Chapter 35

960 103 10
                                    

Chapter 35

Nakarami ng nainom na alcohol drink si Magdalena kaya naman mayat'maya siyang naiihi.

Pangatlong beses na niya itong magbawas kaya naiinis na siya sa kanyang sarili. Bakit ba kasi siya hindi malasing-lasing? Kanina niya pa gustong magpakalasing! Imbis na malasing siya ay naiihi lamang siya kahit kaunting pagkahilo ay wala man lang siyang maramdaman

Kanina pa niya gustong umuwi ngunit ayaw pang umuwi ni Janice at Davin. Nagpapakalasing rin si Davin katulad niya. Samantalang nakahanap yata ng first love si Janice sa isa sa mga bisita ni Chelsea kaya naman busing-busy itong makipag-usap sa isang british-pinoy guy na nakilala nito

Akmang lalabas na siya ng cubicle nang mapahinto siya dahil may dalawang babae ang nag-uusap sa harap ng salamin. Mga bisita rin ito ngayong gabi sa birthday party ni Chelsea.

"I think mas lalong yayabang si Chelsea niyan" Sambit ng isang babae

"You're right. Girlfriend pa nga lang siya ni Jinso ay akala mo kung sino na siyang prinsesa. Lalo pa ngayon kung magiging fiancé siya nito"

Napakunot ang nuo ni Magdalena sa kanyang narinig.

"Hindi ko nakitang suot ni Chelsea ang biniling emerald necklace ni Jinso sakanya. Baka ibibigay rin sakanya mamaya kasabay ng diamond engagement ring"

"I can't believe it. Talaga bang si Jinso ang nakita mo kanina sa diamond shop? Baka nagkakamali ka?"

"Anong kala mo sakin bulag? 20-20 pa ang vision ng mata ko. At si Jinso lang naman ang pinakagwapo sa campus natin kaya impossibleng magkamali ako. Siya talaga yung nakita ko kaninang umaga sa diamond shop na bumibili ng diamond engagement ring."
 
Napatakip si Magdalena sa kanyang bibig

Ibig bang sabihin ay plano ni Jinso na mag-propose kay Chelsea ngayong birthday nito?

Nakaramdam siya ng matinding kirot sa kanyang puso. Bakit pa siya pinaasa ni Jinso noon? Bakit pa nito ipinaramdam sakanya na mahal rin siya nito?

Bakit siya naniwalang mahal siya nito?!

Malinaw naman na si Chelsea talaga ang mahal nito lalo pa't sampung taon na ang relasyon ng mga ito. Mula bata pa sila ay magkarelasyon na ang dalawa. Baka tumikhim lang ng iba si Jinso dahil nagsasawa na ito kay Chelsea at siya ang malas na babaeng tinikman nito?

"She's so lucky. I envy her. Sobrang hot ni Jinso my gosh napakaswerte naman ng babaeng yan"

"Kaya nga eh. Sa tingin ko mas lalo siyang yayabang. She don't deserve to be love sa ugali niyang iyon?"

Narinig niyang lumabas na ang dalawang babae sa restroom habang patuloy parin na nag-uusap. Hindi ba nahihiya ang mga ito na mag-usap ng ganoon sa mismong birthday party ng taong pinag-uusapan ng mga ito?

Ganito na ba talaga kakapal ng mukha ang ibang tao mapag-usapan lang ang taong nais nilang pag-usapan?

Napa-iyak nalamang si Magdalena sa loob ng cubicle. Ngunit napatigil ang pag hikbi niya ng marinig niya ang boses ni Chelsea sa katabing cubicle niya.

"Get out there. Huwag kang umiyak diyan"

Naroon rin pala ito! Marahil narinig rin nito ang mga pinagsasabi ng dalawang babae kanina

Lumabas ito sa kabilang cubicle at nakita niya ang mamahalin nitong glass sandals na nasa harap ng pintuan ng cubicle. Nakatayo na ito sa tapat ng cubicle door kung saan naroon siya

Nagpahid siya ng kanyang mga luha at napatigil sa paghikbi. Mas lalo siyang nahiyang lumabas ng cubicle dahil naroon si Chelsea sa tapat ng kanyang pinto

"H-Hindi ako umiiyak--"

"Alam kong may relasyon kayong dalawa ni Jinso" Panimula ni Chelsea na nagpatigil sa kanyang pagsasalita

Paano nito nalaman iyon?

"He gave the emerald necklace to you right?"

Napalunok siya.

Ito na siguro ang panahon para itama niya ang lihim nilang relasyon ni Jinso. Ito na rin siguro ang pagkakataon na makahingi siya ng tawad kay Chelsea sa mga pagkakamali niya

Kahit kinakabahan siya ay nilakasan niya parin ang kanyang loob na harapin ito. She opened the door slowly.

Nakayuko siya dahil hindi niya kayang tignan ang mga mata ni Chelsea. Nakokonsensya at nahihiya siya sa kanilang ginawang pagtataksil ni Jinso para dito

"I-I'm sorry. Alam kong mali ang relasyon namin ni Jinso. Sorry kung nagawa ko yun. Mahal ko lang talaga siya kaya ko nagawa yun Chelsea. Patawarin mo sana kaming dalawa. Hindi ko intensyon na saktan ka. Patawarin mo ako kung hindi ko manlang naisip na may niloloko kaming isang katulad mo. Heto na nga yata ang karma ko kasi ang sakit sakit. Sobrang sakit Chelsea. Mahal na mahal ko si Jinso noon pa man. Noong bata pa tayo. Naiingit ako dahil mag best friends kayong dalawa. Hindi ko akalain na selos pala ang nararamdaman kong iyon dahil sa mura kong edad napamahal na ako kay Jinso. Mahal na mahal ko siya Chelsea kaya ko nagawa iyon.." Umiiyak siya habang sinasabi ang mga iyon kay Chelsea

Nakatingin lang ito sakanya habang nakayuko siya. Hindi ito nagsasalita kaya naman muli siyang nang-hingi ng tawad dito.

Kinuha niya mula sa kanyang bag ang emerald necklace na ibinigay ni Jinso sakanya at inilahad niya iyon kay Chelsea

"I-Ito yung emerald necklace na ibinigay sakin ni Jinso kahapon. Sa tingin ko para saiyo talaga ito dahil hindi ko deserve bigyan ng ganito. Hindi ako ang tunay na girlfriend ni Jinso at hindi ako ang pipiliin niya. Hindi niya ako kayang panindigan dahil ikaw talaga siguro ang mahal niya. Napakatanga ko para umasa na mahal rin ako ni Jinso. Patawarin mo sana ako Chelsea."

Kinuha nito ang emerald necklace mula sakanya. Bumuntong hininga ito habang iyak siya ng iyak sa harap nito.

Inaasahan niyang magagalit ito at maari siya nitong pagsasampalin sa galit nito ngunit nanatili itong kalmado

"Just don't go home early. I want you to finish the night"

Napaiyak siya lalo ng lumabas na ng restroom si Chelsea.  Napansin niyang pa-ika ika itong maglakad na para bang nahihirapan maglakad ngunit binalewala niya lamang iyon. Hindi nga ito nagalit sakanya pero mukhang nais nitong ipanuod pa sakanya ang nalalapit na proposal ni Jinso para dito

Sampung minuto rin siyang umiiyak doon ngunit ng may tatlong babae ang pumasok sa loob ng restroom ay pinigilan na niya ang kanyang sarili sa pag-iyak

Napapatingin kasi ang mga ito sakanya ngunit hindi naman nagtanong ang mga ito.

Nag-retouch nalang siya ng kaunting press powder dahil nabura na ang eyemakeup niya dahil sa kanyang pag-iyak

Pagkalabas niya ng restroom ay muli siyang bumalik sa pwesto nila. Naroon parin si Janice habang masaya itong nakikipag-usap sa isang lalakeng gwapo rin.

Pag-upo niya sa kanilang table ay natanaw niya si Jinso sa di kalayuan. Nakatingin ito sakanya at parang gusto siyang lapitan. Ngunit sinimangutan niya lang ito.

May kung ano kasi sa tingin nito na para bang nais nitong pawiin ang lungkot sa kanyang mga mata.

Paano nito magagawa iyon eh ito nga ang dahilan kung bakit namumugto ang kanyang mga mata

Samantalang nagtilian naman ang tatlong babae pagkalabas ni Magdalena ng restroom dahil biglang lumabas si Davin sa cubicle kung saan naroon kanina si Chelsea

Nag-quick sex pala ang dalawa sa loob ng banyo na iyon sa sobrang selos ni Davin ay di niya napigilan kumprontahin si Chelsea ngunit hinila lamang ng dalaga si Davin sa loob ng restroom at doon nga ay may nangyari sa dalawa. Nagulat pa si Davin dahil birhen pa pala ito kaya naman mas lalong lumalim ang pagtingin ni Davin para kay Chelsea.

Natigil lamang ang pagsesex ang dalawa ng pumasok si Magdalena kanina sa loob ng restroom. Nagbihis agad silang dalawa dahil baka makita sila nitong nakahubad. Balak pa sanang mag-round two agad ni Davin kay Chelsea dahil hindi niya mapigilan ang matinding init ng katawan kahit kakatapos lamang ng kanilang wild sex. Hangang sa marinig nga nila ang dalawang babaeng pinag-uusapan ang proposal ni Jinso para kay Chelsea sa gabing iyon

"Sorry girls. Maling restroom pala to" Palusot ni Davin sa tatlong babae.

Napatulala naman ang mga ito sa kagwapuhan ni Davin at hindi na nakapagsalita pa. Hinintay lang talaga ni Davin na umalis si Magdalena sa restroom.

Wala pang ilang minuto ay muling bumalik si Davin sa kanilang table. Magulo ang buhok nito at wala na sa ayos ang tuxedo na suot nito medyo nagusot pa nga iyon

"Saan ka galing kuya Davin?" Tanong agad ni Janice dahil napansin rin nito ang pagkawala ni Davin ng halos trenta minuto
 
"S-Sa restroom sumakit tiyan ko eh" Pagsisinungaling ni Davin habang inaayos nito ang sariling buhok. Uminom rin agad ito ng isang basong beer at hindi makatingin sa kanilang dalawa

"Ah kaya pala para kang ginahasa eh" Sambit ni Janice na nakapag-pabuga ng beer kay Davin
 
Napatili si Janice dahil sa mismong mukha ito nabugahan ng pinsan nito

"Kuya!!!"

"Ayy!" Napatili rin si Magdalena dahil kitang kita niya ang pagkakabugha ni Davin sa mukha ni Janice

Napahiya tuloy ito sa british-pinoy friend nitong kanina pa nakikipaglandian kay Janice

"I'm sorry kung ano ano kasing sinasabi mo eh" Natatawang sabi naman ni Davin habang tinutulungan nitong magpunas ng sariling mukha si Janice

 

SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon