Chapter 39

411 12 0
                                    

Carl POV

Naghihintay ako ng paliwanag niya. Litong lito ako sa oras na ito dahil hindi ko maunawaan kung anong kinalaman ni Xander sa pagkamatay ng aking papa.
Magsasalita na sana siya ng biglang may kumatok sa pinto.
"Boss King, may tawag ka mula kay Arenas" sambit ng lalaki sa labas ng silid.
Pagkadinig ko pa lang ng pangalan niya nagbalik lahat ng mga nangyari sa araw ng pagkamatay ng papa ko habang nakatago kami ni Mama sa basement na hindi ko mapigilan ang aking luha.
Unti-unting naglandas ang luha sa aking mga pisngi dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"I---ikaw ang pumatay kay Pa-pa?" nanghihina kung tanong sa kaniya. Paano niya nagawa yun sa sarili niyang kaibigan? Akala ko pamilya ang turing niya samin? Ano ang nagawang kasalanan ng Papa ko para mawala siya sa piling namin?
Sumeryoso ang mukha niyang humarap sakin.
"Oo, ako ang pumatay sa tatay mo na kaibigan ko" pagmamalaki nitong sagot sakin.
"Demonyo ka! Tinuring ka naming pamilya tapos ganito ang gagawin mo sa pamilya namin! Hayop ka" sigaw ko sa kaniya sa sobrang galit. Wala siyang awa sa taong mabuti ang pinakita sa kaniya.
Lumapit siya sakin at hinawakan ang panga ko ng mahigpit. Masakit siya, pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Lumapit ang mukha niya sa mukha ko.
"Gusto mo talagang malaman kung bakit ko pinatay ang tatay mo? Sige, makinig kang mabuti! Ang boyfriend mong si Xander ay nakulong sa unang operasyon niya sa Cebu, pero nahuli siya ng mga pulis at napatay ang mga kasama niya. Pero dahil tagapag mana si Xander ng organisasyon nila kinausap ako ni Xavier na palayain ang anak niya kapalit ng kahit anong gusto ko. Pinakiusapan ko ang tatay mo na palayain na lang. Pero yung tatay mo masyadong tapat sa serbisyo. Masyadong pabida. Wala akong choice, magiging sagabal lang siya sa mga negosyo ko. Kaya ayon tinuluyan ko na" mahabang pagpapaliwanag nito na tumatawa pa. Parang hindi man lang niya pinagsisihan ang ginawa niya.
Sobrang sakit sa pakiramdam na ang taong pinagkakatiwalaan mo sila pala yung taong sumira sa buhay mo.
"Ngayon, anong pakiramdam na malaya ang taong dahilan kung bakit namatay ang tatay mo. At mas malala pa dahil minahal mo pa! Anong kayang pakiramdam ni Sandro ngayon na ang anak niya ay minahal ang taong dahilan ng pagkawala niya?' nakangisi nitong sambit sakin na parang pinapamukha niya sakin ang mga katangahan ko.
Pero bakit ganun, mas nagagalit ako sa sarili ko dahil ang tanga tanga ko pala talaga. Noong una pa lang na nalaman kong bahagi siya ng mafia tinanggap ko pa rin siya. Ang tanga ko lang maniwala sa mga pinapakita niya. Ang tanga ko lang na ibigay sa kaniya ang lahat. Pina-ikot niya sa mundong puno ng kasinungalingan mapagtakpan lang ang kaniyang tinatagong kasalanan. Dapat pala nung una pa lang hindi na ako naniwala sa kaniya. Dapat hindi ko binago yung pananaw ko sa mga mafia. Lahat sila mga demonyo, mga walang puso.
Lahat sila mapanira. Ang ayos na ng buhay namin ni Mama pero ng dumating siya parang bumalik lang ang nakaraang nangyari. Gusto kong makausap si Mama ngayon dahil hindi ko sinabi sa kaniya ang katotohanan. Sa sobrang pagtatago ko pati siya napahamak.
Napayuko na lang ako habang patuloy ang pag-iyak. Sinisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyayari. Lumabas siya sa silid kasabay naman ng pagpasok ng dalawang tao.
"Carl" sambit ng babaeng akala ko mga totoo sakin.
Tiningnan ko sila ng may tanong sa aking mukha.
"B......bakit nagawa niyo samin to. A....akala ko mga totoo ko kayong kaibigan" nanghihina kong tanong sa kanila at mas lalong tumulo ang mga luha ko.
Sobrang bigat sa pakiramdam. Lahat ng desisyon ko hindi maganda ang kinahihinatnan. Bakit hindi ko man lang kinilala ng maayos ang mga taong lumapit sakin. Ang sakit palang pag traydoran ka ng mga itinuring mong pamilya.
"Naging totoo kami sayo Carl, lahat ng pinakita namin sayo totoo. Tinuring ka naming kaibigan. Hindi rin namin gusto ang nangyayari sayo ngayon. Sorry" ang naiiyak na sambit ni Trina sakin. Lumapit siya sakin at gusto akong yakapin pero umiwas ako. Ang hirap ng paniwalaan lahat ng sinasabi nila.
"We've been true to you Carl, mahal ka namin. Sorry if we hide who we are. Dahil ayaw namin na mawala ka" pagpapaliwanag ni Zach.
I saw them crying. Alam kong wala silang ginawang masama sakin. Pero sa ibang tao marami. At hindi ko alam na pagdating ng panahon gawin din nila sakin. Sobrang dami ko ng nalaman ngayong araw na parang hindi na kayang iproseso ng utak ko. Parang namamanhid na ako sa sakit.
"Kumain ka muna, kahapon ka pa walang kain. Dadalhin namin dito ang Mama mo" sambit ni Trixie habang papatayo sa kamang aking kinauupuan. Pero hindi ako nakakarmdam ng gutom.
Ang hirap pala na masyado kang mabait. Napapagsamantalahan ka. Naabuso ka. Masyado kang nabubulag sa mga totoong nangyayari.
Hindi ko sila tiningnan hanggang sa umalis sila at sinara ang pinto.
Ilang minuto din ang nakalipas ng bumukas ang pintuan at pumasok ang taong laging nandyan para mahalin ako ng totoo. Dapat pala nakontento na ako sa pagmamahal niya at hindi na naghangad pa ng sobra. Nang dahil sa katangahan ko, heto siya at napahamak.
"Anak" tawag nito sakin. Lumapit siya niyakap ako ng mahigpit. Her hugs always been my home. Dapat nakontento na ako dito eh. Hindi naman siya nagkulang sa pagmamahal sakin naghangad pa ako ng sobra.
"I'm sorry Ma..... Kasalanan ko lahat to eh. Sorry for keeping secret. Dapat sinabi ko sayo lahat ng totoo. Hindi man lang kita inisip. Ang tanga ko Ma... Ang tanga tanga ko" paghingi ko ng tawad sa kaniya kasabay ng mas masaganang luha na dumadaloy sa aking pisngi.
"Wala kang kasalanan anak. Andito lang si Mama. Kung anuman ang naging kasalanan mo pinapatawad na kita. Si mama ang patawarin mo dahil hindi ko man lang nakita na dinadala na pala kita sa kapahamakan" pagpapakalma nito sakin. Hindi man siya umiiyak ngayon pero alam kong pinipigilan niyang maging mahina sa harap ko.
"Pero kasalanan ko rin Ma, lalo na kay Papa,... Parang nagtraydor ako sa kaniya. Parang binaliwala ko lang lahat ng kaniyang pagkawala ng dahil lang sa pagmamahal ng taong naging dahilan ng pagkawalay niya satin." Sambit ko sa kaniya. Yung kaninang sobrang sakit na nararamdaman ko gumagaan pagkasama ko si Mama. Hindi ko na kaya pang hayaan na pati siya ay mawala sakin.
"Hindi mo kasalanan yun nak, meron lang busilak na puso. Pinalaki kitang mabuti kaya madali kang magtiwala sa mga tao at mahalin ka. Kung iniisip mong may kasalanan ka sa papa mo dahil sa pagmahal kay Xander, pero hindi natin kung ano ba talaga ang totoong nangyari." Kalmadong sambit ni mama habang hinahagod ang likod ko.
Sobrang nakakapagod. Sobrang sakit. Kung wala si Mama baka hindi ko na kayanin. Pero sa panahon na ito dapat ako yung mas maging matatag. Sapat na ang ilang taon na pagsasakripisyo niya. Dapat ako naman yung magpakita ng kalakasan sa kaniya at protektahan siya. Alam kong nasasaktan siya sa nangyayari samin ngayon kaya dapat hindi ko na dagdagan pa yun.
Nang dahil sa pagod, unti-unti na lang akong nakatulog habang nasa balikat ng aking ina.
Follow😊
Vote⭐
Comment✉️

Dangerous Love [BoyxBoy]Where stories live. Discover now