Chapter 21

457 10 0
                                    

Xander POV

We're here in our villa in Tagaytay. Napakapark na yung kotse ko pero hindi pa rin ako bumaba. Andito na rin ang sasakyan ni Trixie pero mukhang hindi nila namalayan ang pagdating namin.

I keep my eyes on this lovely guy in my side. Napangiti naman ako sa nangyari kanina. I just saw how his face turned to red. I almost loss my control earlier. Damn. Those red lips of him invites me to kiss him.

At ngayon nakatitig pa rin ako sa napakaamo niyang mukha. Hindi lang maamo, because his too beautiful for a man. I just can't compare him to other girls. He's extraordinary and special.

Lumapit ako sa pwesto niya at hinawakan ko yung pisngi niya. Too soft and skinny. Napababa naman ang tingin ko sa lips niyang parang iniimbita na naman ako para halikan. My heart just beat so fast.

I think his lips taste so sweet? Bago pa ako mawala sa katinuan. Napansin kong unti unti ng nagmumulat ang kaniyang mga mata. Fuck.. muntik pa akong mahuli sa ginagawa ko sa kaniya. He might be turn off if he woke up and saw me kissing him.

"Andito na ba tayo?" tanong niya habang kinukusot ang kaniyang mga mata. He's too cute.

"Yeah" tipid kong sagot sa kaniya. I just love watching him. Hindi nakakasawa.

"Naku sorry Xander napahaba ata ang tulog ko, dapat ginising mo ako" nahihiyang sambit niya.

"It's okay. I lo......"

"Andyan na pala sila besshyy Xander. Halika ka baba na tayo" mabilis na singit niya sakin.

Mabuti na lang di ko natuloy. I was about to tell him that I love staring at his beautiful face.

CARL POV

Andito na kami sa Luciano's Villa. Sobrang ganda ng lugar na ito. Kasi tanaw na tanaw mo dito ang Taal Volcano.

Yung house nga pala nila dito ay medyo maliliit lang at merong 1 kwarto. Actually maganda siyang tingnan napaka elegante kasi made of woods ang dingding.

Napakaraming pine tress sa paligid ng villa na ito. Meron din silang isang malaking pool at tree house.

"Kamusta ang biyahe niyo Carl?" tanong ni Topher ng makababa kami ng kotse.

Naaalala ko na naman yung kahiyahiyang moment kanina. Tumataas na naman ata ang dugo ko sa pisngi.

"Ayos ka lang ba Carl, ang pula ng face mo" usisa ni madam Nate. Jusko napansin nga nila.

"A-ayos lang ako" sagot ko

"Sure ka besshy?" Paniguro ni Trixie.

"Yes beshhy" sagot ko sa kaniya

"Para sa room niyo beshiee, since last kayong dumating. Kayo na ni Kuya ang magkasama sa room" sambit niya sakin na talaga naman nagpagulat sakin.

"Huh? Ba-bakit? Hi-hindi ba pwedeng magkakasama tayong lahat sa kwarto?" nauutal kong tanong sa kaniya.

Gosh... paano ko papakalmahin ang puso ko kung lagi na lang akong malapit sa kaniya. Baka hindi ko na mapigilan na mapaamin sa kaniya.

"Kasi beshiee, magkasama sa room si Nate at Topher, si Chino at Trev, ako sana beshy gusto kita makasama sa room kaso medyo strict yung parents ng nililigawan ni Chino at parating yun mamaya kaya siya ang makakasama ko sa room. Sorry besshy" malungkot na sambit niya sakin.

"A-ano ka ba okay lang yun." Nakangiting sagot ko sa kaniya kahit ang totoo ay kinakabahan talaga ako.

"Sige na beshhy, dalhin niyo na gamit niyo sa room niyo at ng tayo ay makakain na muna." Sambit sakin ni Trixie.

Lumakad naman na sila papunta dito sa malaking hall kung saan nandon ang dining.

"I'll bring your things. Alam kong pagod ka sa biyahe" wika ni Xander.

"Naku, ayos lang, ako na. Nakakahiya alam kong mas pagod ka sa pagdrive kanina" sagot ko sa kaniya ng may ngiti.

Bakit ba napaka gentleman ng lalaking to? Samantalang dati hindi naman siya ganun masalitain. Bihirang bihira mo siya makausap ng maayos kasi para siyang laging galit at napaka cold.

"Ayos lang ako tsaka ayaw kong mahirapan ka habang nagbabakasyon tayo dito." Wika niya sakin. Dapat na ba akong kiligin? Syempre sino ba namang hindi kikiligin sa mga ginagawa niya.

"Si-sige.. Thank you" sagot ko sa kaniya ng may nahihiyang ngiti.

Pumunta kami sa room at pagpasok namin. Napanganga na lang ako. Hindu dahil sa oangit ang room. Kundi iisa lang ang kama, wala rin namang sofa dito.

"Don't worry, sa floor na lang ako matutulog if you're not comfortable" sambit niya ng mapansin na nakatingin ako sa kama.

Agad naman akong natauhan. Siya yung may-ari tas siya pa hihiga sa sahig.

"Ako na sa sahig Xander, ikaw na sa kama" pagkontra ko sa kaniya. Bigla naman napataas ang kilay niya.

"No, ako sa sahig kasi ikaw ang bisita" pilit nito sakin.

"Hindi, okay lang talaga na sa sahig ako. Sanay naman ako matulog kahit saan" sagot ko pa sa kaniya.

Bigla naman siyang tumahimik at biglang nahing seryoso. Kinabahan naman ako bigla. Yung awra niya dati ay ngayon nakikita kong muli.

"Sa kama ka ,at sa sahig ako. That's final Carl" sambit niya sakin. Pero hindi naman tama yun. Nakakahiya. Kahit kinakabahan ako sa kaniyang awra ngayon ay sumagot pa din ako sa kaniya.

"Ganito na lang Xander, sa kama na lang tayo pareho. Medyo malaki naman yung kama, kasya naman siguro tayo." Suhestiyon ko sa kaniya. Tumango naman siya at tumalikod.

Pero bago pa siya tuluyang makatalikod nakita ko naman na ngumiti siya. Nakita ko ba talaga siyang ngumiti or guni guni ko lang yun?

Inayos ko na yung gamit ko at nilagay iyon sa cabinet. Sabay kaming lumabas ni Xander at dumiretso sa dining hall. At nakahanda na ang mga pagkain.

"Let's take a rest muna after natin maglunch since alam kong pagod lahat sa biyahe. Then at night let's have a pool party." Masayang sambit ni Madam Nate.

Sumang ayon naman kaming lahat at halatang excited ang mga kasama ko sa party mamayang gabi.

"Ba-, Carl you can take your rest. I'll just do some work" wika ni Xander ng matapos kaming kumain.

Bumalik naman ako sa aming room. Hays ang lambot ng kama. Napahiga ako napatitig sa kisame. Mabuti na lang at wala si Xander dito makakapahinga ako ng maayos. Sana makayanan kong makontrol itong nararamdaman ko. May chance ba na gusto rin ako ni Xander? Kung hindi ko mapigilang umamin at hindi maganda ang kahinatnan kaya ko ba? Yung mga pinapakita ba niya sakin sign ba yun na may pagasa na magustuhan niya rin ako?

Sa pagiisip ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Nagising na lang ako ng maramdaman kong parang medyo matigas yung unan kong hinahandayan. Wala naman akong ibang unan kanina?

Pagtingin ko sa tabi, andito si Xander natutulog at medyo humihilik pa. At ako naman ay nakayakap sa kaniya at ang hita ko ay nakapatong sa kaniyang hita.

Mygulay, anong ginagawa ko? Kelan pa napunta si Xander dito sa tabi ko? At bakit ako nakayakap? Mabuti na lang at tulog yung tao kung hindi baka kung ano ang isipin niya. Unti unti kong inalis ang kamay ko sa dibdib niya at ang hita ko. Sana huwag magising.

Tumayo ako ng tahimik sa kama at tiningnan ang orasan. 6:30 pm na pala. Napabuntong hininga na lang ako ng dahil sa nangyari.

FOLLOW! VOTE! COMMENT!

:)

Dangerous Love [BoyxBoy]Where stories live. Discover now