Chapter 39
"Something wrong babe?"
Napalingon si Magdalena kay Jinso ng yakapin nito ang kanyang bewang mula sa kanyang likuran.
Kanina pa siya nakatanaw sa madilim at tahimik na dagat. Naroon kasi sila ngayon sa private yatch ni Jinso. Regalo iyon ng daddy nito para dito noong ika-21 kaarawan nito
Halos anim na buwan na simula ng maging officially in public relationship ang kanilang lihim na relasyon. Anim na buwan na rin siyang naghihintay sa proposal nito. Dahil napapaisip siya sa kanyang mga narinig noon sa restroom na pinag-uusapan ng dalawang babae
Nakita raw ng mga ito si Jinso na bumili ng diamond engagement ring. Ngunit natapos na lahat lahat ang masayang birthday party ni Chelsea nang gabing iyon ay hindi parin ito nagpropose sakanya
Ibinalik na nga sakanya ni Jinso ang kwintas niyang emerald butterfly noong gabing iyon ngunit hindi parin ito lumuhod sa kanyang harapan upang ayain siyang magpakasal
Anim na buwan na siyang umaasa na isa sa mga araw na ito ay luluhod rin ang kanyang nobyo upang ibigay sakanya ang engagement ring na iyon
Ngunit kailan?
Nagbago ba ang isip nito?
Halos buwan buwan rin silang nagpupunta ng south korea tuwing weekends dahil nagpapa-theraphy ito at si Chelsea sa mga unresolve trauma ng mga ito.
Sa ngayon ay wala naman siyang mahihiling pa dahil napakasweet -caring -lovable at medyo manyak itong nobyo sakanya. Nakakatawa man isipin pero nagugustuhan niya ang pagiging mahilig nito sa pagtatalik. Halos gabi gabi o tatlong beses sa isang linggo silang nagtatalik. Isa pang problema niya ay nalaman niyang buntis siya at hindi niya iyon masabi sa binata
Napabuntong hininga siya
"Oh babe? What's going on? Bakit ang lalim nun ha?" Nag-aalalang tanong ni Jinso habang nakayakap ito sa kanyang likuran. Malamig ang simoy ng sariwang hangin. Nagsasaya si Davin at Chelsea sa loob ng yate samantalang nagpasya siyang lumabas muna upang lumanghap ng sariwang hanging habang naliligo si Jinso sa kanilang sariling kwarto
Si Janice at ang nobyo naman nito ay hindi pa lumalabas ng kwarto simula pa kanina pagkatapos nilang sabay sabay mag dinner. It was such a romantic dinner for the six of them. Nag-enjoy silang lahat. Kanya kanya silang mga nobyo na pawang napakagwapo. Ngunit para kay Magdalena ay wala ng mas gagwapo pa kay Jinso sa kanyang paningin
Natatakot siyang sabihin dito na isang buwan na siyang buntis. Palagi naman kasi nito ipinuputok sa loob niya ang katas nito kaya possible talagang mabuntis siya nito. Nakagawian na nga niyang mag pregnancy test every month upang makasigurado siya
"W-Wala napagod lang ako Jinso.." Matamlay niyang sagot sa binata bago niya hinawakan ang mga braso nitong nakapulupot sa kanyang bewang
"Are you sure? Hindi ka ba masaya babe? Anong gusto mo? May problema ba? Tell me--" Sunod sunod ang naging pagtanong ng kanyang nobyo
Napangiti siya ng kaunti
"Wala nga po. Don't mind me.."
Ngunit ang totoo ay tumatakbo sa kanyang isip ang naudlot na proposal nito at ang kalagayan niya. Ayaw niyang sabihin ditong buntis siya dahil ayaw niya pakakasalan lang siya nito dahil lamang nabuntis siya nito
"Babe you make me worried. Alam ko kapag malungkot ka. Ilang araw ko ng napapansin yun.." Mas humigpit ang yakap ni Jinso sakanya at nagsumiksik ito sa gilid ng kanyang leeg
Para bang inaamoy amoy nito ang leeg niya.
Ganito ito kalambing sakanya kaya naman nauuwi sila sa kama madalas dahil sa paglalambing nito
"Don't mind me Jinso. Namimis ko lang sila mama.." Pagdadahilan niya dahil nagpuntang america ang mommy niya at step daddy niya kasama ang kanyang bunsong kapatid. Nagkaroon kasi ng magandang trabaho doon ang step daddy niya. Naintindihan naman siya ng mommy niya na ayaw niyang sumama doon kaya naiwan siyang mag-isa sa kanilang bahay at doon sila ni Jinso araw araw na magkasama. Halos doon na ito natutulog kaya parang mag-asawa na rin sila. Sabay silang pumapasok sa kanilang eskwelahan araw araw hangang sa naka-graduate sila noong nakaraang buwan.
Sabay sabay silang naka-kuha ng diploma at napag-desisyonan nilang magbakasyon muna katulad ngayon nasa pribadong yate sila ni Jinso upang makapagbakasyon muna bago pumasok sa bagong kahaharapin nilang buhay.
Ang buhay kung saan matututo na silang tumayo sa sarili nilang mga paa. Nangako rin si Jinso na bibigyan sila ng kanya kanyang trabaho. Noong una ay ayaw niyang pumayag dahil ayaw niyang abusuhin ang kanyang nobyo. Ngunit nagpumilit ito upang makita at makasama parin daw siya nito hangang sa opisina nito.
Isasalin na kasi ng ama nito ang Song corporation sa pangangalaga ni Jinso sa loob ng dalawang taon. Hahasain muna ito ng ama nito sa larangan ng negosyo.
Pumayag rin si Magdalena na magtrabaho sa south korea kung saan naroon ang main company ng ama nito.
"Let's go there para makasama mo sila--"
"No. Masyadong malayo ang US at malapit na tayong mag simulang magtrabaho"
"Ayokong nalulungkot ang baby ko eh.." Mas lalo pang humigpit ang pagyakap ni Jinso sa kanyang bewang. May halong pang-gigigil na itong yumayakap sakanya
"H-Huwag mo akong masyadong yakapin Jinso naiipit ang tiyan ko.." Saway niya kay Jinso dahil nag aalala siya sa sangol na nabubuo pa lamang sa kanyang sinapupunan
"Oh sorry babe." Niluwangan ni Jinso ng kaunti ang pagyakap sakanyang tiyan
Ngunit nilamas naman nito ang dalawang bilugan niyang dibdib.
"Jinso baka makita nila tayo--"
"Nasa kwarto na sila Chels at Davin." Pag imporma nito sakanya habang patuloy sa pag galaw ang kamay nito sa pag lamas sa malalambot niyang dibdib
Napakagat labi nalang sila dahil unti unti na siyang kinakain ng init ng kanyang katawan lalo pat nararamdaman niya ang matigas na pagkalalake nito na tumatama sa kanyang likuran
Napapikit siya ng ipasok ni Jinso ang mainit nitong kamay sa loob ng kanyang damit at sapuhin ang mismong dibdib niya.
Lalong nag init ang kanyang katawan.
"Uhmm" Napaungol na siya dahil kasabay ng malikot nitong mga kamay ay ang paghalik nito sa kanyang leeg
"Hoy bawal mag-sex dito. Mag papahangin ako eh. Pumasok na kayo sa loob ng room niyo"
Sabay silang napatigil sa kanilang ginagawa ng marinig nila ang nakakalokong boses ni Davin.
Halatang nabitin si Jinso dahil saglit pa nitong pinisil ng isang beses ang kanyang dibdib bago ito tumingin ng masama kay Davin
"Sa natatandaan ko sakin ang yatch na to. Pero kung umasta ka diyan daig mo pa may ari nito ha? Parang gusto kitang ihulog ngayon sa dagat" Sabi ni Jinso na lalong nagpangisi kay Davin
"Nabitin ka lang eh. Sige na ituloy niyo na nga yan" Nang aasar na sabi ni Davin bago ito bumalik sa pinang-galingan nito
"Halika na Jinso pumasok na tayo sa room.." Natatawang sabi nalang ni Magdalena
"I want you babe.."
Napatili si Magdalena ng buhatin siya ni Jinso upang dalhin sa kanilang pribadong kwarto na panigurado ay pupunuin nila ng kanilang mga halinhing at masasarap na pag-ungol

BINABASA MO ANG
SECRET LOVE
RomanceSong-Jinso fall in love with a curly girl named Magdalena. He likes her so much but he will never court her. Kahit gustuhin niya. Dahil sa utang na loob niya kay Chelsea ang anak ng bestfriend ng kanyang mommy, He sacrifies everything for her. Ibin...