Chapter 8

472 12 0
                                    

I'm quite inspired to write new chapters in this story kasi naka 64k reads and 3k votes na ang Internship.. Thank you guys....

For any comments, suggestions and corrections about the story I will appreciate it more.

________________________________________________________________________________

CARL POV

Nagmamadali akong naglalakad ngayon papunta sa klase ko ng mapansin ko na nagkukumpulan ang mga estudyante sa hallway ng aming department. Siguro may announcement mula sa President ng school. Kaya naman nakipagsiksikan din ako para matingnan ito.

Tama nga ako may announcement mula sa president.

"Mr. Xian Luciano 55th Birthday Celebration and Welcome Rights Party for Freshmen (7:00PM)" sa Friday ito gaganapin. Matapos kong mabasa ang announcement ay umalis na ako sa kumpulan ng mga estudyante. Sakto naman dahil nakita ko si Trina.

"Nabasa mo na ba?" Tanong nito sakin.

"Oo, nabasa ko na. Hindi ko naman alam kong ano ang ginagawa tuwing birthday celebration ni Mr. Luciano." Sagot ko sa kaniya.

"Tuwing birthday ni Mr. Luciano, every year bawat year level nagpe-prepare sila ng presentation. Bongga ang price na binibigay dahil 200k na cash para sa mananalong grupo" excited na sambit nito sakin.

"So, kailangan natin mag meeting para sa ipepresent natin. Kahit hindi na manalo basta maganda yung presentation natin." Sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya.

Pinatext ko na sa kaniya ang mga kasama naming officer para sa meeting. Since vacant naman kami after lunch kaya pwede naming idiscuss ang pwedeng gawin.

Pagdating ko sa room sakto kasi wala pa yung prof namin. Habang nag hihintay nag iisip ako ng pwede namin ipresent.

"Lalim ng iniisip ahh.." sambit ni Zach na ngayon ay nasa harap ko na at todo ngiti pa.

"Iniisip ko kung ano ang ipi-present para sa birthday ni Mr. Luciano. Baka may maireccomend ka sabihin mo lang sakin" wika ko naman sa kaniya.

Nag isip siya sandali at mabilis din naman nagsalita.

"Diba friend mo naman yung may-ari ng school..... ano ba name nun?..... Trixie?" suhestyon nito sakin

"Tama..... salamat Zach..." nakangiti kong sagot sa kaniya.

"Sige, tama na yang pag iisip mo. Andiyan na pati si prof." Sambit nito at nalakad na papunta sa likod.

--

Natapos na din ang klase at napag usapan na sa mini forest na lang kami mag kita kita. Since lunch pa lang naman tinawagan ko muna si Trixie para humingi ng tulong. Nagpalitan kami ng number kagabi, ako na ang nag initiate para kung may kailangan kami madali namin macontact ang isa't isa pero heto ako ngayon ang may kailangan.

"Hello beshiee" bati nito sa kabilang linya. Medyo clingy yung beshieee pero makakasanayan ko din siguro to.

"Hello beshiee, may itatanong sana ako sayo ehh" nahihiya kong sambit sa kaniya.

"Andito ako sa school café, pwede kang pumunta dito" sambit niya sakin.

"Sige hintayin mo ko, papunta na ako diyan" saad ko sa kaniya at nagmadaling iligpit ang gamit ko.

Pagkarating ko sa café nakita ko naman agad siya. Kumaway pa ito habang nakangiti ganun din naman ako sa kaniya. Nakakatuwa lang kasi hindi na siya seryoso pag nakikita ko o maldita tingnan.

Lumapit ako sa table niya at naupo sa bakanteng upuan na nasa harap niya.

"Anong maiitulong ko sayo beshieee" tanong nito sakin

Dangerous Love [BoyxBoy]Where stories live. Discover now