CARL POV
It's Friday, natapos na naman ang buong week na puro stress sa school works. At ilang araw na din na hindi ko nakikita si Xander at mga kaibigan namin. Bakit kahit alam ko na yung sekreto nila namimiss ko pa rin sila? Kung tutuusin wala naman silang ginawang masama sakin. Pero hindi pa rin kasi naaalis yung takot ko sa mga kagaya nila. Ayaw kong dumating ang panahon na may mangyaring masama sa amin ni Mama.
"Lalim naman ng iniisip mo" sambit ng pamilyar na boses sa likod ko.
Paglingon ko nakita ko si Trev at bakas sa mata niya yung lungkot sa hindi ko malaman na dahilan.
"Kamusta ka na. Miss ka na ng mga kaibigan mo" pahabol nito sakin na dama mo yung kaniyang kalungkutan.
Hindi ko siya sinagot at tumalikod na lang sa kaniya. Ayaw kong magsalita ng hindi maganda dahil alam kong alam niya ang dahilan ng pag-iwas ko sa kanila. Pero hindi pa ako nakakalayo ng bigla niyang hawakan ang kamay ko kaya napaharap ako sa direksyon niya.
"Sorry for hiding our identity. Hindi namin gusto na itago yun sayo pero kailangan." sambit nito sakin na tila nagpapaliwanag.
"Hindi naman yun ang issue sakin Trev, kahit pa malaman ko yun ng mas maaga alam mong ayaw na ayaw ko sa mga taong kagaya niyo. Alam mo ang pinag-daanan ng pamilya namin" naiiyak na paliwanag ko sa kaniya.
"I know... Oo may mga ginagawa kaming hindi maganda pero hindi naman kami nananakit ng mga taong inosente" pagkukumbinse nito sakin
"Hindi nanakit ng inosente? Hahaha" sarakastiko kong tawa sa kaniya at hindi ko napigilan na lumuha ang aking mga mata.
"Inosente ang Papa ko, ginagawa niya ng maayos ang trabaho niya para sa bayan pero may mga kagaya niyo na nagpapahirap sa mga tao. If you are here to convince me na maging ayos lang lahat saatin pero sorry hindi ko hahayaan na may mangyaring masama muli sa pamilya namin" mahabang paliwanag ko sa kaniya at naglakad na papunta sa sakayan ng bus.
Habang nasa biyahe patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Mahirap din naman sakin mawalan ng kaibigan pero mas mahirap kung mangyayari muli ang naganap sa nakaraan.
Pagdating ko sa bahay nakita ko si Mama na naghahanda ng mga pagkain.
"Anak, mabuti andito ka na. Bibisita nga pala ang ninong Ken mo at dito siya maghahapunan kaya magbihis ka na at ng makakain na tayo." paalala nito sakin at mabuti na lang hindi niya napansin ang mata kong galing sa pag-iyak.
Agad naman akong pumunta sa kwarto at nagbihis lang ng loose shirt at boxer short. Dinig ko ang masayang pagbati ni Mama sa baba. Dumating na siguro si Ninong.
Pagkababa ko tama nga andito na si Ninong at may mga dala na shopping bag.
"Good evening ninong. Kamusta po" bati ko sa kaniya sabay bless.
"Naku, ginagawa mo naman akong matanda niyan. Hug na lang kay Ninong" natatawang sambit nito. Niyakap ko rin naman siya agad.
"May mga pasalubong nga pala ako sayo. Dahil matagal na hindi kita nabibigyan ng mga papasko binilhan kita ng mga regalo mo. Go open it." nakangiting sambit nito
"Salamat po Ninong" pasalamat ko sa kaniya at ako ay naexcite na buksan ang mga regalo niyang dala.
Una kong binuksan yung medyo malaking kahon. At nagulat ako dahil Apple Macbook yung laman.
"Sakin po ba talaga to ninong?" paninigurado ko sa kaniya.
"Yes, kailangan mo yan sa pag-aaral. At hindi lang yan meron pa diyan sa isang box" nakangiting sambit nito sakin.
Binuksan ko naman yung maliit na kahon at ang laman nito ay Iphone 13 pro max. Talagang napa wow ako sa sobrang ganda. Nagmadali naman akong lumapit kay ninong at niyakap siya.
"Salamat po ng marami Ninong. Sobrang laking tulong po nito sa pag-aaral ko." maiyak-iyak kong pasalamat sa kaniya.
