Chapter 22
(Chelsea POV)
"You're a gold digger asshole! Huwag mo nga akong nilalapitan dahil nandidiri ako sayo!" lumayo si Chelsea sa lalakeng binatilyong new boyfriend ng kanyang mama
Iniisip niya palang na ito ang kanyang panibagong step father ay kinikilabutan na siya.
He's too young to be her step father! Parang kasing edad niya lang ito!
"Ikaw ang lumapit sakin. Ang sakit nun ah? May lahi ba kayong pusa?" Hinaplos naman nito ang macho nitong braso dahil kinalmot niya iyon
"Pusa?! Are you insane?!" Gigil niyang sambit at nais sana niya itong kalmutin muli
Napatigil lamang siya ng marinig ang sigaw ng kanyang mama arlene!
"Stop it Chelsea!" Umalingaw-ngaw ang boses ng kanyang mommy arlene sa kanilang mansyon dahil nakita nito ang tangkang pangangalmot niya muli sa binata
"Save by the bell" Nakangising sabi ng binata sakanya kaya mas lalo siyang nabwisit. Bakit kasi sa tuwing ngingiti ito ay para bang lalo pa itong nagiging gwapo?
"Bwisit ka!"
"Anak watch your mouth--"
"Why mom? Pinagtatangol mo pa itong asungot na to? Wala na nga tayong pera tapos magpapagamit ka pa sa lalakeng ito? Nakakahiya kayo!"
"What are you talking about anak?!" Naguguluhang tanong ng kanyang mommy
"I can't believe this! Sa tingin mo matatangap ko itong bagong mong boyfriend mom?!--"
"Boyfriend?! He's not my boyfriend! Anak nakakahiya! He's my boyfriend's nephew! Hindi siya ang boyfriend ko!"
Napakurap kurap naman siya sa sinabi ng mommy arlene niya. For the first time in her life napahiya siya sa kanyang sarili. Nagkamali nga ba siya?
Napalunok siya ng mapatingin siya sa matandang lalakeng katabi ng kanyang mommy. Mukha itong may dugong amerikano katulad ng binatilyong katabi niya.
"I'm your mother's boyfriend." Bakas sa mukha ng matandang lalake ang dismaya sa kanyang magaspang na pag-uugali
She don't care!
Walang paki-alam si Chelsea kung ano man ang isipin ng mga tao sa kanyang paligid. People will be peolple. Lahat ng tao ay parepareho lamang! Gumawa ka man ng mabuti ay may masasabi parin sila sayo.
So she stop being good. She gave up being good! Ayaw na niyang maging mabuting tao dahil napakawalang kwenta ng kanyang mundo
"I'm Davin. You're future boyfriend" Pang aasar ng binata sa kanyang tabi
"In your dreams!" Tinulak niya ito at mabilis siyang umakyat sa kanyang kwarto. Napahiya siya ng husto sa mga ito.
Binalibag niya ang pinto ng kanyang kwarto kaya nanghingi ng pasensya ang kanyang mommy sa mga ito.
"Pasensya na kayo sa anak ko. May sakit siya sa puso kaya hindi ko siya masyadong mapagalitan--"
"Really tita? Sa tindi magalit ng isang iyon ay may sakit pa talaga sa puso?" Natatawang sabi ni Davin
"Davin" Saway naman ni Mr.Peterson ang bagong nobyo ni Arlene
"I'm sorry tito. Ang sakit kasi mangalmot ng babaeng yun ang lakas ng toyo."
"Pasensya kana Davin sa anak ko. Hangat maari sana huwag mo siyang galitin kasi natatakot ako baka hatakihin siya sa puso"
Napakamot nalang sa sariling kilay si Davin
"Sa tingin ko walang sakit sa puso ang babaeng iyon. Sa utak pwede pa" Nakangising sambit muli ng binata kaya sinita itong muli ng tito nito
Kinagabihan nakatangap na ng text message si Chelsea mula kay Jinso. Lalo lamang siyang nainis.
Jinso text message : Chels sorry nasira ung phone ko
What the f*ck? Iyon lang ang text nito sakanya samantalang isang daang beses niya itong tinawagan at tinext buong maghapon??!
Chelsea replied : Go to hell!!! Lagot ka sakin bukas!
Hindi na ito nagreply kaya mas lalo siyang nabwisit. Lumabas siya sa balkonahe ng kanyang kwarto upang doon siya maglabas ng kanyang sama ng loob at inis para kay Jinso
"Arrrghhhhh!! Bwisit!!!" Sigaw niya
"Hindi lang pala pusa ang lahi niyo. May lahi rin pala kayong asong lobo tumatahol ka sa gabi"
Napalingon agad si Chelsea sa kabilang balkonahe at nakita niya ang lalakeng kinainisan niya kanina.
