CARL POV
Nag-taxi na lang ako pauwi sa bahay at habang nasa sasakyan ay patuloy lang sa pagtulo ang aking luha. Napapatingin na nga sakin yung driver pero hindi ko na lang pinapansin dahil mas masakit yung nararamdaman ko ngayon.
Sobrang sakit lang na kung kailan akala ko siya na yung taong magmamahal sayo at hindi ka sasaktan pero heto ako at umiiyak. Pagkadating ko ng bahay nasalubong ko naman si Mama at Aling Nena na nagliligpit na sa carenderia.
"Anak, medyo late ka na, kumain ka na ba?" tanong sakin ni Mama
"Hindi pa po ako nagugutom Ma, magpapaghinga na lang po muna ako" sagot ko sa kaniya. Ayaw kong makita niya na maga ang aking mata sa pag-iyak.
Agad naman akong pumasok sa kwarto ko. Nagpalit lang ako ng pajama at sando at nahiga sa kama ko. Ito pala yung sinasabi ni Mama na hindi lang puro saya ang meron kapag nagmahal ka. Pero bakit naman ganito kasakit?
"Gaano mo ba kakilala si Xander?" yan ang tanong na pumasok sa isip ko ng maalala ko ang tanong sakin ni Zach. Tama nga siya, hindi ko ganun kakilala si Xander at ang impormasyon sa kaniyang buhay.
Masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko sa kaniya ng hindi man lang kinikilala kung ano ang katauhan niya.
Maya maya lang ay kumatok si Mama sa pinto pero hindi ako sumagot dahil baka mahalata niya sa boses niya na umiiyak ako. Napakinggan ko na lang na bumukas ang pinto ng kwato ko.
"Anak may problema ba?" may pag-aalalang tanong ni Mama habang lumalapit siya sakin.
Niyakap ko naman siya ng mahigpit at hindi na napigilan ang pag-iyak. Niyakap din naman niya ako at hinagod ang aking likod.
"Sabihin mo sakin anak ang problema. Tutulungan kita" sambit niya sakin.
Paano ko sasabihin sa kaniya na ang taong gusto ko ay isang Mafia na kinamumuhian ko at matindi ang galit ko sa katulad nila. Sasabihin ko ba kay Mama ang nalalaman ko? Pero hindi muna siguro dahil ayaw kong mag-alala siya ng sobra.
"Tungkol ba ito kay Xander?" pag-uusisa niya
"Meron lang po kaming hindi pagkakaunawaan Ma." sagot ko naman sa kaniya
"Talagang nagmamahal na nga ang baby namin." wika nito at kumalas sa pagkayakap. Humarap siya sakin at hinawakan ang aking kamay.
"Hindi ko man alam kung ano ang inyong pinagtalunan pero alam kong malalampasan niyo din yan. Diba sabi ko sayo hindi laging puro saya ang pag-ibig. Maayos niyo din yan. Kilala ko si Xander na hindi ka pababayaan na masaktan" sambit ni Mama na tila ang laki ng tiwala niya kay Xander.
"Salamat Ma" sambit ko na lang sa kaniya at ayaw ko ng palakihin pa at baka kung anu-ano pa ang itanong niya.
"Sige na, bumaba ka na at ng makakain ka na at makapag-pahinga" sambit nito sakin at sumang-ayon na lang ako sa kaniya.
Sumunod na rin naman ako kay Mama. Kahit wala akong ganang kumain ay kumain ako kahit kaunti at natulog na din pagtapos, Hindi ko alam kung paano ko papakitunguhan si Xander maging ang mga kaibigan ko pagnakita ko sila sa campus.
-----
Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit medyo masakit ang ulo ko.
"Anak may nararamdaman ka ba?" takang tanong ni Mama sakin.
"Okay lang po ako Ma, medyo masakit lang po anng ulo ko" sagot ko naman sa kaniya
"Huwag ka na kaya muna pumasok ngayon?" suhestiyon nito sakin.
"Hindi pwede Ma, may quiz po kami ngayon. Iinom na lang po siguro akong gamot" sagot ko sa kaniya para hindi na mag-alala.
Pagkakain at agad din naman akong lumabas ng bahay. Walang Xander na naghihintay. Hindi ko alam kung malulungkot ako o magpapasalamat dahil hindi ko siya kailangan pang ipagtabuyan at para hindi rin malaman ni Mama ang nangyari.
Hindi ko alam kung ano magiging reaksiyon pag-nalaman ni Mama ang nangyari sa mall na kasama sI Xander.
Pagdating ko ng classroom ay nagbasa-basa muna ako ng aking mga notes para i-destruct ang sarili ko na alalahanin ang mga nangyari kahapon.
"Carl, kamusta ka? We are so worried about you" sambit ni Trina pagdating dito sa room kasama si Zach.
"Sorry, hindi namin namalayan na nawala ka samin kahapon. Sorry talaga." sambit naman ni Zach.
"Hindi niyo kasalanan yun. Kasalanan ko rin na hindi sumunod sa inyo" sagot ko naman sa kanila dahil bakas sa kanila ang konsensiya at pag-aalala.
Niyakap pa nila akong dalawa para iparamdam sakin kung gaano sila ka-sorry sa nangyari.
"Binalikan ka namin dun sa pwesto mo pero wala ka na dun" sambit ni Zach
"Nakita ako ni ......... Xander" sagot ko sa kanila ng may pag-aalangan na sambitin ang pangalan niya.
"Mabuti naman kung ganun. We tried calling you kahapon pero di ka sumasagot" sambit ni Trina
"Hindi ko pa kasi nabubuksan ang phone ko mula kahapon" sagot ko sa kanila. Nawala na sa isip ko ang magbukas pa ng phone dahil sa mga nangyari.
"Oh, sige sabay na tayo maglunch mamaya para makabawi kami sayo." paalam ni Trina papunta sa kaniyang klase
Pagkaalis ni Trina ay tumabi sakin si Zach.
"Did Xander explained to you what happened" tanong nito sakin.
Tumango naman ako sa kaniya.
"Hindi mo na rin kelangan ipaliwanag sakin. Nauunawaan ko" sambit niya sakin.
"Tama ka nga Zach, hindi ko pa nga siya ganun kakilala. Marami pa pala dapat akong alamin" sagot ko sa kaniya.
Tumango naman siya. Nagsimula naman na ang klase at mabuti na lang puro kami quizzes ngayon. Hindi naman ganun kahirap yung exam kaya kahit walang review ay may nasagot naman ako.
Pagdating ng lunch sabay sabay kaming pumunta sa cafe mabuti na lang at medyo kaunti pa ang tao.
"Dahil hindi ka na namin nalibre kahaon Carl, ngayon ka namin ililibre. Choose whatever you want" sambit ni Trina
"Bawal tumanggi, sige na" pahabol pa ni Zach ng makita niyang tututol ako.
Habang kumakain kami ay dumating naman ang grupo nina Xander kasama ang buong barkada. Dahil sa ingay magkwento ni Zach ay napatingin sila dito sa pwesto namin. Sandali akong napatingin sa kanila pero nag-iwas agad ako ng tingin.
Mabuti na lang at hindi napansin ni Trina at Zach ang pagdating nila kaya patuloy pa rin sa pagkwento si Zach ng mga nakakatawang kwento niya kaya pati ako ay natawa na rin.
Bumili rin nga pala silang chocolate moist cake bilang dessert. Tinikman ko naman at masarap talaga siya.
"Masarap ba Carl?" tanong ni Zach sakin.
"Yeah, try mo din" nakangiti kong sagot sa kaniya
Maya maya lang ay nilagay niya ang daliri niya sa labi ko at may pinunasan.
"Halata nga may dumi lumabis sa labi mo" nakangiting sagot nito sakin.
"Bhogggggggssss"
Isang malakas na kalampag ang namutawi sa buong cafe kaya lahat kami ay napatingin sa pinagmulan nito. Nakita ko si Xander na naglalakad palabas ng cafe habang ang mga kaibigan niya ay nakatingin sakin. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanila.
FOLLOW, VOTE AND COMMENT:)
YOU ARE READING
Dangerous Love [BoyxBoy]
RomanceAng kwentong ito ay isang BL, BoyxBoy, m2m, bromance. Kung hindi sakop ng inyong pang unawa ang ganitong klaseng uri ng kwento. Maaari niyo ng lisanin ang kwentong ito. Maraming salamat sa pagrespeto.