Chapter 27
Habang nag mamaneho si Davin ay tahimik lamang siya sa passenger seat nito. Nagtataka rin siya kung bakit niya hinahayaan na dalhin siya nito kung saan daw siya nito ililibre ng dinner.
Nakakapagtaka dahil hindi niya magawang tumangi dahil hindi umuubra ang pagsusungit niya sa lalakeng ito
And something inside her really wants to be with him for awhile.
Chelsea ano bang nang-yayari sayo? Bakit mo kasama yang gwapo na yan este yang bwisit na yan??! -- Aniya sa kanyang isip samantalang pakanta kanta pa si Davin habang nag-dadrive ito ng lumang kotse nito
Tinignan ni Chelsea ang interior ng kotse nito. Napaka-old class ng kotse at para bang panahon pa iyon ng lolo niya. Nagtataka rin siya kung bakit ganito lamang ang kotse ng binata samantalang anak ito ni Georgina Walton. Ang pinakatanyag at nangungunang mining company sa Canada at America. Kilala ang buong angkan ng Walton family sa larangan ng mga ginto. Marami rin Walton Golds sa ibat-ibang parte ng mundo. Kaya napaka-impossibleng anak ito ni Georgina Walton!
He's so simple! Mukha nga itong mayaman sa tindig at pananalita nito dahil matalas iyon sa pagsasalita ng wikang ingles.
Ngunit kung tititigan ang mga gamit na ginagamit nito, Ay talaga naman mukhang mahirap lamang ito dahil cheap ang mga iyon at hindi man lang branded
"Stop staring. Baka mainlove ka sakin niyan, sige ka.." Biro nito sakanya ng mapansin nito ang pag-usisa niya mula sa simpleng tshirt nitong suot sa pantalon nitong medyo kupas pa at sa simpleng sapatos nitong wala man lang tatak
"S-Shut up. That will never happen. Tinititigan kita kasi nagtataka ako kung bakit ang cheap ng mga suot mo. Kung anak ka talaga ni Georgina Walton hindi dapat ganyan ang suot mo--"
Napatigil siya sa pagsasalita ng tumawa ito
"Why?"
Umiling ito habang natatawa parin sakanyang sinabi
"You're so annoying Davin!" Inis niyang sabi kaya naman sumulyap ito sakanya bago ito muli tumingin sa kalsada
"Bakit ako? Ako pa naging annoying ha? Ikaw nga diyan nilalait mo ko eh" Natatawa parin nitong sabi sakanya
"Eh bakit kasi ganito ka lang? Itong kotse mo? Panahon pa yata ng lolo mo to! Yang suot mo? Yuck! It's so cheap!"
Ngumiti lang ito
"Mas komportable kasi ako sa ganitong kotse at damit. Sawang sawa nako sa business suits. It's killing me. At mas masaya ako pag ganito lang. Simple pero pogi"
Kumindat pa ang walanghiya sakanya! Napatalon tuloy saglit ang kanyang puso dahil sa ginawa nitong simpleng pagkindat. Lalo kasing nadagdagan ang kagwapuhan nito
"Who told you na pogi ka? You're not!" Inirapan niya ito sa sobrang inis niya. How dare him to make her heart crazy like that?
Para siyang hindi makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso sa simpleng pagkindat lamang nito?!
No way!
"You're eyes is telling me. Gwapong gwapo ka nga sakin eh"
Lalo pang namula ang kanyang mga pisngi. Mabuti nalang at biglang nag-ring ang kanyang cellphone
Dinukot agad niya iyon mula sa kanyang handbag. Nakita niyang si Jinso ang caller name na nakalagay sa screen ng kanyang cellphone kaya naman sinagot niya agad iyon
"Hello Jinso" Pagsagot niya
Medyo pinapakalma niya ang kanyang sarili dahil sa pang-aasar ni Davin sakanya. Nahahalata pala nito mula sa kanyang mga mata ang pagka-hanga niya sa kagwapuhan nito? No waaay!
Nawala naman unti unti ang mapang-asar na ngiti ni Davin ng marinig nito kung sino ang kanyang kausap sa kanyang cellphone.