Si Davin!
Nakasuot lamang ito ng bathrobe na kulay puti at halatang kakaligo lamang nito. Habang hawak hawak nito ang isang baso ng mainit na kape
"What are you doing there?!" Galit niyang tanong sa lalakeng epal na iyon
Saglit itong napatingin sa bandang dibdib niya dahil wala siyang suot suot na bra! Napatitig pa ito ng matagal doon kaya naman namula ng husto ang kanyang mukha ng maalala niyang wala siyang suot na bra sa kanyang white lacey nighties! Kitang kita nito ang pagkakabakat ng kanyang mga nipples! Naninigas pa naman ang mga utong niya dahil malamig ang simoy ng hangin sa balkonahe
"Bastos!" Agad niyang tinakpan ang kanyang dibdib.
Doon palang ito tila natauhan. Ngumisi ito bago muling humigop ng kape
"This is my room."
"What?! No f*cking way!"
"Shhh. Bakit ba mura ka ng mura at palagi kang galit?" Natatawang tanong pa ni Davin sakanya na para bang tuwang tuwa ito sa pagiging hitler niya!
Ito lang yata ang taong tuwang tuwa sa masamang ugaling pinakikita niya.
"Bwisit ka! Ano bang ginagawa mo dito sa mansiyon namin ha?"
"Wow mansiyon." Nang aasar na sambit nito kaya naningkit ang kanyang mga mata sa inis
"Bwisit!!! F*ck yourself asshole!" Pagmumura niya bago niya ito tinalikuran
"Sa susunod na mumurahin mo ako. Paparusahan ko yang bibig mo"
Napahinto siya sa sinabi ng lalake kaya lumingon siya dito.
"Baka ikaw ang sungalngalin ko diyan eh! Bwisit ka!" Halos sigaw na niya kaya napatawa ito
"Fine fine. Good night high blood. Baka mamaya hatakihin ka pa sa puso eh" Pang aasar muli ni Davin sakanya bago ito naunang pumasok sa loob ng kwarto nito
Nagpapadyak siya sa sobrang inis at napapasigaw pa tuloy siya! He's getting on her nerves! Ngayon lang siya nakakilala ng lalakeng katulad nito!
Kinabukasan ay abala ang kanyang mommy arlene upang iplano ang kanyang nalalapit na birthday sa daratinf na biyernes.
Walang paki-alam si Chelsea kung mag-paparty man ang kanyang mommy.
"Anak what do you want for your birthday?" Maya maya tanong ng mommy niya sakanya.
Hinarang pa talaga siya nito sa parking lot kung saan naroon ang kanyang kotse
"I want Jinso. Gusto kong magpakasal na kami as soon as possible para maging bilyonary na ako. Tell him to do that" Sarcastic niyang sagot sa mommy niya
Laglag naman ang balikat ng mommy arlene niya
"Anak masyado pa kayong mga bata"
"I don't care! Tell him pakasalan na niya ako!" Sigaw niya
"Hoist!"
Natigil ang pag sigaw niya ng may biglang tumakip sa kanyang bibig
Nanlaki ang kanyang mata dahil hinawakan ni Davin ang kanyang bibig habang nasa likuran niya ito!
Nagpumiglas siya ngunit mas malakas ito sakanya
"Why are you like that? Wala kanang respeto sa mommy mo ha? Dapat sayo binubusalan ang bibig eh" Sambit pa ng lalakeng bwisit na iyon
Nagpumiglas siyang muli
"Bitawan mo ako!" Sigaw niya ngunit hindi iyon maintindihan
"Sa susunod na sigawan mo pa ang mommy mo hindi lang iyan aabutin mo sakin"
Binitawan na siya nito at halos umapoy sa galit ang kanyang mukha! Literal! Napakahapdi ng kanyang bibig!
"What is that?! Ang hapdiiiii!!!" Tili ni Chelsea habang tinatapik niya ang kanyang sariling bibig.
Napaka-anghang!
Ngumisi naman si Davin habang pinapakita nito sakanya ang hawak nitong sili labuyo!
Agad naman nanlaki ang mata ni Chelsea dahil pinahiran pala siya ni Davin ng siling labuyo sa kanyang bibig
"Arrrg! Bwisit kaaa!" Agad siyang tumakbo papasok muli sa kanilang mansyon upang mag hugas ng kanyang bibig

BINABASA MO ANG
SECRET LOVE
RomanceSong-Jinso fall in love with a curly girl named Magdalena. He likes her so much but he will never court her. Kahit gustuhin niya. Dahil sa utang na loob niya kay Chelsea ang anak ng bestfriend ng kanyang mommy, He sacrifies everything for her. Ibin...