Chapter 25

455 14 0
                                    

CARL POV

Back to school na ulit kami ngayon kaya maaga akong nagising. 

"Good morning Ma" masayang bati ko sa kaniya at naupo sa mesa at nagsimulang kumain.

"Morning nak, bakit kaya wala si Xander ngayong breakfast?" takang tanong sakin ni Mama.

Alam na nga pala ni Mama na nanliligaw sakin si Xander. Nagpaalam na pala ito sa kaniya bago pa kami pumuntang Tagaytay. Sumangayon naman daw si Mama dito dahil alam niya naman daw na mapapagkatiwalaan si Xander at nangako ito na iingatan ako.

"Sa mansiyon siya umuwi kahapon Ma, pagkahatid sakin. Pero dadaanan naman daw niya ako ngayong umaga." sagot ko naman kay Mama

"Alam mo nak, alam ko mabait si Xander kaya sa tingin ko di ko pagsisihan ang pagsang-ayon sa kaniya. At deserve mo rin naman maranasan yang pagmamahal." sambit ni mama.

Napangiti naman ako sa kaniyang winika dahil parang nararamdaman ni Mama na mapapagkatiwalaan talaga si Xander.

"Ano po ba ang nararanasan pag-nagmamahal Ma? Tulad niyo ni Papa?" tanong ko sa kaniya. Ngayon lang ako naging interisado na alamin kung ano bang meron sa pagmamahal.

"Alam mo nak, masarap magmahal, tulad ng pagmamahal ng papa mo sakin. Lagi kang nakangiti, magaan sa pakiramdam, may taong kayang umalalay sayo tuwing meron kang problema." nakangiting sambit ni Mama na tila inaalala ang masasayang nakaraan na kasama si Papa.

"Pero Ma, hindi naman laging masaya ang pagmamahal diba? Kagaya ng mga napapanuod natin sa mga teleserye?" sunod kong tanong sa kaniya

"Oo nak, hindi naman laging masaya meron ding mga dumadating na problema tulad ng hindi pagkakaunawaan, tampuhan at selos" seryosong sagot sakin ni Mama. 

"Paano ko yun haharapin Ma kung sakaling dumating kami sa ganun?" dahil hindi ko talaga alam ang magiging solusyon sa ganung klase ng mga sitwasyon.

Hinawakan ni Mama ang kamay ko at ngumiti.

"Maayos na pag-uusap anak, yun ang kailangan. Dapat pag-usapan niyo lagi ang problema at magkaroon lagi ng tiwala sa isa't isa" nakangiting wika nito sakin.

"Salamat Ma" nakangiti kong sambit sa kaniya.

Maya-maya pa ay may bumusina na sa labas ng bahay kaya nagmadali na akong nag-ayos ng gamit. Nagpaalam na din ako kay Mama at paglabas ko nga ay nakita ko si Xander sa kaniyang motor.

"Morning baby" nakangiting bati nito sakin na nakapagpapula ng aking pisngi.

Hindi pa rin ako sanay na tinatawag ng ganun at makita siyang nakangiti. Pero masaya ako sa kung ano siya ngayon.

"Morning Daddy" pabulong kong bati sa kaniya. Dahil nahihiya ako at si Mama ay nasa pinto lang na nag-iintay kaming umalis.

"Paki-ulit nga di ko marinig" sambit nito sakin. Hindi ko alam kung niloloko lang ako o hindi.

"Morning Daddy" medyo malakas na bati ko sa kaniya. Nakita ko naman siyang nagthumbs-up kay Mama at ganun din si Mama. At mukhang pinagkaisahan pa nga ako ng dalawa.

Sumakay na din ako sa motor niya at syempre nakayakap sa kaniya para hindi mahulog. Dahil dito mukhang hindi ako sa motor mahuhulog kundi sa driver ng motor na to.

Akala ko titigil na kami sa dati kong binababaan pagsinasabay niya ako pero nagtaka ako dahil tuloy-tuloy siya sa pagpasok sa malaking gate ng school. Kaya ang ilang mga estudyante ay napapatingin samin. Mabuti na lang at may helmet ako.

"Xander, you don't have to do this." pagkababa ko sa motor.

"Alin? Yung paghatid ko sayo hanggang dito sa loob ng school?" tanong nito sakin

"Yes. Alam mong maraming makakakita. Ayaw ko lang na may masabi silang hindi maganda sayo" paliwanag ko sa kaniya.

"Ayaw mo bang malaman nila ang namamagitan satin?" tanong niya sakin

"Hindi naman sa ganun. Ang sakin lang pamilya niyo kasi ang may-ari ng school na makasira sa image niyo" pag-aalala ko sa kaniya

"You're overthinking baby." Hinawakan niya ang kamay kaliwang kamay ko at nilagay niyo yung kanang kamay niya sa pisngi ko.

"I don't care about other people. Okay? Trust me" malambing na sambit niya at sumang-ayon naman ako.

Hinatid niya rin ako sa room namin na kinagulat din ng mga students dahil hindi naman napupunta dito sa Xander dati.

Andito na rin pala si Zach sa tabi ko.

"So, what's the status between you and Mr. Luciano?" tanong nito sakin. Dapat ko bang sabihin sa kaniya? Paano kong ipagkalat niya?

"Hey, akala ko ba friends tayo? Wala ka bang tiwala sakin?" pahabol nito sakin. At okay din lang naman kay Xander na may makaalam.

"Nanliligaw siya sakin. Nasa dating stage." sagot ko sa kaniya.

"Oh........ " gulat na sambit nito sakin

"I didn't expect Mr. Xander to fall in love with same gender. But, hindi na ako magtataka kung bakit siya na-inlove sayo" pagpapatuloy niya pero parang may lungkot sa kaniyang mukha.

"What do you mean?" takang tanong ko sa kaniya

"Because you're special. Anyone will fall in love with you" maikling sagot niya sakin.

"Pero gaano mo na ba kakilala si Xander at kaniyang pamilya?" makahulugang tanong nito sakin.

"What do you mean?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"You find it yourself" sagot niya sakin ng hindi pinapaliwanag.

Dumating na din ang Professor namin at hindi ko na pinaka-isip ang sinabi niya sakin.

Dangerous Love [BoyxBoy]Where stories live. Discover now