Naging seryoso ang gwapong mukha nito habang tahimik na nakikinig sa kanilang pag-uusap. Kahit hindi naman nito naririnig ang sinasabi ng nasa kabilang linya
"Hi Chels. Sorry hindi ako nakapag reply buong araw" Medyo malungkot na tono sa pagsasalita ni Jinso
Buong araw nanaman kasi itong hindi man lang nagreply sa mga calls and text niya
"That's okay love!" Sagot niya upang inisin si Davin. Nakita niya kasing sumeryoso ang mukha nito
"Uhm Chels, Can we talk tonight? In person sana.." Sabi ni Jinso sa problemadong tono ng boses nito
"S-Sure love! Saan mo gusto magkita at mag-usap?"
Napalingon si Davin sakanya. Napakunot ang nuo nito dahil sa narinig.
"Right now. Nandito ako sa bahay niyo"
"Oh my God! Nandiyan ka sa bahay? Alright pauwi na rin naman ako!"
Narinig niyang bumuntong hininga si Jinso
"Thanks Chels" Sabi nito bago tapusin ang tawag. Wala man lang itong paalam o i love you man lang para sakanya bago ito nawala sa kabilang linya
"I-I love you too. Bye Jinso!" Hindi rin maunawaan ni Chelsea kung bakit kailangan niyang sabihin iyon upang iparinig lamang kay Davin
Lihim kasi siyang natutuwa sa pagiging seryoso ng mukha nito. Tila nawala ang mapang-asar nitong ngiti na nakakapag-pakabog ng kanyang puso sa kakaibang rhytmo
Tinago na niya ang kanyang cellphone bago siya lumingon kay Davin.
"Ihatid mo nako sa bahay. Nandoon ang boyfriend ko"
Tinignan siya nito
"Fine" Simpleng sagot lamang nito bago iniliko sa u-turn area ang kotse nito pabalik sa kanilang mansyon
Napapangiti siya ng kaunti dahil daig pa nito ang isang selosong boyfriend
Teka ngumingiti ba siya??
Ang isang dakilang babaeng katulad niya? Bakit siya ngumingiti?!
Pinagalitan niya ang kanyang sarili dahil ibat-ibang emosyon na ang binubuhay ni Davin sa kanyang pagkatao
"Bilisan mo dahil naghihintay na ang boyfriend ko---Ayyyy!!!"
Napatili siya ng biglang tapakan ni Davin preno ng kotse nito. Napatalbog tuloy siya sa kanyang upuan. Itinabi pala nito sa gilid ang kotse nito habang ang ibang mabibilis na sasakyan ay patuloy lamang sa pag-andar
"Bakit ka huminto?!"
"Nasiraan tayo eh" Seryosong sabi nito bago ito bumaba mula sa kotse nito at padabog na isinara ang pinto ng kotse
"What?! Do something about it!" inis niyang sambit
Nasa kalagitnaan pa naman sila ng high way! Madilim sa lugar na iyon.
Lumabas rin siya mula sa kotse nito. Nakita niyang nakasandal lang ito sa kotse nito
"Bakit kasi ginagamit mo pa ang kotseng yan? Dapat diyan sinusunog na! Paano na ang boyfriend ko ha? Maghihintay yun sakin!" Galit niyang sabi kay Davin at nameywang pa siya sa harap nito
"Kung gusto mo simulan mo ng maglakad.." Nakangising sabi nito sakanya na halatang inaasar lamang siya
"What?! You're impossible! Mag tataxi nalang ako!"
Mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone upang tumawag ng taxi. Ngunit pag bukas niya ng cellphone niya ay dead batt na iyon! Lowbat na siya!
"No no no no.. Oh God shit naman!" Naiinis niyang sambit ng tuluyan ng mamatay ang battery ng kanyang cellphone
Nakangiti lamang si Davin ng mapang-asar na ngiti habang nakatingin ito sakanya
"Wala ka bang gagawin para maayos yang bulok mong kotse ha??!"
Umiling pa ang walanghiya! Lalo itong nang-aasar!
"Bwisit ka talaga!" Gigil niyang sabi habang nagpapadyak siya ng kanyang mga paa
"Calm down. Para kang bata" Natatawang puna nito sakanya
"May gana ka pa talagang tumawa ha?!"
Kinagat nito ang labi upang pigilan ang pag-ngiti. Ngunit tila lalo siyang nainis dahil parang nag-slow motion sa kanyang paningin ang pagkagat labi nito
Tila nanuyo ang kanyang lalamunan kaya't napalunok siya. Bakit parang kay lambot lambot ng lips nito?
Napansin naman nitong tinitignan niya ang labi nito kaya bahagya pa nitong dinilaan ang sariling labi kaya lalo iyong naging ka-akit akit sa paningin niya!
"Don't flirt with me!" Asik niya kay Davin dahil ngumiti ito sakanyang reaksyon
"I'm not flirting with you. Gusto mo ba?" Tanong pa nito sakanya
"A-Ano gusto ko?? Ang bastos mo talaga!"
Tumawa ito dahil kahit madilim sa paligid ay nahuhulaan na nitong kasing pula ng kamatis ang kanyang buong mukha.
"Nahalikan ka na ba ng nobyo mo?" Tanong nito sakanya na nagpalaki ng kanyang mga mata
"H-How dare you to asked me such personal thing?! Wala kang paki-alam kung naghalikan na kami ng boyfriend ko no!"
Ngumiti ito ng tipid sakanya
"Yeah right. Bakit ko ba tinatanong? Obviously nahalikan kana. Kasi kahit ako, Kung ako ang boyfriend mo, Hindi ko tatantanan ang lips mo" Davin said
Napalunok siyang muli sa sinabi ni Davin! Nakatingin rin kasi ito sa kanyang mga labi na para bang naaakit rin itong halikan siya!
"S-Shut up okay?!" Galit galitan niyang sabi dito dahil kakaibang init sa buong katawan niya ang nagagawa nitong pagapangin sa mga sandaling iyon
Ipinilig nito ang ulo upang kontrolin siguro ang kagustuhan nitong halikan siya sa mga oras na iyon. Bago ito lumayo sakanya upang tumawag ng tulong.
Samantalang napasandal nalang siya sa lumang kotse nito dahil sa pang-hihina ng kanyang tuhod
Para kasing nasasabik siyang mahalikan nito.
Pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili sa matinding init na kanyang nararamdaman
Habang may kausap ito sa cellphone nito
"Tss pati cellphone lumang luma. Bwisit talaga.." Aniya habang nakatingin siya kay Davin
napakasimple nito ngunit napaka-Gwapo talaga. Unti-unti niyang naappreciate ang pagiging simple nito.
Unlike Jinso. Nagsusumigaw ang kayaman sa lalake. Mula sa mga limited edition sports cars nito na mayroon pang sariling drivers bawat kotse nito hangang sa mga kagamitan nito. Palaging updated ang mga gamit nito kung ano ang bago at pinakamahal sa merkado. Ofcourse ito lang naman ang tagapagmana ng daddy nitong si Mr.Song-Jin sa lahat ng multi-businesses nito sa South Korea at sa ibat-ibang parte ng mundo. Bilyonaryo na ito hindi lamang sa peso kundi sa dolyares!
But Davin is different. Kahit anak mayaman ito ng isang sikat na bilyonaryong pamilya ay nananatili itong simple
Napalingon si Davin sakanya pagkatapos itong may kausapin sa cellphone nito
"Don't worry darating na yung tutulong satin.." Sabi nito ng makalapit ito sakanya
Tumaas ang kanyang kilay
"Sino? Ang girlfriend mo ha?" Hindi niya mapigilan itanong dahil naiinis siya kung sino ang tinawagan nito upang tulungan sila
Ngumiti ito ng pilyo at mas lalo pa itong lumapit sakanya
"Why? Nagseselos ka ba?" Tanong nito sa seryosong tono ng boses nito na nagpapakabog nanaman ng mabilis sa kanyang puso
"Bakit naman ako magseselos?!" Nanlalaking matang tanong niya dahil napunto nito ang nararamdaman niya
"Wala lang. Baka kasi nagseselos ka eh" Pang-aasar nito sakanya habang nakatingin ito sa kanyang mukha
Napalunok siya dahil ilang dangkal nalang ang layo nito mula sa kanyang katawan
"H-Hindi ako nagseselos no!"
Wala itong sinagot sa sinabi niya bagkus ay napatitig ito sa kanyang magandang mukha
"Kapag hinalikan ba kita ngayon sasampalin mo ba ako?" Seryosong tanong nito
Napalunok siya sa kakaibang sensasyong dumaloy sa buong katawan niya mula sa pagtitig nito sakanya na para bang gustong gusto na siyang halikan sa mga oras na iyon
Nais niya tarayan ito at sabihing wala itong karapatan halikan siya! Ngunit traydor ang kanyang katawan!
Hindi niya magawang humindi sa sinabi nito
"Chelsea.."
"B-Bakit mo ba ako gustong halikan ha?" Nagawa niya parin magtanong sa kabila ng panginginig ng kanyang mga tuhod
Hindi na nito sinagot ang kanyang tanong bagkus ay hinapit na nito ang kanyang bewang at sinakop na nito ng mapusok na halik ang kanyang labi
Ito palang ang kauna-unahang lalakeng nakahalik sakanya!
Napaka-init at napakalambot ng labi nito! Imbis na itulak ito ay ipinikit niya pa ang kanyang mata at isinabit ang kanyang mga kamay sa leeg nito upang doon siya kumuha ng lakas. Nanghihina kasi ang kanyang mga tuhod dahil sa ginawa nitong paghalik sakanya
Nanunuyo ang mga halik nito na para bang nais nitong makatangap ng tugon mula sakanya! Hindi siya marunong humalik ngunit para itong isang magaling na guro na itinuturo sakanya kung paano niya pagagalawin ang kanyang mga labi habang kahalikan ito
Agad niyang tinugon ang halik ni Davin lalo na ng pagdikitin nito ang kanilang mga katawan
Pananabik at kakaibang pakiramdam ang kanyang nararanasan sa mga sandaling iyon lalo na ng saglit niyang marinig ang ungol ni Davin na para bang nang-gigigil itong palalimin pa ang kanilang paghahalikan
Humihigpit rin ang paghapit nito sa kanyang bewang na para bang yakap yakap na siya nito ng mahigpit
Napakasarap nitong kahalikan!
Gumagalaw ang kanilang mga ulo mula pa-kanan at pakaliwa habang nilalasap nila ang labi ng isat-isa
Sa tuwing sisipsipin nito ang ibabang labi niya ay sinisipsip naman niya ang itaas na labi nito
Walang tigil ang paghahalikan nilang dalawa kahit naisasandal na siya nito sa lumang kotse nito.
Palalim ng palalim ang kanilang paghahalikan at tanging mga ungol nalang nila ang maririnig.
Aaminin ni Chelsea na sarap na sarap siya sa halik na iyon. Nakakasabik at parang mas gusto niya pa iyong lasapin ng husto.
Napakapit siya sa batok ni Davin upang mas lumalim ang kanilang paghahalikan. Mas nagiging mapusok ang palitan ng kanilang mga halik mas nagiging agresibo silang dalawa!
Ipinatong siya ni Davin sa ibaba ng harapan ng kotse nito upang paupuin siya doon. Saglit na naputol ang kanilang paghahalikan at tumitig ito sakanyang mga mata. Kitang kita nito ang kagustuhan sa kanyang mga mata na ipagpatuloy pa nila ang kanilang paghahalikan
Napaungol sila ng sabay ng muli silang maghalikan! Sa pagkakataong iyon at para bang hindi na sapat ang halik! Nais pa nilang mas palalimin ang kanilang init na nararamdaman!
Nararamdaman ni Chelsea ang matigas na bumubukol kanina pa mula sa gitna ng pantalon nito. Hindi naman siya bata upang hindi malaman kung ano iyon
Mas nakakadagdag iyon sa init na kanilang nararamdaman lalo na ng dumidiin iyon sa kanyang pagkababae! Nagsimula nitong idikit iyon ng husto sakanya habang naglalaplapan sila ng walang pugto
Napapaungol si Chelsea dahil hindi niya akalain na ganito kasarap ang kanyang magiging unang halik!
"Kuya Davin!"
Hinihingal na pinutol ni Davin ang paghahalikan nilang dalawa ng marinig ang boses ng isang babae sa kanilang likuran
Para tuloy silang binuhusan ng malamig na tubig dahil nahuli sila nitong naghahalikan ng marubdob!
Napalunok sila at tila bitin na bitin sa kanilang paghahalikan.
Lumingon si Davin sa pinsan nitong si Janice
"Janice" Nahihiyang sabi ni Davin bago siya inalalayan bumaba mula sa ibabaw ng kotse nito
Napayuko siya sa sobrang hiya!
"Sorry kuya naistorbo ko kayo! Sabi mo kasi bilisan ko eh. Teka kilala ko yang babaeng yan ah?" Kunot nuong sabi ni Janice habang pinagkatitigan siya
Oh! Hell! Kilala niya ito! Isa ito sa mga weird people sa kanilang campus!
Ang nerd na kaklase ni Jinso! Si Janice!
"Chelsea?!" Nanlalaking matang sabi ni Janice
Napalunok siya at tila hindi alam ang kanyang sasabihin. Nahuli siya nitong nakikipaghalikan! Ano nalang ang iisipin nito!!
"Kilala mo siya Janice?"
"Oo kuya Davin! May boyfriend na ang babaeng yan!" Nakangusong sambit ni Janice
"M-Magkapatid kayo?" Tanong ni Chelsea sa mga ito
"No. She's my cousin. Pinsan ng pinsan ko ang pinsan ng pinsan niya" Sabi ni Davin
"Bakit ka nakikipaghalikan sa pinsan ko? Break na ba kayo ni Jinso?!"
Napalunok siya at nagkatinginan silang dalawa ni Davin
"Kilala mo rin ang boyfriend niya?" Kunot nuong tanong ni Davin
"Oo kuya! Kaklase ko ang boyfriend niyan eh!"
Ngumiti si Davin "Secret lang natin to Janice. Lagot ka sakin pag may naka-alam."
Ngumuso si Janice "Niloloko ka ng babaeng yan masama ang ugali niyan kuya eh! Inaasar ako niyan sa school dati eh!"
Tumawa naman si Davin at inakbayan siya. Hinalikan nito ang gilid ng kanyang ulo.
"Mabait to, Baby ko to eh.." Sabi ni Davin habang nakangisi
Para nanaman nitong pinagtatambol ang puso niya. Nakumbinsi nito si Janice na wag iyon sabihin kay Jinso at kalimutan nitong nakita silang naghahalikan. Pumayag naman si Janice dahil malakas si Davin dito
Pasakay na sila sa kotse ni Janice ng mapatingin siya sa hairclip nito. Tila tinakasan siya ng dugo sa kanyang mukha ng makita ang design ng hairclip nito!
Katulad iyon ng hairclip na napulot niya sa mismong kwarto ni Jinso!
"A-Ang ganda ng hairclip mo ha. Kaso bakit isa lang. Meron ka pa ba niyan?" Tanong niya dahil tila kalahati lang ang puso ng hairclip nito
Umikot ang mga mata nito sakanya na para bang tinatarayan siya
"Wala na. Pinagawa ko tong hairclip na ito exclusive para samin ng bestfriend kong si Magdalena no!"
Napalunok siya..
Si Magdalena? Ang babae ni Jinso??!
Tila bomba iyong nagliwanag sakanyang isip..
Si kulot...
Ang babaeng kaibigan nilang dalawa ni Jinso noon! Napapansin na niya noon na madalas itong asarin ni Jinso noong bata pa lamang sila! Bakit nga ba hindi niya naisip na ito ang babae ni Jinso???
Bakit hindi niya napansin na ito ang palaging inaasar ni Jinso at dahilan kung bakit hindi ito nagpapalipat ng ibang section mula pa noon! Pati ang course ng babaeng iyon ay tila sinundan ni Jinso!
Wala naman siyang nararamdamang selos ngunit tila nagagalit siya sa mga ito.
Hinawakan ni Davin ang kanyang kamay
"Are you okay?"
Ngumiti siya ng pilit..
"Iuwi mo nako.."
Napakunot ang nuo nito ngunit hinayaan nalang siya nitong maging tahimik buong biyahe nila
BINABASA MO ANG
SECRET LOVE
RomanceSong-Jinso fall in love with a curly girl named Magdalena. He likes her so much but he will never court her. Kahit gustuhin niya. Dahil sa utang na loob niya kay Chelsea ang anak ng bestfriend ng kanyang mommy, He sacrifies everything for her. Ibin...