Chapter 5

1K 120 14
                                    

Chapter 5

"Ate may bisita ka"

"Sino?" Kunot nuong tanong niya sa kanyang bunsong kapatid ng pumasok ito sa kanyang kwarto at sabihin nitong mayroon raw siyang bisita

"Si kuya Jinso"

Pakiramdam ni Magdalena tumalon agad ang kanyang puso pagkarinig palang niya sa pangalan ng binata

Naalala nanaman tuloy niya ang naging kaganapan kanina sa kanilang paaralan. Hinalikan siya nito sa loob ng isang madilim na classroom  at pinagsaluhan nila ang nakakabaliw na halik.

Pagkatapos ay nagagalit ito ng makita nitong kasa-kasama niya si Luis. Para bang nagseselos ito. Ngunit ng dumating lamang ang tunay na babaeng minamahal nito ay hinayaan nalang siya nitong sumama kay Luis

Nag-ngingitngit sa inis at selos ang kanyang puso dahil sa nangyari kanina.

"Ayoko siyang kausapin. Sabihin mo umuwi na siya" Kunot nuong utos niya sa kanyang kapatid bago niya pinagpatuloy ang pag suklay sa kanyang buhok sa harap ng salamin

"Ayaw ka daw niya kausapin kuya Jinso"

Napalingon agad si Magda kay Grey ng kausapin nito si Jinso na nakatayo na pala sa gilid ng pintuan ng kanyang kwarto. Nakatingin ito sakanya ng seryoso.

Nabitawan tuloy niya ang kanyang suklay at nalaglag iyon sa sahig.

"A-Anong ginagawa mo dito?!" Pagsusungit niya dahil naramdaman nanaman niya ang pag-sikdo ng kanyang puso

Napakagwapo kasi nito at halatang bagong ligo lamang. Nakasuot na ito ng pajama at plain tshirt nito. Nag-uumapaw talaga ang kagwapuhang taglay ng binata

"Sus si ate ang arte crush mo naman si kuya Jinso kunwari pa.." pailing-iling na sambit ng bunsong kapatid ni Magda bago ito lumabas ng kanyang kwarto at iwanan silang dalawa ni Jinso

Lalo tuloy dumoble ang kaba sa kanyang puso ng mapagsolo sila ni Jinso sa loob ng kwarto niya!

Ang pasaway na kapatid niya ay isinarado pa talaga ang pinto para makapag-usap silang dalawa

Lumapit si Jinso sakanya habang seryoso itong nakatingin sakanyang mukha. Para bang nagtatampo at naiinis ito sakanya base sa pagkakakunot ng nuo nito

Napa-atras tuloy siya ng kaunti dahil lumapit ito ng husto sa kinakatayuan niya.

"A-Ano ba? Ayokong makausap ka kaya umuwi kana--"

"Bakit ka nagpahatid sakanya?" Seryosong tanong ni Jinso habang nakatingin ito ng deretso sa kanyang mga mata

Nararamdaman niya ang pagtatampo sa tinig nito.

"B-Bakit masama ba?" Pagsusungit niya upang pag-takpan ang panginginig ng kanyang mga tuhod
 
Huminga ito ng malalim dahil sa isinagot niya. Mukhang mas nagtampo ito.

"Did he touch your hand? Did he kissed you--"

"A-Ano bang mga tanong yan? A-Ano namang paki-alam mo Jinso kung hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya--"

Lalo itong nagalit sa kanyang isinagot kaya mabilis nitong hinapit ang kanyang bewang upang parusahan siya ng isang mapang-angking halik sa kanyang labi!

Nanlaki ang kanyang mata dahil sa ginawa ni Jinso. Masarap iyon ngunit pumalag siya.

"A-Ano ba!" Itinulak niya ito kaya napahinto ito sa paghalik sakanya.

Nakakunot ang nuo nito na animo'y selos na selos sa mga oras na iyon

"Walang ibang pwedeng makalapit at humalik sayo kundi ako lang. Remember that" Seryosong sabi ni Jinso sakanya

Tumawa siya ng pagak dahil sa sinabi ni Jinso. Anong karapatan nitong sabihin iyon?

"Ano? At sino ka para diktahan ako? Magpapahalik ako kahit kanino ko gusto--"

Kumunot ang nuo nito at muli nanaman nitong hinapit ang kanyang bewang upang bigyan siya ng isang mapagparusang halik'

Nararamdaman niya ang pagseselos nito sa paraan ng paghalik nito sakanya

Muli niya itong itinulak kahit nasasarapan siya sa halik nito!

Hinihingal itong tumigil sa paghalik sakanya. Mukhang selos na selos na ito sa mga oras na iyon

"H-Hindi kita maintindihan Jinso! Bakit mo ba ako hinahalikan ng hinahalikan?! Gusto mo ba ako?! Diba sabi mo hindi mo ako gusto?!"

Tumingin lang ito sakanyang mga mata. Hindi niya mabasa ang emosyong tumatagos mula sa mga mata nito.

Ilang segundo itong hindi nagsalita kaya lalo siyang nasaktan.

"Dati binubully mo ako. Kung ano anong kalokohan ang ipinagkakalat mo tungkol sakin. Naging weird tuloy ako sa lahat ng school dahil sayo! Iniisip tuloy ng iba may kuto at putok ako sa kili-kili dahil sa mga sinasabi mo. Ngayon hahalikan mo ako kung kailan mo gusto? At pagbabawalan mo pa akong sumama sa ibang lalake? Wala kang karapatan sakin Jinso!"

Hindi na niya mapigilan ilabas ang galit at inis niya sa binata.

Pinakingan lang nito lahat ng sinabi niya ngunit wala itong kahit anong salita na sinabi. Nararamdaman niyang marami itong gustong sabihin sakanya ngunit pinili nalang nito manahimik

"Umalis kana Jinso. Huwag mo na rin sana akong hahalikan dahil hindi naman ako ang nobya mo. Bakit hindi nalang si Chelsea ang halikan mo--"

Naputol ang kanyang sasabihin ng bigla siyang yakapin ng mahigpit ni Jinso.

Natigilan siya dahil punong puno ng emosyon ang yakap na iyon.

"I don't know what to do.." Bulong ni Jinso sakanya habang yakap yakap siya nito

Napalunok siya. Hindi niya ito maunawaan!

Sinabi nito kay Chelsea na hindi siya gusto nito. Pero bakit pinararamdam nito palagi sakanya na may gusto ito sakanya? Anong ibig sabihin ng mga ganitong klaseng yakap nito??

"Gusto kitang yakapin. Gusto kitang halikan.. Gusto kitang kasama palagi... Baby i don't know really know what to do..."

Mas lalong humigpit ang yakap ni Jinso sakanya. Hindi na rin niya mapigilan yakapin ito. Gustong gusto na rin kasi niyang yakapin si Jinso. Hindi lang dahil sa napakabango nito at napakasarap yakapin ng maganda nitong pangangatawan kundi dahil gusto niya itong yakapin dahil may nararamdaman na siyang pag-ibig para dito

Oo pag-ibig...

Matagal na niyang nararamdaman iyon para kay Jinso. Lihim niya itong minamahal mula pa noon!

"M-Makipagbreak ka kay Chelsea kung iyan naman pala ang gusto mo" Lakas loob niyang sabi habang yakap yakap nila ang isat-isa

"I'I'm sorry but i can't.." Nahihirapang sagot ni Jinso sakanya na parang isang hiwa ng kutsilyo sa kanyang munting puso.

Napalunok siya at pinigilan niyang mapaiyak. Para kasing may munting karayom nanaman ang tumutusok sakanyang puso

Kumalas siya sa pagkakayakap nito sakanya at itinulak niya ito.

"K-Kung ganon huwag mo nakong guluhin Jinso" Bakas sa tono ng kanyang boses ang sakit at galit na kanyang nararamdaman

Hindi naman pala nito kayang makipaghiwalay kay Chelsea bakit pa siya nito gustong yakapin halikan at makasama palagi?!

Napansin niyang namula ng kaunti ang mga mata ni Jinso habang nakatingin sakanya

"Wait for me please--"

"Umalis kana!"

Napalunok si Jinso dahil sa galit na nakikita nito sa kanyang magandang mukha.

Huminga ito ng malalim bago ito tumalikod sakanya. Paglabas nito sakanyang kwarto ay parang nagpunit-punit na rin ang kanyang puso

Isa lang ang napatunayan niya sa gabing iyon. Mahal nito si Chelsea at ayaw nitong masaktan ang dalaga. Hindi nito kayang iwan ang nobya nito para sakanya.

Magdamag tuloy siyang umiyak ng gabing iyon. Napakasakit para sakanya na hindi piliin ni Jinso. Ang buong akala pa naman niya ay iiwanan na nito si Chelsea at siya na ang magiging nobya nito

Nagkamali siya.

Kinabukasan, Wala sanang ganang pumasok sa paaralan si Magda dahil sa nangyari kagabi. Ngunit may quiz sila sa isang major subject nila sa araw na iyon

"Hey! Mags!"

Napalingon si Magda ng tawagin siya ni Luis sa kabilang kanto. Nakasakay ito sa isang-motor bike

Nag bike ito palapit sakanya at napakaganda ng ngiti nito. Hinatid siya ni Luis kahapon sa kanilang bahay kaya marahil inabangan talaga siya nito sa may kanto
 
"Hi Mags! Good morning.. Tara isabay na kita pumasok sa school?" Nakangiting alok ni Luis sakanya na umangkas siya sa likod ng motorbike nito.

"H-Huwag na Luis gusto ko kasing maglakad--"

"Five minutes nalang late kana sa class natin"

Agad naman siyang napatingin sa kanyang relo. Sa sobrang bagal niyang maglakad kanina at nag-eemote pa siya ay muntik pa tuloy siyang malate sa paaralan nila!

"Oh no! Sige sabay nako sayo!" Nagmadali siyang umangkas sa likod ng motorbike ni Luis.

"Kumapit ka sa bewang ko kasi bibilisan ko na ang pagpapatakbo.."

"O-Okay" Naiilang niyang sabi bago niya pinulupot ang kanyang kamay sa bewang ni Luis

Napangiti ito at nagsimula ng magmaneho
 
Pagdating nila sa parking lot ng kanilang paaralan ay sakto namang napatingin si Magdalena sa gawi ng kanilang classroom dahil pakiramdam niya may nakatingin sakanilang dalawa ni Luis sa mga oras na iyon

Hindi nga siya nagkamali!

Nakatayo si Jinso sa tapat ng kanilang classroom habang masamang masama ang tingin nito sakanilang dalawa!

Kinilabutan siya at pakiramdam tuloy niya ay nahuli siya ng nobyo niyang may kasamang iba!

Agad niyang tinangal ang pagkakayakap niya sa bewang ni Luis.

"S-Salamat sa ride" Pasasalamat nalang niya kay Luis bago siya inalalayan niton bumaba sa motorbike nito.
 
Natukso siyang tumingin muli sa kinakatayuan ni Jinso ngunit wala na ito doon

"Let's go?" Untag sakanya ni Luis dahil napatulala siya sa kinakatayuan ni Jinso kanina

"S-Sige" Ngumiti siya ng pilit at sabay silang pumasok sa kanilang classroom

Marami agad sa mga kaklase nila ang nagbulong bulungan pagkapasok nila doon.

Napalunok siya dahil masamang masama ang tingin ni Jinso sakanilang dalawa ni Luis. Para bang gusto na nitong suntokin si Luis sa mga oras na iyon

"Dito kana maupo Luis lilipat nalang ako" Nakangiting sabi ni Janice. Mukhang babaliktan na ito ng loveteam na susuportahan. Mukhang gusto na nitong suportahan ang love team nilang dalawa ni Luis kaysa kay Jinso.

Alam na kasi ni Janice ang mga naganap sakanilang dalawa ni Jinso dahil naikwento na niya dito ang mga nangyari

Nagagalit rin ito kay Jinso dahil parang ginagawa raw siyang reserba lamang nito

Nakangiti naman si Luis kay Janice dahil sa pagbibigay nito ng upuan kay Luis

Sabay silang umupo ni Luis at magkatabi pa sila. Lalo naman nag-ngingitnit sa selos si Jinso sa mga oras na iyon.

Napatingin ang lahat kay Jinso ng tumayo ito at lumabas ng classroom. Bago kasi ito tuluyan lumabas ng classroom nila ay sinipa pa nito ng malakas ang isang basuran sa sobrang inis nito!

Is he jealous???!!!

Nagseselos ba ito sakanila ni Luis???

Hindi naman pwedeng dalawa silang maging nobya nito??!

SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon