This is my second story. Hope you'll like it. Don't forget to Follow, Vote and Comment
For any comments, suggestions and corrections about the story I will appreciate it more.
________________________________________________________________________________
CARL POV
Pagdating ng bahay mabilis din akong naligo ulit dahil pakiramdam ko ang lagkit lagkit ko. Matapos nun ay nagsuot ako ng black pants, navy blue na polo at yung suot ko na sapatos kanina.
Busog pa naman ako sa mga kinain namin kanina kaya hindi na ako kumain muli. Nakita ko si Mama na abala sa pag lilinis. Hindi na din siya nagbukas ng karenderya bukas na lang daw.
"Ma, lakad na po ako..." paalam ko sa kaniya.
Tumigil naman siya sa pagwawalis at lumapit sa akin. Isang ngiti ang binigay niya sakin. Ganito talaga kami palaging nakangiti. Sinanay kasi namin ang aming sarili na maging positibo.
"Goodluck anak, kayang kaya mo yan. Alam kong ikaw ang makukuha" nakangiting sambit niya sakin.
"Salamat Ma" masaya kong sambit sa kaniya.
Mabuti na lang may napaka supportive akong Mama na kahit anong desisyon ko sinusuportahan niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at kiniss sa cheeks.
"Mag iingat ka sa biyahe. Tawagan mo ako kung may problema" paalala nito sakin. Tumango naman ko at mabilis na lumabas ng bahay.
Medyo may kalayuan ang highway mula sa bahay kaya kelangan ko pang maglakad. May mangilan ngilan akong nakakasalubong na ngumingiti sakin. Syempre mabait naman ako kaya binabati ko sila habang may malaking ngiti sa aking mga labi.
Mababait naman talaga ang mga tao dito. Hindi nga lang talaga ako madalas lumalabas ng bahay dahil abala ako sa pagtulong kay Mama sa karenderya. May mga kilala din naman ako dito hindi nga lang ganun kadami pero kilala nila ako dahil kay Mama.
"Magandang umaga ijo. Mukhang may lakad ka ngayon ah" bati sakin ni Aleng Nena ng makasalubong ko siya habang bitbit ang kaniyang mga labada.
"Magandang umaga din po Aleng Nena. Pupunta po ako sa Luciano University, may exam po kasi kami ngayon eh" nakangiti kong sagot sa kaniya.
"Ganun ba, goodluck sayo ijo. Kayang kaya mo yan" nakangiting wika nito sakin.
Hindi naman ganun katanda si Aleng Nina, nasa 40 pa lang siguro siya. Maya maya lang ay dumating ang anak nitong lalaki. Hindi ko alam ang pangalan niya pero sa tuwing nakikita ko siya bigla na lang itong namumula at umiiwas ng tingin sa tuwing nagtatama ang mata namin.
"Salamat po Aleng Nena. Mauuna na po ako sa inyo" sambit ko sa kaniya.
"Ano Jake. Hindi mo man lang ba babatiin si Carl? Diba lagi mo siyang tinatanong sakin?" sambit niya habang sinisiko ang anak.
Napansin ko na mas lalong namula ang mukha nung lalaki. Jake pala ang pangalan niya.
"Nay, naman. Akin na nga yang labahan niyo" inis na sambit nito sa nanay niya at mabilis na kinuha ang mga labada. Sumulyap pa ito sakin bago tuluyang umalis.
Kahit ang weird niya gumalaw ay hindi ko na lang ito pinansin.
"Pasensya ka na sa anak ko huh. Ewan ko ba diyan, panay ang tanong tungkol sayo tas pag kaharap ka para naman makahiya" kunot noong wika niya sakin habang nakapamewang. Natawa naman ako sa kaniya.
"Okay lang po yun. Sige po mauuna na po ako sa inyo" paalam ko sa kaniya.
"Sige ijo. Mag iingat ka" wika nito at umalis na.
YOU ARE READING
Dangerous Love [BoyxBoy]
RomanceAng kwentong ito ay isang BL, BoyxBoy, m2m, bromance. Kung hindi sakop ng inyong pang unawa ang ganitong klaseng uri ng kwento. Maaari niyo ng lisanin ang kwentong ito. Maraming salamat sa pagrespeto.