Chapter 14

905 102 16
                                    

Chapter 14

"Neng! Ano? Kamusta? Anong resulta?"

Tagaktak ang pawis ni Magdalena habang hinihintay ang resulta sa pregnancy test na hawak hawak niya habang nasa loob siya ng restroom ng bahay nila Janice.

Dito nila naisip gawin ang bagay na ito dahil walang tao ngayon sa bahay nila Janice dahil nasa abroad ang parents nito. Hindi katulad sa bahay nila ay naroon ang bunsong kapatid niya.

Araw iyon ng sabado at tatlong araw na siyang delayed o hindi pa nagkakaroon ng kaniyang buwanang dalaw. Kinakabahan siya sa posibilidad na nagbunga ang kanilang pagtatalik ni Jinso.

Mag-iisang buwan na mula ng mangyari iyon. Isang buwan na rin siyang hindi pinapansin ng binata. Tila iniiwasan siya nito. Naisip ni Magdalena na mas mabuti na nga iyon kaysa guluhin pa siya nito. Ngunit walang araw at gabi na hindi niya ito naiisip at hinahanap hanap niya ang mga halik nito

"Magda anu na neng? Ako ang kinakabahan dito eh!" Muling kumatok si Janice sa labas ng pinto. Hindi na ito makapaghintay sa resulta ng pregnancy test. Mas kabado pa ito kaysa sakanya.

Nakahinga siya ng maluwag ng tumunog na ang timer sa kanyang cellphone. Tinitigan niyang mabuti ang resulta ng pregnancy test. Isang linya lamang iyon na nangangahulugang hindi siya buntis

Lumabas siya ng restroom at ipinakita ang maliit na kahon na iyon kay Janice.

"N-Negative" Halos napapiyok pa siya sa matinding nerbiyos habang pinapakita kay Janice ang resulta

Nakahinga rin ito ng maluwang.

"Praise God! Jusko neng pasalamat ka talaga hindi ka napuruhan!"

Niyakap agad siya ni Janice ng isang mahigpit na yakap. Hindi man nito sabihin ay alam niyang isang buwan na rin itong nag-aalala para sakanya. Mangiyak ngiyak pa ito ngayon habang yakap siya.

"A-Akala ko nabuntis nako"

Isang mahinang sabunot ang ginawa ni Janice sakanya

"Maging leksyon na yan sayo ha! Hindi biro ang pag-jugjugan. Jusko disenuebe pala kayo, maawa kayo sa parents niyong nagpapa-aral sainyo--"

"Huwag mo nakong pagalitan Janice." Malungkot niyang putol sa panenermon ng kaibigan

"Sinasabihan lang kita. Hindi biro ang ginawa niyo."

Napabuntong hininga siya. Maraming beses na siyang pinagsabihan ni Janice.

"Ngayon hindi nako magpapadalos-dalos--"

"Hindi na talaga. Nako kapag umulit pa kayo ni Jinso baka makabuo na talaga kayo. Ang pupusok niyo grabe. Masarap ba ha? Kwento ka naman diyan?" Biro nalang nito sa bandang huli para pangitiin siya

Nagtagumpay naman ito dahil napangiti siya sa sinabi nito

"Sobra." Pilya niyang sagot sa kaibigan kaya nakatikim tuloy siya ng sabunot mula dito

"Gaga!"

Nagtawanan silang dalawa. Pareho silang nakahinga na ng maluwag dahil ngayon alam na nilang hindi siya nabuntis ni Jinso.

"Teka nasaan na yung friendship hairclip mo? Hindi mo na ba isinusuot?" Tanong ni Janice ng mapansin nitong hindi na niya sinusuot ang ibinigay nito sakanyang hairclip

Wari ba'y doon palang niya naalala ang hairclip niya na korteng puso. Kabiyak iyon ng hairclip na korteng puso rin na gamit gamit palagi ni Janice

"Oh no! Naku baka nahulog? Ikaw kasi palagi mo akong sinasabunutan eh!"

Napa-iling iling nalang si Janice

"Hayaan mo na! Bumili nalang tayo ng panibagong hairclip. Kaso sa divisoria pa iyon eh."

"Sorry Janice."

"It's okay panay kasi si Jinso ang nasa isip mo. Anyway kamusta kayo ni Luis? Layuan mo na rin yan baka pekpek mo lang rin ang habol niyan eh. Marupok ka pa naman" Sabi ni Janice habang naglalakad sila patungo sa kusina ng bahay nito

"Kaibigan ko lang si Luis. Hindi na rin naman siya nagpapakita ng motibo sakin."

"Anong hindi? Palagi ngang nakadikit satin eh. Kunwari nililibre tayong dalawa"

"Akala ko ba dati botong boto ka kay Luis?"

Pina-ikot ni Janice ang mga mata nito sa ere. Bago nagpameywang sa harap niya

"Wala nakong boto para sayo dahil nagdedelikadong magka-anak ka ng maaga. Study first nalang!"

Napangiti tuloy siya at niyakap si Janice

"Oo na! Promise hindi na mauulit. Masakit kaya"

Tumingin ito sakanya "Masakit? Hindi masarap?" Inosenteng tanong nito kaya napatawa tuloy siya

"Masarap pero sobrang sakit sa umpisa"

Napangiwi ito. "Malaki naman kasi yata ang kargada ni Jinso eh"

Napalunok siya ng maalala niya kung gaano nga iyon kalaki. Ipinilig niya ang kanyang ulo upang huwag maalala iyon.

"H-Huwag na nga natin pag-usapan ang lalakeng iyon"

"Mabuti pa nga!"
 


Samantalang sa isang banda,

Napa-hilot sa kanyang sintido si Arlene Bueneventura. Ang mommy ni Chelsea. Dahil sa sunod sunod na pag-gasta ni Chelsea sa credit card nito.

Halos wala pang isang buwan ay nakakagastos na ito ng dalawang milyon! Habang tumatagal ay mas lalo itong nagiging gastosera.

Napa-iling iling si Arlene habang hawak ang mga credit card bills ng kanyang anak.

"My God. Para lamang sa mga bag?" Hindi makapaniwalang sambit ni Arlene habang binabasa ang statement of account ng kanyang anak

Sakto naman na papasok ito sa pinto ng kaniyang kwarto.

"Hi mom!" Masayang bati ni Chelsea sakanya bago ito sumalampak sa kulay dilaw na sofa na nasa harapan ng kanyang mini office table sa loob ng kanyang kwarto

"What is this anak? Bakit ang laki ng gastos mo--"
 
"Mom it's not my problem anymore. Ang dami ko ng problema pwede ba don't talk to me that way?" Naiinis agad na sabi nito.

Huminga siya ng malalim. Hindi na niya nagugustuhan ang pag-uugali ng kanyang anak. Minsan sinisisi niya rin ang kanyang sarili kung bakit naging ganito ang ugali ng anak niya.

Hindi niya kasi nasubaybayan ang paglaki nito. Mga katulong lamang ang nag-alaga dito noon dahil busing-busy siya sa pagnenegosyo. Pera lamang niya ang pinang-uuto sa kanyang anak upang hindi ito magalit sakanya

Ngunit ngayon ay paubos na ang kanilang pera dahil unti unting nalulugi ang mga negosyo nila. Idagdag pang magastos silang mag-ina kaya naging mabilis ang paglubog ng perang ibinigay sakanya ng kaibigan niyang si Aliah ang mommy ni Jinso.

"Anak you need to start saving! Paubos na ang pera natin at hindi ko alam kung saan tayo pupulutin--"

"Mommy relax okay?! Hindi tayo maghihirap. Magiging asawa ko si Jinso remember? Bilyonaryo sila at paniguradong hindi tayo maghihirap mom--"

"No anak. Stop it. Hangang ngayon ba naman kinakadena mo parin ang anak ng tita Aliah mo?"

Tumawa ang kanyang anak. Hindi niya gusto ang paraan ng pagtawa nito

"It's for you mom. Kapag naubos na ang pera mo ako naman ang mag bibigay ng pera sayo someday--"

"Pero anak mali na ipagpilitan mo ang sarili mo kay Jinso-"

"Mom! I said shut up!" Tumayo na si Chelsea mula sa pagkaka-upo nito sa sofa at lumapit ito sa kanyang table

Napapitlag siya ng paluin ni Chelsea ang lamesa niya. Nakita niyang namumula ang buong mukha ng kanyang anak. Nakaramdam siya ng takot dahil baka atakihin ito sa sakit nito sa puso

"Makinig ka sakin mom. Sa ayaw at sa gusto mo magiging asawa ko si Jinso at walang makaka-pagbago nun. You heard me?!" Sigaw ni Chelsea kaya natigalgal siya. Tumayo siya upang pakalmahin ang kanyang anak

"F-Fine anak. Huminahon ka.." Hinagod hagod niya ang likod nito.

Lingid sa kanyang kaalaman ay napangiti si Chelsea ng isang malditang ngiti. Dahil wala naman itong sakit sa puso. Gawa gawa lamang nito ang kwentong iyon kasabwat ang kaibigan niyang doctor noon. Dahil binayaran ni Chelsea ang kaibigan niyang doctor kaya naman pumayag ito sa gusto ng kanyang anak.

Niloko sila nitong may sakit ito sa puso upang hindi niya ito galitin o pagalitan. Sadyang tuso ang kanyang anak at wala siyang kamalay malay sa bagay na iyon

"Just don't tell me what to do mom. Gusto ko si Jinso. Siya lang ang gusto kong maging asawa balang araw"

Napalunok si Arlene. Naawa siya sa anak ni Aliah na si Jinso ngunit hindi niya kayang kontrahin ang kanyang anak dahil baka atakihin ito sa puso

"O-Okay anak" Walang magawang pagsang-ayon nalamang ni Arlene sa kanyang anak

SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon