Chapter 25 (Jinso POV)
Napapasipol si Jinso habang nagbibihis siya sa kanyang full length mirror sa loob ng kanyang kwarto.
Hindi niya mapigilan maging masaya sa araw na iyon dahil iyon ang unang pagkakataon na makakasama niya si Magdalena sa araw mismo ng birthday nito
Noong mga nakaraang taon kasi ay patago niya lang itong sinusundan tuwing birthday nito. Nakokontento na siya noon na makitang masaya ito habang kasama ang pamilya nito.
Ngunit ngayon, Sa pagkakataong ito ay makakasama na niya ito bilang nobya niya kahit palihim lamang
Napapangiti siya mag-isa habang nakaharap siya sa salamin. Naaalala niya pa kasi ang itsura ni Magdalena kagabi sa salamin na iyon habang sila ay nagtatalik.
She's very sexy last night. Her bouncing boobies makes him crazy. Nakaharap ito sa salamin na iyon kagabi habang nakahubot hubad at siya ay patalikod itong niroromansa. Bawat ungol nito ay parang musika sa kanyang pandinig.
Hinding hindi siya magsasawa na paligayahin ito.
Higit sa lahat nais na niya itong makasama araw araw. Mag-papaalam na siya sa kanyang mga magulang na mag-aasawa na siya dahil sa tingin niya ay nabuntis na niya kagabi si Magdalena.
He's ready to be a dad for sure.
Naputol ang pagmumuni-muni niya ng kumatok sa nakabukas na pintuan ang mommy niya.
"Hello anak?"
"Hi mom" Nakangiting bati niya sa mommy niya bago ito hinalikan sa pisngi
"Where are you going anak? Bakit bihis na bihis ka? Ang gwapo gwapo mo naman anak" Masayang tanong nito habang pinagmamasdan siya
Nahalata nitong masaya siya kaya naman napapangiti rin ito habang nakatingin sakanya
"Yeah. May pupuntahan lang ako mom--"
"Is it a date anak? Oh God mag date kayo ni Chelsea right? Bakit naman tanghaling tapat anak?"
Unti-unti naman nawala ang kanyang magandang ngiti. Ngunit hindi naman siya sumimangot dahil baka makahalata ang mommy niya
"I gotta go mom. Nagmamadali po kasi ako eh" Humalik siyang muli sa pisngi ng kanyang mommy
"Wait anak. Kaya ako nagpunta dito dahil itatanong ko sayo kung anong oras tayo gagawa ng cake for Chelsea? Birthday niya na bukas kaya kailangan na natin mag-bake ngayong gabi--"
"M-May cake na po si Chels mom. I-I need to go now" Pag-iwas niya sa nagtatakang tingin ng kanyang monmy
"But i thought--"
"Mom i need to go. Mamaya na po tayo mag usap"
Nagmadali na siyang lumabas ng kanyang kwarto ngunit pinigilan siyang muli ng kanyang mommy nang makita nito ang isang kulay pulang box sa ibabaw ng kanyang kama
"Anak naiwan mo.." Ini-abot nito sakanya ang red box na iyon na naglalaman ng emerald diamond necklace na regalo niya para kay Magdalena. May korte iyong butterfly dahil mahilig si Magdalena sa mga paro-paro.
"O-Oh"
Napalunok siya at kinuha iyon sa kanyang mommy. Nagtataka parin ang tingin na ibinibigay nito sakanya ngunit nag-patay malisya nalang siya
"B-Bye mom"
Tumalikod na siya upang huwag ng magtanong pa ang kanyang mommy. Nagmadali na siyang lumabas ng kanilang mansiyon.
"Hello Ser pogi.." Masayang bati sakanya ng kanilang security guard na kaibigan na rin niya
"Mang Lucio" Nginitian naman niya ito. Papasakay palang siya sa kanyang motorsiklo.
"Mukhang may date kayo ni kulot ha?" Panunukso nito sakanya.
Ito lang kasi ang nakaka-alam ng sikreto nilang relasyon ni kulot dahil ito ang nagpapapasok kay kulot papunta sa kanyang kwarto.
"Yeah. It's her birthday today" Masayang sabi niya habang isinusuot ang kanyang helmet.
Nakatanaw naman ang kanyang mommy mula sa balkonahe ng kanyang kwarto. Labis na itong nagtataka at naghihinala na may ibang babae siya dahil nakita nito ang isa pang helmet na hawak niya bago siya tuluyang sumakay sa kanyang motorsiklo
Sumaludo naman si Manong Lucio sakanya ng makalabas siya sa kanilang gate.
Wala pang trenta minuto ay naroon na siya sa meeting place nila ni Magdalena. Tinext na niya ito kanina na papunta na siya roon.
Isa iyong parking lot ng Hoffman Malls. Ang pinakasikat na mall sa buong bansa.
Malayo iyon sa kanilang lugar kaya marahil walang mapapadpad doon na kakilala nila.
Maya maya pa ay napangiti siya ng makita niyang papalapit sakanyang pwesto si Magdalena
Napakaganda nito sa suot nitong kulay asul na bestida. Bagay na bagay sa dalaga ang damit na iyon.
"Hi birthday girl.." Bati niya kay Magdalena bago ito hinalikan agad sa mga labi nito
Balak sana niyang bigyan lamang ito ng isang mabilis na halik ngunit napa-lalim iyon dahil napakasarap talaga nitong halikan.
Ang lambot lambot ng labi nito at ang bango bango ng hininga. Be can smell the mint flavor of her breath. Masarap iyon sa kanyang pang amoy kaya napa-lalim lalo ang paghalik niya sa dalaga lalo na't gumaganti rin ito ng halik sakanya
Ngunit bago niya pa makalimutan na nasa parking lot sila ay hininto na niya ang paghalik dito
"You're so lovely.." Pagpuri niya sa ganda nito habang hinahaplos niya ang pisngi nito gamit ang likod ng kanyang hintuturong daliri
Napangiti naman ito ng matamis
"Kanina ka pa ba dito baby?" Tanong nito sakanya
Napag-kasunduan kasi nila kagabi na baby na ang itatawag nila sa isat-isa.
"Kakarating ko lang po.." Paglalambing niya bago ito niyakap ng mahigpit.
"I miss you Magda.." Bulong niya habang yakap yakap niya ito. Kahit magdamag na sila magkasama kagabi ay tila namiss niya agad itong makasama
"I miss you too Jinso.." Humigpit naman ang pagyakap nito sakanya
"Let's go mag date na tayo.."
Magkahawak kamay silang naglakad papunta sa loob ng mall. He bought a lot of things for her. Panay ang pagtangi nito ngunit pinilit niya ito dahil nais niya itong ipag-shopping ngayong birthday nito
Marami siyang bini-biling mga damit at sandals para dito. Lahat ng mga iyon ay sinukat nito at tila mas lalong lumabas ang kagandahan nito
"You're perfect" Sambit niya habang nakatingin dito. Kakalabas lamang nito sa dressing room at mukhang napagod na itong magsukat ng mga damit.
She's wearing light green dress na maari nitong gamitin sa mga casual events. Walang duda na ito talaga ang may ari ng pinakamagandang mukha sa mundo ni Jinso
"Jinso ang dami mo ng binili sakin. Ayoko nang magsukat--"
"Okay babe kumain na tayo.." Nakangiting sabi niya kaya napangiti na ito
Kumain sila sa isang mamahaling restaurant ngunit parang hindi naman ito komportable doon. Napansin niyang nakakunot ang nuo nito
"Are you okay?" Tanong niya kay Magdalena habang nakakunot ang nuo nito sa menu book na hawak hawak nito
"Jinso hindi ko gusto dito masyadong mahal ang mga pag-kain--"
"It's okay babe. Pumili ka lang ng gusto mo--"
"Paano ako pipili? Isang order dito ay three thousand pesos na agad? Samantalang kanina nung kumain kami nila mommy sa restaurant na pinuntahan namin ay one thousand pesos lang ang bill namin at apat na kaming kumain nun"
Napangiti siya dahil nagkakanda haba ang nguso nito.
"So where do you want to eat babe?" Nakangiting tanong niya.Napabuntong hininga ito
"Nagugutom na ako eh. Kung lilipat pa tayo sa iba baka matagalan rin. Osige na nga oorder na ako tutal mayaman ka naman" Sabay bawi nito at napangiti na rin
Lalo siyang napangiti.
Maya-maya pa ay umorder na sila. Natatawa siya sa mga inorder nito dahil medyo marami iyon.
Habang kumakain sila ay panay ang kanilang kwentuhan tungkol sa kung ano ano lamang.
"Crush mo na ba talaga ako noon pa?" Kinikilig na tanong nito sakanya habang kumakain ito ng banana split dessert na inorder nito
"Yeah. Unang araw palang kitang nakita crush na kita"
"Weh? Sobrang bata pa natin noon eh--"
"Kung ayaw mong maniwala it's up to you. Basta crush na kita dati pa"
Ngumiti ito ng matamis.
"Tama pala si Janice. Sabi niya sakin malaki raw ang tama mo noon sakin dahil ako palagi ang binubully mo"
Tumawa siya sa sinabi ni Magdalena. Habang tumatagal kasi ay mas lalo itong nagiging charming sa paningin niya
Maya maya pa ay lumapit na sakanila ang dalawang lalakeng may hawak na violin.
Nanlaki ang mga mata ni Magdalena ng tumugtog ang mga iyon sa mismong table nila. Halatang nagustuhan nito iyon. Ang tinutugtog ng mga ito ay ang kantang "Can't help falling in love with you" by Elvis presley. Napakaromantic ng kantang iyon ang bumalot sa buong restaurant
Tila ngayon palang nahalata ng dalaga na silang dalawa lamang ang tao sa restaurant na iyon dahil nirentahan niya ang buong restaurant kagabi pa.
Tumayo siya at dinukot sa kanyang bulsa ang pulang kahon na naglalaman ng emerald necklace.
Napalunok si Magdalena ng buksan niya ang red box. Nagkikislapan ang mga dyamante sa kwintas na iyon kaya napatulala doon si Magdalena.
"W-Wow" Halos paos nitong sambit habang nakatingin sa paro-parong kwintas na kanyang iniregalo para dito
"This is my gift for you. Happy birthday my love. Mahal na mahal kita" Seryoso at punong puno ng pagmamahal niyang sabi kay Magdalena bago niya kinuha sa kahon ang kwintas at siya mismo ang nagsuot nito kay Magdalena
Napangiti siya. The necklace really suits her. Bagay na bagay dito ang kwintas na iyon.
Napatulo pa ang luha nito sa sobrang kaligayahan lalo na ng halikan niya ang labi nito. Bahagya siyang yumuko upang mahalikan ito dahil nakaupo pa rin ito sa upuan nito
Isang halik ng pagmamahal ang ginawad niya sa dalaga
Take my hand
Take my whole life too
For I can't help falling in love with you
"T-Thank you Jinso.. Mahal na mahal rin kita.." Napahawak ito sa kwintas na nakasuot sa leeg nito.
Muli niyang hinalikan ang dalaga.
"Sana nagustuhan mo.."
Yumakap ito ng mahigpit sakanya kaya naman napangiti siya.
BINABASA MO ANG
SECRET LOVE
RomansSong-Jinso fall in love with a curly girl named Magdalena. He likes her so much but he will never court her. Kahit gustuhin niya. Dahil sa utang na loob niya kay Chelsea ang anak ng bestfriend ng kanyang mommy, He sacrifies everything for her. Ibin...