"Maraming salamat ulit Ken sa mga regalo mo samin." pasasalamat ni Mama. Maging siya rin pala ay binilhan ni Ninong ng phone.
Kumain na rin naman kami at ang daming kwento ni Ninong.
"Ano po palang pinagkakaabalahan niyo ngayon Ninong?" tanong ko sa kaniya
"As usual negosyo, kakauwi ko rin lang galing Japan at dito na ako dumiretso para madala ang mga pasalubong ko sa inyo." sagot naman nito sakin.
"Dapat po nagpahinga muna kayo Ninong. Pero ayos din naman po na dito kayo kumain kasi masarap magluto si Mama" nakangiting sambit ko sa kaniya.
"Oo nga eh wala pa ring pina-bago. May nanliligaw na ba dito sa Mama mo? tanong nito sakin
"Maraming nagpapahiwatig ninong pero ayaw naman ni Mama. Masaya naman daw siya na kasama ako pero hindi ko naman po siya pinipigilan." natutuwang paliwanag ko sa kaniya at natawa rin naman siya sa sinabi ko.
"Eh ikaw may girlfriend ka na ba?" tanong niya naman sakin na hindi ko inaasahan.
"Ehhh.... Wa...la po" nauutal kong sagot sa kaniya na ikinatawa naman ni Mama at pareho tuloy kaming napatingin sa kaniya.
"Marami ka na talagang hindi alam sa inaanak mo. Dahil itong baby namin ni Sandro ay may manliligaw na." sagot naman ni Mama na ikinapula ng mukha ko.
"Ma.... naman" saway ko sa kaniya. Natawa naman si Ninong habang pinagmamasdan kami.
"Alam mo Carl, okay lang yan. Huwag kang mahiya basta huwag agad bibigay. Suriin mo muna yung iyong magiging karelasyon o kaya naman ay ipakilala mo sakin para makilatis ko" nakangiting paliwang nito sakin. Napatango na lang ako sa kaniya bilang pagsang-ayon.
Nagpatuloy na nga ulit kami sa pagkain at kung anu-ano na ang mga kwinento ni Mama tungkol sa mga nangyari sa aming buhay mula ng nawala si Papa. Maya maya lang ay nakarinig kami ng katok mula sa labas.
"Nak, may tao sa labas pakibuksan naman" utos sakin ni Mama.
Tumayo naman ako at pinagbuksan ang pinto at hindi ko inaasahang tao ang aking makikita.
"Xander" gulat na sambit ko sa pangalaan nito.
"Baby, can we talk?" ummiyak na sambit nito. Ngayon ko lang siya nakita na umiiyak ng sobra. Amoy alak din siya.
"Lasing ka lang. Bukas na tayo mag-usap" sagot ko sa kaniya.
"Pleaase" nagmamakaawang sambit nito sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Anak sino yan?" tanong ni Mama habang palapit sa pwesto namin.
"Oh, Xander, gabi na anak. Kumain ka na ba? Halika pasok ka" sambit ni Mama at hinawakan ang kamay ni Xander at pinapasok sa loob ng bahay.
"Ma..." tawag ko kay Mama para pigilan ito sa ginagawa niya.
"Gabi na at kung anuman ang inyong pinagtalunan pag-usapan niyo yan sa kwarto mo" pagtutol sakin ni Mama na tila double meaning ang huling salita.
At wala na nga akong nagawa kundi sumunod sa kanila.
"Ken, ito nga pala si Xander ang manliligaw ng anak ko. Xander ito naman si Kennedy Green ninong ni Carl" pagpapakilala ni Mama kay Xander sa Ninong ko.
"Magandang gabi po sa inyo" magalang na bati nito.
"Bakit parang maga ang mata mo? May nangyari ba sayo?" takang tanong ni Ninong at tiningnan din ni Mama.
"Oo nga anak" pahabol din ni Mama.
Kesa humaba pa ang usapan at kung anu-ano pa itanong nila ay sumingit na ako.
"Ma, Ninong. Maiwan na po muna namin kayo" sambit ko sa kanila.
Hinawakan ko ang kamay ni Xander at umakyat papunta sa kwarto ko.
FOLLOW, VOTE AND COMMENT:)
YOU ARE READING
Dangerous Love [BoyxBoy]
RomanceAng kwentong ito ay isang BL, BoyxBoy, m2m, bromance. Kung hindi sakop ng inyong pang unawa ang ganitong klaseng uri ng kwento. Maaari niyo ng lisanin ang kwentong ito. Maraming salamat sa pagrespeto.