Chapter 34
"Kailangan pa ba talaga nakayakap ka sa bewang ko?" Gigil na bulong ni Magdalena kay Davin habang kasayaw niya ito
Ang lokong pinsan kasi ni Janice ay inaya rin siyang makipagsayaw nang mag umpisang magsipag-sayawan ang mga tao
"I'm a romantic person. Anong magagawa ko?" Nakangising sabi nito sakanya bago siya nito mas hinapit palapit dito
"Siraulo. Nakita mong rock yung music eh!" Natatawa na rin niya sabi dito. Kahit papaano kasi naalis ni Davin ang sama ng kanyang loob kay Jinso
Kasalukuyan kasi itong katabi ni Chelsea sa mga oras na iyon habang nakatingin ang mga ito sakanilang dalawa ni Davin.
Si Chelsea ang nag-umpisa ng sayawan ngunit nawalan ito ng gana sumayaw ng makita nitong hinila siya ni Davin kanina sa dance floor.
"Hindi nako sasayaw bwisit!" Sambit ni Chelsea bago nito hinatak ang kamay ni Jinso papunta sa gilid dahil nawalan na ito ng gana sumayaw halos umusok na kasi ang ilong nito sa pagseselos
"Damn it" Mahinang mura naman ni Jinso habang inis na inis itong panuorin kung paano sila sumayaw ni Davin. Nainom tuloy nito ng deretso ang isang basong punong puno ng ram. Inisang lagok lamang nito iyon.
Selos na selos ito ngayon? Samantalang hindi nga ito nagtetext sakanya buong araw?
"Parang mamatay na sa ingit ang mga nakatingin satin. Pasalamat ka gusto ko rin gumanti sa lalakeng yun" Napapabungisngis niyang sabi kay Davin
Natawa si Davin sa kanyang sinabi. Pareho nilang alam na walang malisya sakanila ang kanilang pagsasayaw. Nais lamang nitong inisin ng husto si Jinso lalong lalo na si Chelsea
"Nagseselos ka kay Chelsea no?" Tanong niya
May ilan ilan na rin napapatingin sakanila at tila kinikilig pa ang mga ito dahil sa sweetness nilang dalawa. Ginaya pa nga sila ng ibang pares kaya tuloy pinalitan ng D.J ang music at naging romantic iyon
Ang kanta ni Ms. Sarah Geronimo ang puma-inlalang sa buong bulwagan. "Very Special Love"
I never believed in love
I was deceived by love
I never had much luck with lovers before
And I couldn't compete
I seemed just part of the street
To be walked on by everyone but then...
Biglang naging seryoso ang mga mata ni Davin sa mga oras na iyon habang nakatingin sakanya.
"Yeah. Tinamaan yata ako. I wish she's with me now and we're dancing like this" Saglit na dumaan ang lungkot sa mga mata nito bago ito ngumisi at mas hinapit ang kanyang bewang
"Ang korny hindi bagay sayo." Natatawang sabi nalang niya kahit pareho silang naghihinakit ngayon kay Chelsea at Jinso
Ito lamang ang paraan nila upang makaganti kahit papaano sa dalawa.
"Ikaw nagseselos ka rin eh. Ano bang nakita niyo sa koreano na yan? Pareho lang naman kaming gwapo ah?"
Napangiti siya sa pagiging makulit ni Davin. Napalo niya tuloy ang dibdib nito.
"Alam mo hindi bagay sayo ang necklace mo. Hindi mo dapat yan sinuot para mas effective ang drama natin"
"Ha?" Tanong niya kay Davin ngunit kumilos na ang kamay nito upang tangalin ang emerald diamond necklace sa kanyang leeg
Napalunok siya. Bakit nakaramdam siya ng lungkot ng tangalin iyon ni Davin sa kanyang leeg?
"Here. Itago mo nalang yan." Iniabot sakanya ni Davin ang kwintas ngunit napatitig lamang siya doon. Kaya't ito na mismo ang nag lagay niyon sa loob ng mini hand bag niya na nakasabit sa kanyang katawan.
Muli nitong hinapit ang kanyang bewang
"Kung nakita mo lang sana kung gaano kagalit ngayon ang ex-boyfriend mo" Natatawang bulong ni Davin sakanya dahil nakita nito ang galit sa mukha ni Jinso habang nakatingin sakanilang dalawa
Nakatalikod na kasi siya sa mga ito kaya hindi niya nakita ang reaksyon ni Jinso nang tangalin ni Davin ang necklace niya
"Excuse me"
Sabay silang napatingin kay Jinso nang lumapit ito sakanila. Madilim ang mukha nito at tila hindi iyon natutuwa sa kanilang paglalambingan ni Davin lalong lalo na ng tangalin nito ang emerald necklace sa kanyang leeg
Tinaasan niya lang ito ng kilay. Lalo tuloy itong napakunot ang nuo.
"What do you want Mr.Song?" Napapangising tanong ni Davin na tila nagtagumpay ito sa ginawang pang-iinis kay Jinso
Napapatingin sakanila ang ilang mga bisita. Agaw pansin kasi ang dalawang gwapong ito na mga pinakagwapo sa gabing iyon
Kahit nabubwisit siya kay Jinso ay hindi niya mapigilan pagmasdan kung gaano ito kagwapo ngayong gabi kahit pa medyo malalim ang ilalim ng mata nito. Mukhang di ito nakatulog kagabi?
Sus baka hindi siya nakatulog kakaisip sa halik na pinagsaluhan nila kagabi ni Chelsea?! -- Galit na sambit ng bahagi ng kanyang utak kaya naalala tuloy niya ang tungkol doon. Muli siyang nakaramdam ng kirot. Isipin palang niyang nakipaghalikan ito kagabi kay Chesea ay parang gusto na niyang burahin ang kissable lips nito
"I need to talk to her" Kunot nuong sabi ni Jinso bago nito hinawakan ang pulsuhan niya upang hilahin palayo kay Davin hindi na kasi nito mapigilan ang selos na nararamdaman sa mga oras na iyon
"Hey. Can't you see nagsasayaw kami?" Agad naman itong pinigilan ni Davin
Nagkatitigan ang dalawang lalake na pawang nagsusukatan ng pagkalalake. Kapwa may galit ang mga mata.
Binawi niya ang kanyang kamay kay Jinso kaya nakakunot nuo itong napatingin muli sakanya
"Jinso hindi mo ba nakikitang nagsasayaw kami ng b-boyfriend ko?"Balewalang sambit niya na hindi iniisip ang kanyang sinasabi medyo nabulol pa nga siya sa huling salitang nasabi niya. Bigla nalang kasi iyong lumabas sa kanyang bibig
Nag-isang linya ang mga kilay nito at napakadilim ng mukhang tumingin sakanya. Ramdam niya ang galit sa mga tingin na iyon ni Jinso kaya't lalo siyang kinabahan
"Really? Is this a joke? Hindi na ako natutuwa Magdalena--"
"S-Sino ba nagsabing nagjojoke ako? D-Diba payatot-este Davin boyfriend na kita?" Natatarantang sambit niya at bahagya niyang sinenyasan si Davin na makisakay nalang ito sakanyang sinabi
Tinangal ni Davin ang kamay ni Jinso na nakahawak parin sa kanyang pulsuhan.
"She's my girlfriend." Nakangiting sabi ni Davin dahil eksaktong lumapit rin si Chelsea sakanila
Nakakagawa na kasi sila ng eksena at napapatigil na sa pagsayaw ang mga bisita. Kaya minabuti na ni Chelsea na lapitan sila. Rinig na rinig nito ang sinabi ni Davin kaya't parang may naramdaman itong matinding kirot sa puso nito
Bwisit na lalakeng to? Matutuluyan pa yata akong magkasakit talaga sa puso! -- Hiyaw ni Chelsea sa sariling utak nito bago ito ngumiti ng matamis at kumapit sa braso ni Jinso
"L-Love anu ka ba? Halika na nakaka-abala ka sa lovers eh" May halong sarkastimo ang pagkakabigkas ni Chelsea sa salitang "lovers" habang peke itong nakangiti. Deep inside her selos na selos rin ito sakanilang dalawa ni Davin
Napansin naman niyang nawala ang ngisi sa mga labi ni Davin nang kumapit si Chelsea sa braso ni Jinso
Nag-iwas naman siya ng tingin kay Jinso.
"K-Kung wala kang importanteng sasabihin mauupo na kami" Iyon lang ang sinabi ni Magdalena bago niya hinila si Davin papunta sa kinauupuan ni Janice. Tahimik itong nagpatangay sakanya habang magkahawak ang kanilang kamay
Todo ngisi naman si Janice ng bumalik sila sa kanilang upuan
"Mag jowa na pala kayo?" Nang aasar na ngiti ni Janice sakanilang dalawa ni Davin
Sabay pa silang napabuntong hininga kaya't lalo naman natawa ang kaibigan niya
"Alam niyo mukha kayong mga tanga. Isa lang solusyon sa problema niyo eh."
"Ano?"
"Exchange partners na para matapos na ang drama na to. Nakakaloka!"
Napangiti nalang silang dalawa ni Davin
"Ayoko. Nagpahalik siya sa koreano na yun kagabi pagkatapos ko siyang bigyan ng isang unforgetable kiss?"
Alam nilang nagpapatawa lang si Davin ngunit may katotohanan ang sinabi nito. Naiinis parin ito kay Chelsea dahil sa nakita nitong paghahalikan kagabi
"Ako rin! Pagkatapos niya akong ipag-shopping at bigyan ng kwintas?"
"Sosyal pinagshopping ka? Bakit di mo man lang ako sinama!" Reklamo ni Janice kaya nagtawanan silang tatlo
Sabay pa silang uminom ni Davin ng tig isang basong beer na naroon sa kanilang table
BINABASA MO ANG
SECRET LOVE
RomanceSong-Jinso fall in love with a curly girl named Magdalena. He likes her so much but he will never court her. Kahit gustuhin niya. Dahil sa utang na loob niya kay Chelsea ang anak ng bestfriend ng kanyang mommy, He sacrifies everything for her. Ibin...