Chapter 15

522 10 0
                                    

TRIXIE POV

Andito kami ngayon sa cafeteria kasama ang buong grupo, kakabalik lang namin sa school mula sa aming mga misyon.

"Chino, masakit pa ba ang braso mo?" tanong ni Trev dito.

Natamaan kasi siya ng bala ng baril matapos magkaroon ng engkwentro sa aming misyon. Hindi namin alam na may mga pulis palang nakamanman sa aming transaksiyon.

Minsan nagkakasama sama kami kapag malaki at mahalaga ang misyon. Mabuti na lang at naging matagumpay ito. Kung hindi katakot takot na parusa ang matatanggap namin.

"Ayos lang ako bro, mababaw lang to. Salamat nga pala sa pagtulong sakin" sagot naman ni Chino.

Andun din ako ng oras na yun mabuti na lang nakita agad ni Trev na merong babaril kay Chino kaya napaputukan niya agad ito. Kahit hindi kami in good terms ni Trev, alam ko naman na mabait siya.

"By the way Trixie, where's Carl? Matagal na natin siyang hindi nakakasama" tanong ni Nate sakin.

"Meron siyang klase ngayon according to Trina, hindi kasi nagrereply si Carl sa message ko. Papunta daw silang lumang building" sagot ko naman dito.

Napatingin naman agad saakin si Kuya, pero saglit lang. I'm actually starting to investigate, ano ba ang pakay ni kuya kay Carl. And based from his reaction I feel na meron.

Kahit magkapatid kami ni kuya mahirap talagang basahin ang kaniyang iniisip pero alam kong meron siyang tinatago.

Maya maya lang ay biglang lumindol, na alarma naman ang mga tao sa cafeteria, samantalang itong mga kasama ko ay unti-unting tumayo at naglakad palabas ng cafeteria.

Malakas na ang paglindol dahil marami sa mga gamit ng school ang nababasag at naglalaglagan. Tiningnan ko naman ang aking mga kasama andito rin lang sila sa labas pero napansin kong wala si kuya.

Naalala kong nasa lumang building si Carl, agad din akong pumunta dun, maraming mga estudyante ang ang nakaharang sa daan kaya natagalan ako bago makapunta sa lumang building.

Pagkadating ko dun tumigil na ang lindol. Maarami sa mga estudyante ang nasa labas. Meron na ding rescuers at ambulance dito sa labas ng building.

"Sino ang kulang sa inyong klase" dinig kong tanong ng kanilang professor

"Si Carl po sir, naiwan po namin siya sa kanina" sagot ng babaeng classmate siguro ni Carl.

Maya maya lang ay nakita ko si Kuya, buhat buhat ang walang malay na si Carl. Nakita ko pang may dugo si kuya sa kaniyang noo pero yun ay kaniyang iniinda.

Nagmadali naman lumapit ang rescuers at hiniga si Carl at pinasok sa ambulance. May medics din na lumapit kay kuya pero tumanggi siya at may binulong sa taong lumapit sa kaniya.

Umalis ang ambulance, at umalis na din si Kiya pero sinundan ko siya.

Dumiretso siya sa office ni Dad, pero wala si Dad dito dahil meron siyang transaction abroad.

"Kuya" tawag ko sa kaniya habang pinupunasan ang kaniyang sugat. Ng tawagin ko siya ay tumingin lang siya sakin pero walang imik.

"Nakita ko ang motor mo sa tapat ng bahay ni Carl, anong ibig sabihin nito?" takang tanong ko sa kaniya.

"Is he part of your new mission? Anong pakay mo sa kaniya?" pahabol ko pang tanong.

Tumigil naman siya sa pagpunas ng kaniyang sugat. At napatingin sakin.

"He's not part of my mission." Maikling sagot nito sakin.

"then, anong kailangan pakay mo sa kaniya?" tanong kong muli ng may pagtataka

Napaisip ako, kung hindi siya bahagi ng misyon ni kuya. Siya ba ang naghatid kay Carl nung party? May gusto ba si kuya kay Carl?

Napanganga naman ako sa iniisip ko. OMG, sino nga ba naman ang hindi magkakagusto kay Carl. Dahil sa kaniyang kacute-an.

"Stop your crazy mind, Trixie. It's not what you think" depensa nito.

"Then what? Be honest to me kuya. May gusto ka ba kay Carl?" pagkompronta ko sa kaniya.

Nakita ko naman ang galit na mukha ni kuya.

"stop talking nonsense" sagot nito sakin na tila naiirita.

Napangisi naman ako dahil huling huli na tumatanggi pa.

"So anong ginagawa mo sa bahay lugar nina Carl at kelan ka pa dun?" pangungulit ko pa dito.

"I want to supervise the construction of our new building" sagot nito. May point naman siya pero alam kong may something pa.

"okay, sabi me eh." Pero syempre I will not stop looking for answers.

Isang matamis na ngiti ang iniwan ko sa kaniga at umalis.

------------------------------------------

CARL POV

Nagising ako dahil sa ingay na aking napapakinggan sa aking tabi. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Nakita ko rito si mama na umiiyak.

"Ma.....ma" mahinang tawag ko sa kaniya pero sapat na para mapakinggan niya.

Bakit pakiramdam ko nanghihina ako ngayon.

"Mabuti naman at gising ka na anak, jusko labis mo akong pinag alala" wika ni mama sabay yakap sakin at patuloy pa rin ang pagtulo ng kaniyang luha.

Niyakap ko din naman siya. Nakakaramdam ako ng lungkot dahil sa kaniyang pag-aalala. Ngayon ko lang muli nakita si mama na ganito. Alam ko na natatakot siya sa nangyari sakin.

"Okay lang po ako mama, andito po ako. Huwag na po kayong mag-alala" sambit ko sa kaniya para gumaan ang pakiramdam niya.

Umalis siya sa pagkakayakap at umupo muki sa aking tabi.

"Pinag-alala mo akong sobra anak. Labis ang aking takot na nararamdaman ng tumawag sakin ang school niyo" wika ni mama.

Pansin ko nga ang kaniyang mata na magang maga na dahil sa kakaiyak. Pati ako ay naiiyak din dahil ayaw na ayaw kong siya ay makaramdam ng ganito.

"Huwag na po kayong mag-alala mama, andito na po ako. Aksidente po ang nangyari." Sambit ko sa kaniya

"Kamusta na ang pakiramdam mo? May masakita ba sa iyo?" pag-aalalang tanong ni mama.

"Ayos lang po ako Ma, huwag na po kayong mag-alala." Paniniguro ko sa kaniya.

Napangiti naman siya. Naalala kong muli ang nangyari , akala ko katapusan ko na iyon.

Naalala ko si Xander, hindi ako sigurado pero alam kong si Xander ang tumulong sakin.

"Ma, sino pong nagdala sakin dito sa hospital?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko alam anak, kasi dito na ako pinadiretso ng school niyo pagkatawag nila sakin." Sagot niya sakin.

Napatango na lang ako sa sinabi ni mama. Kailangan kong kumpirmahin kung si Xander nga ba ang tumulong sakin para makapag pasalamat naman ako sa kaniya.

Ilang oras manatili sa ospital ay nadischarge na din ako at dumiretso na sa bahay.


FOLLOW! VOTE! COMMENT!

:)


Dangerous Love [BoyxBoy]Where stories live. Discover now