Chapter 17

504 10 1
                                    

CARL POV

It's Friday night, at pupunta ako ngayon sa dinner ng mga Luciano. Pinayagan naman ako ni mama akala ko nga magdadalawang isip pa eh pero hindi naman. Mabilis siyang pumayag.

"Ipakamusta mo na lang ako anak at ipahatid mo ang aking pasasalamat sa kanila." Sambit ni mama sakin

"Opo ma, for sure magugustuhan nila itong cupcakes na binake niyo" sagot ko naman sa kaniya.

Nagbake si mama ng 3 dozen of cupcakes para daw sa pasasalamat niya sa scholarship na aking natanggap.

"Sige na, baka naghihintay na si Trixie sa labas. Mag-ingat kayo anak, enjoy. Tawag ka pag may problema" paalala ni mama

"Opo ma, mauuna po ako." Paalam ko rin aa kaniya sabay yakap.

Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa highway kasi andun naghihintay si Trixie. Sinundo pa talaga niya ako kahit sinabi ko na magcommute na lang ako papunta sa kanila

Nakita ko rin naman agad yung sasakyan niya.

"Hello beshiee," bati ko sa kaniya

"hello, beshiee, sakay ka na" sambit nito sakin.

Sumakay naman ako sa kaniyang kotse.

Habang nasa biyahe panay lang ang kwentuhan namin tungkol sa school, actually mas marami akong kwento samantalang siya napakalimitado ng mga kwento.

Maya-maya pa pumasok kami sa isang isang malaking gate at natatanaw ko na ang isang bahay, hindi pala kundi isang mansion sa sobrang laki.

Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking bahay sa buong buhay ko. Pag pasok mo sa gate sa right side meron fountain, sa left naman ay merong garden.

Pinarada muna ni Trixie ang kaniyang sasakyan at napa wow na lang ako sa dami ng sasakyan nila dito at mukhang mamahalin lahat kasi hindi ito pangkaraniwang disenyo ng mga kotse.

Umakyat kami sa ilang  napalalaking mga hagdan bago makarating sa kanilang pintuan. Pagpasok mo pa lang nandito ang mga magagandang sofa at tv, sa gild naman ay malaking hagdan papapunta sa ikalawang palapag. Sa kabilang bahagi naman ay nandito ang dining. Sobrang lawak ng kanilang bahay. Yung sala nila buong first floor na ng bahay namin.

Pagpasok namin ng dining nakita ko na dun ang aming mga kaibigan. Andito si Trev, Nate, Chino, Topher at Mama ni Trixie.

"Good evening po sa inyo Ma'am" bati ko sa mama nina Trixie since wala pa dito ang Dad niya.

"good evening din Carl" nakangiting bati nito sakin.

"Oo nga po pala may dala po ako ditong cupcakes na binake ng aking mama para po sa pasasalamat sa scholarship na binigay niyo sakin" sambit ko sa kaniya ng may malawak na ngiti sa aking labi.

"Thank you so much. Salamat din sa mama mo" sambit nito sakin.

Matapos nun ay nakipag beso na muna ako kay Nate at manly hug kay Topher, Trev at Chino.

Naupo na kami sa mesa at kwentuhan lang muna. Maya-maya pa ay naghain na ng pagkain ang mga kasambahay nila. Hindi ako sure kung kasamabahay ba talaga o mga chef talaga. Hindi pamilyar sakin ang mga pagkain.

Hindi rin nagtagal ay dumating na si Mr. Xian at Xander. Hindi ko mawari pero may naramdaman akong tensyon sa kanilang pagpasok sa silid.

"Good evening po Mr. Xian" nakangiting bati ko sa kaniya.

Nagbago naman ang kaniyang aura at ngumiti din.

"Good evening din Carl, thank you for accepting this invitation." Sambit nito

Dangerous Love [BoyxBoy]Where stories live. Discover now