Chapter 16

940 101 8
                                    

Chapter 16

"Sir, Can i help you?"

Napatingin si Jinso sa babaeng lumapit sakanya sa loob ng bookstore na kanyang kinaroroonan. Hinaplos pa nito ang kanyang uniporme kaya bahagyang nagulat siya.

Kanina pa kasi siya paikot-ikot sa bookstore na iyon ngunit hindi niya mahanap ang libro ng isang sikat na pastry chef sa south korea. Paborito niya kasi ang mga cakes nito noong bata pa siya sa tuwing pupunta sila sa south korea kaya hangang ngayon ay natatandaan parin niya kung anong pangalan ng sikat na sikat na chef na iyon. Paborito rin kasi iyon ng parents niya.

"Do you have Chef Lee-Nu-joon book?" Kunot nuong tanong niya sa babaeng empleyado ng bookstore

"I'm sorry sir pero wala po" Magalang na sagot nito sakanya. Napansin niyang nag-papacute pa ito sa kanyang harapan habang kausap niya ito dahil panay ang pagkurap-kurap ng mga mata nito

"Are you sure?"

"Opo Sir. Pero may ibang baking recipe naman po--"

"No. I only want Chef Lee's book. Sigurado ka bang wala miss? Pwede bang pakidoble check po ate?" Magalang na pakisuyo niya. Pilyo niyang diniinan ang salitang ate dahil halatang mas matanda ito sakanya ng mahigit sampung taon.

Nawala tuloy ang matamis na ngiti ng babae at bahagya itong sumimangot mukhang hindi nito nagustuhan ang pagsabi niya ng salitang ate dahil ikinapahiya nito iyon sakanya

"S-Sige sir. Titignan ko po" Walang gana nitong sabi sakanya bago ito tumalikod.

Napa-iling nalang siya. Mag-iisang oras na kasi niyang hinahanap ang libro ni Chef Lee dahil nais niyang mag-bake ng isang special cake para kay Magda. Kakaiba ang mga cakes nito at paniguradong mas masarap iyon kaysa sa cupcakes na ibinigay ni Luis sa dalaga kung magagaya niya ang recipe ng cakes nito.

Hindi niya mahanap sa internet ang recipe ng mga cakes nito kaya sinubukan niyang maghanap ng libro nito

Maya maya pa bumalik na ang babaeng empleyado ng bookstore.

"Sir wala na po talaga." Sambit nito sakanya

Napabuntong hininga siya

"Fine" Hinablot nalang niya ang isang cake recipe book na malapit sa kanyang kinatatayuan at bahala na kung masarap rin ba iyon. Ang mahalaga ay maipag-bake niya ng cake si Magdalena dahil hindi siya papayag na may ibang lalakeng nakakapagpangiti sa babaeng mahal niya.

Pagka-uwi niya sa kanilang mansiyon ay isinuot agad niya ang apron na kanyang nakita sa kusina at inumpisahan na niyang gayahin ang recipe sa librong iyon. Nagtataka ang mga katulong nila dahil seryoso siyang naghahalo ng mga baking ingredients.

Halos matapon pa ang all purpose flour nang isalin niya iyon sa isang malaking mixing bowl. Nagkakatinginan naman ang dalawang katulong sa likuran niya.

Nais sanang magtanong ng mga ito kung kailangan ba niya ng tulong ngunit tila hindi niya napapansin ang mga ito sa sobrang seryoso niya sa kanyang ginagawa

Unang beses niyang gagawa ng isang cake at napakahirap nito para sakanya dahil wala naman siyang hilig sa pag gawa ng mga ganito

"Damn!" Napamura siya dahil napasobra ang tubig na kanyang nailagay sa mixing bowl kaya naman naging malabnaw ang kinalabasan ng mixture niya. Wala siyang magawa kundi itapon iyon sa basurahan habang inis na inis siya sa kanyang kamay dahil nanginginig iyon sa kaba. Kinakabahan kasi siyang magkamali kaya tuloy nagkakamali lalo siya

Ang buong akala niya pa naman ay madali lamang ang gumawa ng ganito.

Huminga siya ng malalim bago niya ulit sinubukang ulitin ang proseso. Muli siyang kumuha ng isang malinis na mixing bowl at nagsalin ng panibagong arina

Napapakamot naman sa ulo ang dalawang katulong na nakamasid sakanya. Nagkalat na kasi siya sa loob ng kusina dahil hindi naman siya sanay gumalaw doon.

"Shit!" Muling mura niya dahil nagkamali siya sa pag-gamit ng electric hand mixer! Tumalsik tuloy ang ginagawa niya. Napatili rin ang dalawang katulong at doon palang niya napansin na naroon ang mga ito

"Sir Jinso okay lang po ba kayo?" Nag-aalaang tanong ni aling susan. Ang matandang katulong nila. Nasa sikwenta anyos na ito mahigit at matagal na itong katulong ng kanilang pamilya

"I don't know how to use this" Seryosong sabi niya habang pinupunasan niya ang mga natapon sa sahig.

Tinulungan siya ng mga ito sa pagligpit ng mga kumalat na harina sa sahig.

"Son what's going on here?"

Sabay sabay silang napalingon sa mommy niya ng pumasok ito sa loob ng kusina. Nagtataka ito kung bakit napaka-kalat ng buong kusina at halos punong puno ng all purpose flour ang kanyang mga braso. Mukha siya espasol sa sobrang daming harinang tumapon sa kanya

"I-I'm just baking mom" Nahihiya tuloy na sagot niya sa kanyang mommy.

Napakunot lalo ang nuo ng kanyang mommy Aliah. Lalo itong nagtaka dahil ito palang ang kauna-unahang beses na nakita siya nitong mag-bake.

"Ha? Bakit? Anong meron anak? Para kanino?" Sunod sunod na tanong ng kanyang mommy

"For my girl. Pero hindi ko alam kung paano" Sumusukong hinubad niya ang apron na kanyang suot sa sobrang inis niya. Sa tingin niya hindi talaga niya kayang mag-bake ng cake dahil pang babaeng gawain iyon madalas.

Akmang lalabas nalang siya ng kusina dahil hindi na niya itutuloy pa ang pag-bake ng cake para kay Magdalena ay napatigil siya sa kanyang paglalakad ng pigilan siya ng kanyang mommy sa braso niya
 
"Wait wait anak.."

"Why mom?" Medyo inis parin niyang tanong. Naiinis kasi siya sa kanyang sarili dahil simpleng pag-gawa lamang ng cake ay hindi niya pa magawa

"Anak para kay Chelsea ba? Hindi ba masyado pang maaga para sa birthday niya? Next friday pa ang birthday niya anak diba?"

Napabuntong hininga siya. Nais sana niyang sabihin na hindi si Chelsea ang tinutukoy niyang 'My girl' ngunit ayaw niyang malito ang kanyang mommy. Alam nitong si Chelsea ang kanyang nobya mula noon pa man

"Yeah right. Sinusubukan ko lang" Sabi nalang niya

"Nako binata kana talaga anak. Ngayon mo lang yata ipag-bake si Chelsea ha? Panigurado matutuwa iyon lalo na kapag nalaman niyang nag effort ka pa anak--"

"Mom don't tell Chelsea. Hindi ko naman siya bibigyan ng cake"

"Why anak? Suko ka na agad? Ang hina mo naman? Do you want me to teach you? Wala naman akong gagawin tonight anak"

Nag isip siya sa alok ng mommy niya. Pagod na siya ngunit nais talaga niyang makagawa ng cake ngayong gabi para maibigay niya iyon kay Magdalena.

"Sige mom. Pero don't tell Chelsea. D-Dahil practice nalang muna ang gagawin nating cake ngayon mom" Pagsisinungaling niya

"Sure anak!" Masayang sabi ng mommy niya bago ito nagsimula ituro sakanya kung paano gumawa ng cake

Sa loob lamang ng dalawang oras ay nakagawa na sila ng isang chocolate vanilla cake. Pagod na pagod siya ngunit napangiti siya sa kinalabasan ng ginawa nilang cake ng kanyang mommy

"Ayan anak tapos na! Ang ganda lagyan mo na ng dedication ilagay mo happy birthday Chelsea--"

"Mas magandang plain lang mom. Hindi ko na po lalagyan ng ganon." Inilagay agad ni Jinso sa cake box ang cake na kanilang ginawa ng kanyang mommy

"Oh anak saan mo iyan dadalhin? Kainin nalang natin anak--"

"Ipapatikim ko kila Ralph mom. Saglit lang po ako" Nagmamadali na siyang lumabas ng kusina. Nagtaka naman ang kanyang mommy sa kanyang pagmamadali.

Umakyat muna siya sa kanyang kwarto upang maligo. Inilagay niya pansamantala ang kanyang cake sa refrigerator pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na agad siya ng isang white tshirt at black basketball shorts. Malapit lang naman ang bahay nila Magdalena kaya ayos na ang ganoong suot niya. Nagpabango pa talaga siya bago siya lumabas ng kanyang kwarto.

Nagtataka naman ang kanyang mommy dahil gabing gabi na ay naligo pa siya at nagpabango ng husto

"Saan ang punta mo anak??"

"Diyan lang mom." Nagmamadali na siyang lumabas ng gate ng kanilang mansiyon dahil baka mag usisa pa ang kaniyang mommy

Dali dali siyang naglakad papunta sa bahay nila Magdalena dahil walking distance lamang iyon mula sa kanilang mansyon


SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon