Prologue

2.2K 35 3
                                    

This is my second story. Hope you'll like it. Don't forget to Follow, Vote and Comment

For any comments, suggestions and corrections about the story I will appreciate it more.

________________________________________________________________________________

Isang malakas na kulog kasunod ang matalas na kidlat ang nagliwanag sa kalangitan ang nagpagising sa aking mahimbing na pagtulog. Naupo ako ako sa aking kama at kinusot ang aking mata dahil sa may kalabuan pa ang aking nakikita.

Maya maya lang ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Agad akong pumatong sa silya na malapit sa bintana upang makita ang labas ng aming bahay. Masyado pa kasi akong maliit kaya hindi ko matanaw ang labas ng bahay kong hindi ako gagamit ng silya.

Mula dito sa bintana at tanaw ko ang mangilan ngilang sasakyan na dumadaan. Pero ang mas nakakuha ng atensiyon ko ay ng dumating ang tatlong itim na kotse at tumigil sa harap ng aming bahay. Lumabas ang maraming lalaki na nakasuot ng itim na damit.

Pinagmasdan ko lang ang kanilang kilos ng biglang may kumatok sa pinto. Dahil sa lakas ng katok, nagulat ako at nalaglag sa silya. Napadaing ako dahil sa sakit ng aking likuran. Patuloy pa din ang katok sa pinto. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Anak, Carl, buksan mo ang pinto. Mama mo to" tawag niya mula sa labas. Hindi ko mawari pero parang natataranta siya at basag ang boses. Ngayon lang naging ganito si Mama sa pagkatok sa aking pintuan dahil malumanay at malambing siya tuwing may kailangan sakin.

Kahit masakit ang aking likuran, tumayo ako at paika-ikang naglakad papunta sa pintuan. Binuksan ko naman ito at nakita ko nga si Mama sa aking harap. Tumingala ako at nakita ko siyang pinupunasan ang mga luha niya.

"Mama bakit po kayo umiiyak?" takang tanong ko sa kaniya.

"Hindi ako umiiyak anak, napuwing lang ako." Sambit niya sakin at ngumiti. Lumuhod siya sa harap ko at inayos ang buhok ko. "May pupuntahan muna tayo anak." Pahabol nito sakin.

Bilang isang bata at matanong, tinanong ko siya kong bakit kami aalis ng bahay gayong ang lakas ng ulan at kidlat sa labas.

"Pero Mama ang lakas po ng ulan sa labas. Baka po tayo pagilatan ni Papa, alam mo naman po na ayaw niya na nagkakasakit tayo" wika ko sa kaniya.

Nakita ko naman na napaiwas siya ng tingin saglit at unti-unti ko na naman nakita ang mga luha niya na naglalakbay sa kaniyang mga pisngi. Humarap siya sakin at ngumiti.

"Nasa baba na ang Papa mo at nakapag paalam na ako. Halika ka na anak" sambit nito sakin.

Kahit nagtataka sumama naman ako sa kaniya papunta sa unang palapag ng aming bahay. Pagbaba namin nakita ko ang isang bag. Naabutan ko din na nakasilip si Papa sa bintana at tila may tinitingnan. Hindi lang siya sa isang bintana tumitingin kundi palipat lipat siya.

Patay na din ang mga ilaw dahil habang pababa pa lang kami ni Mama ng mawalan ng kuryente. Ang ilaw na lang mula sa street light ang nagbibigay liwanag sa amin. Lumapit si Papa samin at hinawakan ang kamay namin ni Mama.

"Nakapalibot na sila sa ating bahay. Hindi na kayo makakaalis. Sa basement na lang kayo magtago." Sambit niya kay Mama.

"Papa ano po ba ang nangyayari?" inosente kong tanong sa kaniya.

Nagkatinginan naman sila ni Mama na ngayon ay patuloy pa din sa pag iyak. Lumuhod si Papa sa harap ko at malumanay na hinawakan ang pisngi ko.

"Kahit anong mangyari, aalagaan mo ang Mama mo. Maging matapang at matatag ka. Mahal na mahal kayo ni Papa" sambit niya at nakita ako din ang masaganang luha na naglalakbay papunta sa kaniyang mga pisngi.

Dangerous Love [BoyxBoy]Where stories live. Discover now