Chapter 38

1.2K 128 14
                                    

Chapter 38

Hindi maintindihan ni Magdalena ang kanyang sarili kung bakit siya nagtiwala kay Chelsea na manatili sa isang maliit na kwartong iyon sa likod ng event hall ng hotel

Nilapitan siya nito kanina at sinabi nito sakanya na maghintay lamang siya sa loob ng maliit na kwartong iyon. Mukhang dressing room nito iyon. Pinag-tago pa siya nito sa isang malaking dressing cage na natatakpan lamang ng itim na kurtina. Kabilin-bilinan nito sakanya na huwag siyang lalabas sa dressing room na iyon hangat hindi nito sinasabi sakanya.

Ang sabi pa nito ay ginagawa lang daw nito iyon para sakanya. Hindi niya alam kung anong binabalak nitong gawin.

Maya-maya pa ay natigil ang kanyang pag-iisip ng marinig niya ang boses ni Jinso at Chelsea na kakapasok lamang sa kwartong iyon.

"What do you want Chels?" Seryosong tanong ni Jinso

"May gusto lang akong sabihin sayo Jinso.."

Nanlaki ang kanyang mata at biglang kumabog ng mabilis ang kanyang puso

Nais ba ni Chelsea iparinig sakanya ang pag-uusapan ng mga ito? Nais bang ipakita ni Chelsea sakanya ang proposal ni Jinso para dito? At nais bang ipamukha ni Chelsea sakanya na ito ang tunay na minamahal ni Jinso?

Ngayon palang ay nasasaktan na siya.

Ngunit may lahi yata siyang masokista kaya sumilip pa siya ng kaunti upang makita niya ang mga ito

Muntik pa siyang mapasinghap ng makita niyang malapit lamang sa pinagtataguan niya nag-uusap ang dalawa.

Nakita niyang unti-unting lumuhod si Chelsea sa harap ni Jinso. Kumunot naman ng husto ang nuo ng binata

"J-Jinso.."

"Chelsea stop. You don't have to do this. You don't need to beg for me. Kahit ano pang gawin mo. Hindi talaga kitang kayang mahalin Chels higit sa pagiging kaibigan.-"

"I'm not doing this to beg you. I'm doing this to say.." Saglit itong napatigil sa pagsasalita at tumingin ito ng deretso sa mga mata ni Jinso

Nanginginig ang buong katawan ng dalaga. Hindi na nito napigilan mapahikbi.

"C-Chels.." Tila naaawa naman si Jinso at akmang lalapitan nito si Chelsea ngunit muling nagsalita ito

"I'm doing this to say sorry.. I'm so sorry Jinso..." Napahagulgol na ito habang humihingi ng kapatawaran sa binata.

Pareho silang nagulat ni Jinso dahil sa sinabi ni Chelsea. Hindi nila inaasahan ang pag-hingi nito ng tawad kay Jinso.

"W-What do you mean.."

"I'm sorry Jinso sa lahat ng nagawa ko sayo. Sa lahat ng kasamaan ko sayo. Inaamin ko ginagawa ko yun para pasakitan ka. I tried to be a bitch person to ruin your life. Ang buong akala ko kasi itinulak mo ako noon kaya ako ang nabaril imbis ang mama mo. Hindi ko akalain na imahinasyon ko lamang iyon dahil sa naging trauma ko sa mga pangyayari. I had tampered memory. All those years galit at poot ang nasa puso ko. Hindi kita binigyan ng pagkakataon lumigaya. Kung hindi pa pinakita sakin ni mama ang cctv footage ng pangyayari noon ay hindi ko pa malalaman ang totoo kaysa sa imahinasyon. Patawarin mo ako Jinso. Alam kong kulang pa ang pagluhod kong ito para mapatawad mo ako.. I'm so sorry.." Napayuko ito habang humahagulgol sa harap ni Jinso tinakpan pa nito ang buong mukha ng dalawang palad nito habang humagagulgol

Nakatingin lamang dito si Jinso habang namumula na rin ang mga mata. Pilit nitong inuunawa ang mga sinasabi ni Chelsea.

Lumuhod si Jinso at hinaplos nito ang buhok ni Chelsea

"Bakit hindi mo ako tinanong? Para naitama ko noon pa man ang maling akala mo?"

"Ayokong itanong sayo yun dahil galit na galit ako sayo. Patawarin mo ako Jinso.. Ang totoo wala naman talaga akong gusto sayo. Patawarin mo ako kung kinulong kita sa relasyon natin."

Huminga ng malalim si Jinso

"Kaya nga nagtataka ako sayo kung bakit ka biglang nagkagusto sakin noong bata pa tayo eh halos magkapatid ang turingan natin." Unti unting tinangal ni Jinso ang kamay ni Chelsea na nakatakip sa mukha nito

Pinunasan ni Jinso ang luhang tumulo sa pisngi ni Chelsea

"M-Mapapatawad mo ba ako Jinso? Sa lahat ng nagawa ko sayo?"

"Hindi ka pa man humihingi ng tawad napatawad na kita. Alam mo bang parang isang malaking tinik sa puso ang nawala ngayon?"

"Grabe talaga ang nagawa ko sayo Jinso. Halos sampung taon kitang ikinulong sa relasyon na wala namang pagmamahalan. Alam ko namang noon pa may ibang babae kang minamahal.."

Parang tumalon ang puso ni Magdalena ng ngumiti si Jinso kasabay ng pagtulo ng luha nito. Pakiramdam kasi nito ay nakalaya na ito

"Yeah. Mula noon siya lang talaga eh. Kaso may boyfriend na--"

"Hindi ah! Boyfriend ko yun eh!" Parang batang sabi ni Chelsea kaya napakunot ang nuo ni Jinso

Napatakip si Magdalena sa kanyang bibig dahil muntik pa siyang mapatawa ni Chelsea sa mga oras na iyon.

"Boyfriend mo?"

"Oo. Si Davin Walton. Sakin lang siya."

"Kailan pa?"

"Kanina lang . Basta boyfriend ko yun!"

"Bakit niya kasayaw si Magdalena kanina--"

"Hindi naman sila tunay na magkarelasyon ng baby mo eh."

Napangiti si Jinso "Sigurado ka ba?"

"Bakit hindi mo siya tanungin?"

Napabuntong hininga si Jinso

"Hindi niya ako pinapansin e. Parang ayaw na niya akong kausapin--"

"Eh kasi nakita tayo ng boyfriend ko kagabi naghahalikan--"

"Hindi kita hinalikan Chels. It's not even a kiss."

"Oo ayun nga. Hinalikan lang naman kita para makalimutan ko yung halik ni Davin sakin kagabi eh."

"Ohh.. Lumalab-life ka na pala tapos ako pinahihirapan mo?" Natatawang sabi ni Jinso

Napangiti rin si Chelsea "Pero nakita tayo ng boyfriend ko kagabi. Sinabi niya kay Magdalena yun kaya lagot ka.." Pilyang sambit ni Chelsea

Nanlaki naman ang singiting mata ni Jinso at tila kinabahan ito.

"S-Shit. Kaya pala hindi niya ako pinapansin at parang galit siya sakin. Dito ka muna. I need to talk to her!"

Akmang tatakbo na palabas ng kwarto si Jinso ngunit pinigilan ito sa braso ni Chelsea

"Chels kailangan kong kausapin si Magdalena. For sure nasasaktan yun ngayon. Kailangan kong magpaliwanag"

Ngumiti si Chelsea kaya napakunot lalo ang nuo ni Jinso.

"I really need to talk to her right now baka umuwi na yun eh--"

"Magdalena lumabas kana diyan. Maiihi na sa takot ang kapatid ko.." Nakangiting sambit ni Chelsea. Tila naguluhan naman si Jinso ngunit agad itong napatingin sa dressing room na pinagtataguan niya

Napapahikbi naman siyang lumabas ng dressing room at hinawi niya ang kurtinang tumatakip sakanya.

Nanlaki ang mata ni Jinso ng makita siya

Nang magtama ang kanilang mga mata ay mas lalo siyang napa-iyak. Tumakbo agad siya upang yakapin ito ng mahigpit.

"Jinso!"

Sinalubong naman siya ni Jinso ng napakahigpit na yakap.

"Magda!"

Walang kasing higpit ang yakap nito. Para bang miss na miss rin siya nito. At sa pamamagitan ng pagyakap ay pinaparamdam nito sakanya na siya lamang ang babaeng minamahal nito

Hindi na siya hinayaan makapagsalita pa ni Jinso dahil hindi na ito nag-aksaya pa ng segundo upang sakupin ng may pananabik na halik ang kanyang bibig

Buong pagmamahal niyang tinugon ang halik nito. Bawat galaw ng labi nito ay sinusundan ng kanyang labi

"Ehem! Mamaya na kayo magtukaan. Nandito pa ako eh." Biro ni Chelsea kaya doon palang sila tumigil sa paghahalikan

Nakangiti sila at kapwa hilam ng mga luha ang mga mata. Walang paglagyan ang kaligayahan ng kanilang puso. Para bang malayang malaya na silang magmahalan simula ngayon

"Babawi ako sainyo guys. Sagot ko ang bawat date niyo sa loob ng sampung taon." Nakangiting sabi ni Chelsea

Nagkatinginan naman silang dalawa ni Jinso.

"Wag kayong magtinginan ng ganyan. Bilyonaryo ang boyfriend ko kahit saan pa kayo mag date ay sasagutin ko"

Doon na sila nagtawanan tatlo.

Niyakap ni Magdalena si Chelsea ng mahigpit

"Sorry rin Chelsea sa lahat ng nagawa ko sayo--"

"Hephep. Wala kang nagawa sakin dahil in the first place hindi naman talaga sakin si Jinso no. Ikaw talaga ang nagmamayari sa lokong yan mula pa nung kinder tayo."

Niyakap rin siya ni Chelsea ng mahigpit

"I'm so sorry Magdalena. Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sainyong dalawa ni Jinso.."

"Napatawad na kita Chelsea. Pero sa isang kondisyon.." Sambit ni Magdalena kaya napakalas sa pagyakap si Chelsea

Nakangiti namang nakatingin sakanila si Jinso. Masaya ito at hindi inaasahan na ganito kabilis magbabago ang mga pangyayari

Kahit sa panaginip ay hindi nito naisip na possibleng makita nitong nagyayakapan silang dalawa ni Chelsea

"A-Anong kondisyon?" Nagtatakang tanong ni Chelsea sakanya habang nakatingin sakanyang mukha

"Magiging matalik na magkaibigan na tayo mula ngayon." Nakangiting sabi niya kaya unti unti na itong napaiyak dahil sa kaligayahan

"Gusto mo akong maging kaibigan sa kabila ng lahat nang nagawa ko?" Hindi makapaniwalang sambit ni Chelsea habang panay ang tulo ng masaganang luha nito

"Oo naman! Sa tingin ko magkakasundo tayo Chelsea. At may sikreto akong sasabihin sayo. Pinagseselos ka lang kanina ni Davin dahil inlove na inlove na siya sayo"

"Magkakasundo nga talaga tayo sis!" Todo ngiting sambit ni Chelsea bago siya niyakap muli

"Teka girls sali ako!" Nakiyakap rin si Jinso sakanilang dalawa ni Chelsea

Ngunit pasimple nito hinalikan ang pisngi ni Magdalena. Natawa tuloy si Chelsea dahil hindi nakapagpigil si Jinso sa nais nitong gawin.

Kumalas sa pagyakap si Chelsea upang bigyan ng chance si Jinso na yakapin pa ng husto si Magdalena

Nakangiti siyang pinagmamasdan ang dalawa. Tila hindi na talaga makatiis ang mga ito dahil muling naghalikan ang mga ito.

Iiling-iling nalang lumabas ng kwartong iyon si Chelsea. Masayang masaya siya para kay Jinso at Magdalena. Masaya rin siya dahil kahit papaano ay napatawad siya ng mga ito. Alam ni Chelsea sa kaibuturan ng kanyang puso na nais niyang makabawi sa dalawa lalong lalo na kay Jinso dahil sa dami ng masasamang nagawa niya sa kanyang kaibigan

Nakangiti namang sinalubong siya ni Davin ng yakap dahil kanina pa rin ito sa labas ng dressing room

She's ready to be healed.

"I'm so proud of you. Tama ang ginawa mo. Tama lang na palayain mo sila." Niyakap siya ng mahigpit ni Davin

"Dahil sayo Davin unti unti akong nagising sa kasamaan ko.."

"I love you so much Chelsea.."

"I love you too Davin.."

"Pero teka. Hindi kita pauutangin para sa sampung taong date nila ha? Aba nagtitipid ako" Nakangising sabi ni Davin kaya nahampas niya ng mahina ang braso nito

"Loko loko!"

Nagtawanan silang dalawa at hindi na rin ito nakapaghintay na halikan siyang muli. Kinarga siya ni Davin kaya napatili siya

"Opps. Wait wait saan tayo pupunta? Hindi pa tapos ang birthday party ko--"

"Dun tayo sa kwarto may itutuloy pa tayo"  Pilyong sabi nito

"Hindi pwede masakit pa ang pechay ko!"




SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon