ay pinuluputan niya ng isang tuwalya upang matuyo iyon.

Paglabas niya sa kanyang bathroom ay bigla siyang napasigaw! Dahil nakahiga sa kanyang queen size bed ang lalakeng kanina pa lamang ng kanyang isip!

Nakahiga ito doon habang may nilalaro itong soccer ball pillow na kanyang unan. Seryoso ang gwapong mukha nito na halatang may iniisip

"Ahhhhh!!!! Anong ginagawa mo dito?!" Tili niya kaya napatingin ito sakanya

Napalunok agad ito ng makitang nakatapis lamang siya ng tuwalya. Kaya't napaupo agad ito sa kanyang kama. Saglit pa nitong hinawi ang buhok nito na animoy shampoo model sa ganda at lambot ng buhok nito.

"P-Paano ka nakapasok dito Jinso?!" Tanong niyang muli dahil nakatingin lang ito sakanya ng malamlam ang mga mata

"Nagpaligaw kana sakanya?" Malungkot na tanong ni Jinso habang nakatingin ito sakanya

Napalunok naman siya at mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa lalakeng gwapo na ito

"A-Ano bang paki mo? Eh ikaw nga may nobya eh!" Hindi niya maiwasan sabihin iyon

Napabuntong hininga si Jinso bago ito tumayo at lumapit sakanya. Napa-atras naman siya dahil sa kakaibang emosyong nakikita niya sa mga mata nito

"A-Ano bang ginagawa mo kasi dito? Paano ka nakapasok--"

"Iniwan mong nakabukas ang pinto niyo" seryosong sagot ni Jinso sakanya habang palapit parin ito ng palapit sakanya

Samantalang paatras naman siya ng paatras hangang sa umabot na siya sa pader.

"A-Ano ba? U-Umuwi kana nga--" Nais sana niyang layuan ito

Ngunit kinorner siya ni Jinso sa magkabilang kamay nito.

Napalunok siya ng magkatitigan ang kanilang mga mata.

"Bastedin mo siya baby.. Please?" Pagsusumamo ni Jinso na ikinagulat niya

Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa sinabi nito. Napakalakas ng pagtibok ng kanyang puso sa mga oras na iyon.

At tanging ito lamang ang nagpaparamdam sakanya ng matinding kilig katulad ngayon.


SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon