Chapter 29
Magdalena POV
"Chismosa ka talaga Janice. Halika dito baka may makarinig pa sayo eh!"
Hinila niya si Janice sa hall way ng kanilang paaralan. Dahil umagang umaga pa lamang ay chismis na ang pinang-almusal nito sakanya
"Maniwala ka sakin neng. Jusko kitang kita ng dalawang mata ko. Naghahalikan si impakta kagabi at si kuya Davin"
"Shhh. Baka may makarinig sayo. Paano naman nagkakilala si Davin payatot at si impakta este si Chelsea?" pabulong na tanong ni Magdalena
Kilala niya si Davin dahil madalas sa tuwing nagbabakasyon ito sa Pilipinas ay tumutuloy ito sa bahay nila Janice. Sa Amerika ito nakatira ngunit marunong itong magtagalog dahil tuwing bakasyon ay umuuwi ito ng Pilipinas kasama ang Tito Peterson nito na kapatid ng ama ni Janice.
"Nako gurl hindi na payatot si kuya Davin ngayon. Sobrang gwapo na at maganda na ang pangangatawan"
Napataas naman ang kilay ni Magdalena. Imposibleng tumaba ang payatot na iyon dahil mahina itong kumain noon. Malungkot kasi ito sa buhay nito sa Amerika dahil kulang ito sa pagmamahal ng magulang nito. Sa sobrang busy ng mga ito sa negosyo ay napapabayaan na ng mga ito si Davin.
"Talaga lang ha? Nag multi-Vitamins siguro?"
Tumawa si Janice "Oo nagulat nga ako eh. Limang taon kasi siyang hindi nagbakasyon dito sa Pilipinas kaya malaki na talaga ang pinagbago ni kuya Davin. Kung hindi ko lang pinsan yun eh baka naging crush ko pa!"
Sinabunutan niya ng mahina si Janice
"Sira ka talaga Janice. Pati ba naman si payatot ila-line up mo pa sa mga crushes mo" Napapa-iling na sambit ni Magda sa kanyang kaibigan
"Sus. Baka pagnakita mo si kuya Davin ngayon magsisi ka kung bakit hindi mo siya pinapansin noon eh!"
Tumawa siya.
Noong bata pa kasi sila ay madalas nitong sabihing maganda siya kahit kulot ang kanyang buhok. Ngunit parang pinsan lang rin ang turing niya kay Davin
"Janice"
Sabay silang napalingon ng marinig nila ang boses ni Chelsea!
Nakatayo ito sa kanilang likuran. Hindi naman nito narinig ang pinag-uusapan nila dahil bulungan lamang iyon
Sabay rin nanlaki ang kanilang mga mata dahil hindi nila inaasahan na lalapitan sila nito
"C-Chelsea!" Halata sa boses ni Janice ang pagkagulat nito at pagiging kabado. Palibhasa ay guilty ito na chinismis na nito sakanya ang nangyari kagabi
"I want to personally invite you to my birthday party tonight. Tutal pinsan ka naman ni Davin."
"S-Sure" Wala sa sariling sagot ni Janice
Kakaiba kasi ang itsura ni Chelsea ngayon. Maganda ito at nag-uumapaw ang katarayan dahil nakataas ng kaunti ang kilay nito. Hindi man lang ito ngumingiti sakanilang dalawa
Ngayon lang natitigan ni Magdalena si Chelsea. Tunay pala talagang napakaganda nito. Makinis ang balat at namumula ng natural ang mga pisngi at labi nito.
Kung hindi lamang masama ang ugali nito ay iisipin niyang isa itong anghel na bumaba lamang sa lupa dahil sa angelic face nito.
Napalunok si Magdalena ng bumaling sakanya si Chelsea. Bigla siyang nakonsensya dahil hindi siya makatingin ng deretso sa mga mata nito
"Ikaw rin. I want to invite you to my birthday party tonight. Para hindi naman ma-out of place si Janice"
"M-May gagawin kasi ako. Pasensya kana--"
"You're already counted. Nasa guest list kana. Hindi ka pwedeng humindi dahil per person ang bayad sa birthday party ko. See you tonight girls"
Tatalikod na sana si Chelsea sakanilang dalawa ngunit napatingin ito sa kanyang suot suot na emerald diamond necklace
Tila nabasa niya ang galit na dumaan sa mga mata nito ngunit saglit lang iyon dahil ngumiti ito sakanya at dahan dahan nitong hinawakan ang pendant ng necklace na kanyang suot suot
Labis ang kabang nararamdaman ni Magdalena. Pakiramdam niya ay lalabas na mula sa kanyang dibdib ang kanyang puso dahil sa pinaghalong kaba at takot para kay Chelsea
"Nice necklace by the way.." Sambit nito bago ito tumingin ng deretso sakanyang mga mata
Halos hindi siya nakapagsalita sa sinabi nito
"S-Salamat"
"See you later girls." Walang ka-ngiti ngiting sambit ni Chelsea bago ito tumalikod at lumakad na palayo
"Narinig kaya tayo ni Chelsea? Nakakatakot parang galit siya eh" Bulong ni Janice sakanya ng makalayo na si Chelsea sakanilang dalawa
Napalunok si Magdalena at napahawak siya sa butterfly pendant ng kanyang necklace. Hangang ngayon ay napakalakas parin ng kabog ng puso niya
"H-Hindi ko alam Janice. Paano yan ayokong pumunta sa birthday party niya--"
"Sumama kana. Kasama mo naman ako eh. Para may kasama ako doon. Dahil panigurado wala naman kakausap sakin dun eh"
Napabuntong hininga siya
Paano kung naroon rin mamaya si Jinso?
Speaking of Jinso, Nasaan 'na kaya ito? Hindi pa ito nagtetext sakanya ng good morning text. Nakasanayan na kasi niyang nagtetext ito sa tuwing gigising ito
"Nga pala sino nagbigay ng necklace mo? Maganda nga ha parang ginto at totoong diamond pa? Or sa divisoria mo ba yan nabili?"
Hinawakan ni Janice ang kanyang kwintas.
"B-Bigay lang ito ni mommy. Tara na pasok na tayo Janice.." Pag-iiba niya ng usapan
Buong araw stressed na stress si Magdalena dahil hindi pumasok si Jinso sa araw na iyon. Wala rin itong text miski isa.
"Ano sasama ka ba mamaya?" Tanong ni Janice sakanya
Wala sana siyang balak sumama sa birthday party na iyon ni Chelsea na gaganapin sa isang sikat na hotel ngunit tila nagbago ang isip niya. Nais niyang makita si Jinso marahil ay naroon ito.
Parang kumikirot na agad ang puso niya habang naiisip niyang busy ito sa pag-prepare sa birthday ni Chelsea kayat hindi ito nakakapagtext kahit isa man lang sakanya
"Sasama ako sayo Janice"
"Osige thats good! Sunduin ka nalang namin ni kuya Davin mamayang gabi at sabay sabay na tayong pumunta sa hotel"
Tumango lamang siya
"May susuotin ka na ba?"
Tumango lang ulit siya. Hindi niya kasi maiwasan malungkot dahil alas-kwatro na ng hapon ay wala paring text mula kay jinso
"Wala pa nga eh"
Napabuntong hininga si Janice tila nag iisip ito kung ano rin ang isusuot para mamaya sa party na iyon.
Isa kasi itong grand party dahil panigurado hindi papayag si Chelsea na simple lamang ang maging celebrasyon ng birthday nito
"Ako rin nga eh. Biglaan naman kasi mag-invite si impakta eh. Bahala na kahit anong dress nalang siguro"
![](https://img.wattpad.com/cover/308947016-288-k972720.jpg)
BINABASA MO ANG
SECRET LOVE
RomanceSong-Jinso fall in love with a curly girl named Magdalena. He likes her so much but he will never court her. Kahit gustuhin niya. Dahil sa utang na loob niya kay Chelsea ang anak ng bestfriend ng kanyang mommy, He sacrifies everything for her. Ibin...