Chapter 27

319 9 0
                                    

XANDER POV

Andito kami sa mansion ngayon matapos ang nangyari kanina. Sinusundan namin ang myembro ng kalaban naming mafia na nagtitimbre sa mga pulis ng aming transaksiyon. Matagal ng merong alitan ang aming organisasyon. Kung tutuusin ay dating magkakampi ang aming organisasyon pero dahil sa isang pangyayari ay nagkahiwalay.

Hindi ko pa rin lubos na maisip ang mga kaganapan kanina. Naalala ko ang mukha ni Carl na takot na takot sa kaniyang nakikita. I'm so worried about him. Kaya imbes na habulin pa namin yung lalaki ay umatras na kami at dumiretso dito sa mansion.

"What should we do now?" tanong ni Nate ng merong pag-aalala.

"He saw us kaya siguradong magtatanong siya sa nangyari." sagot naman ni Trixie.

Pinagmamasdan ko lang ang mahimbing na pagtulog ni Carl dito sa aking kama. Pero bakas sa mukha niya yung takot niya kanina. Pinunasan ko ng aking kamay ang mga natitirang luha sa kaniyang pisngi.

"Sasabihin ba natin sa kaniya? We're friends after all." wika ni Topher.

"Pero alam niyo naman ang consequences pag nalaman niya kung ano tayo. Lahat tayo mapaparuhan at we are risking Carl's life." medyo galit na sagot ni Chino.

Tama naman siya. Siguradong paparusahan kami pag may ibang nakaalam ng sekreto namin. Dahil lahat ng nagkakasala sa organisasyon ay nilalatigo ang katawan depende sa laki ng kasalanan. At ang pagsabi ng sekreto ng organisasyon ay mabigat na kasalanan.

"Uno? Ano sa tingin mo ang nararapat nating gawin?" tanong sakin ni Trev

Kanina pa din ako nag-iisip kung paano ko sa kaniya ipapaliwanag ang nakita niya. Dahil matalino siya alam niya ang nangyari at kung maglilihim ako sa kaniya ay siguradong madadagdagan lang ang aking kasalanan sa kaniya.

"I will tell the truth" maikli kong sagot sa kanila.

"Pero Kuya, you know the history of Carl. Kung gaano niya kinamumuhian ang mga bahagi ng Mafia." nag-aalalang sagot sakin ni Trexie.

"Alam ko....... Pero ayaw kong mawala ang tiwala niya sakin. Tatanggapin ko kung ano ang magiging reaksiyon niya." sagot ko sa kanila at hinawakan ang kamay ni Carl.

"Then, let's be ready for the consequence. Harapin natin ang parusa at ang paglayo ni Carl sating magkakaibigan." maluwag na sambit ni Nate.

"No, ako lang ang magsasabi. Labas na kayo dito. Mahirap kung lahat tayo ay mapaparusahan." madiin na sagot ko sa kanila

"Pero pre......" pagtutol ni Trev pero sumagot din naman ako agad.

"Ipapaliwanag ko sa kaniya ang lahat. You don't have to worry." sagot ko sa kaniya. Tumango naman sila at isa-isa ng lumabas ng aking kwarto.

"Kuya are you sure about this? Pwede naman natin itago. Mag-isip muna tayo ng ibang dahilan o paliwanag. Hindi ko kayang magalit sakin ang kaibigan ko" sambit ni Trexie sa aking likuran matapos umalis ang iba naming mga kaibigan.

"Dadating din ang panahon na malalaman niya ang lahat. Mas lalo lang siyang masasaktan at lalayo kaya mas mabuti pang hanggat maaga alam niya na kung ano tayo" paliwanag ko sa kaniya.

"I trust your decision. I'll go." sambit nito na tila ayaw ng makipagtalo at lumabas ng kwarto.

Ngayon kami na lang dalawa ang nandito sa aking kwarto. Pinagmamasdan ko pa din ang kaniyang maamong mukha habang hawak ang kaniyang kamay.

Handa na ba akong layuan mo? Makakayanan ko bang magalit ka sakin? Bakit kung kailan na maayos ang lahat sating dalawa tsaka dumadating ang problema?

Maya maya lang nagmulat ang kaniyang mata kasabay ang mga luha na dumadaloy sa kaniyang mga pisngi. Nakaramdam ako ng labis na pag-aalala sa kaniya.

"It's okay. Andito lang ako" sambit ko sa kaniya habang pinupunasan ang kaniyang mga luha.

Bumangon siiya at napayakap ng mahigpit sakin at patuloy pa rin sa kaniyang pag-iyak. Dama ko ang kaniyang takot dahil nanginginig ang kaniyang katawan kagaya ng nakita ko kanina sa parking lot.

"I'm here. You're safe. Hindi ako papayag na may mangyaring hindi maganda sayo." sambit ko sa kaniya habang hinahagod ang kaniyang likod para kumalma siya.

Mga ilang minuto din kaming magkayakapan. Walang nagsasalita pero patuloy pa rin ako sa pagpakalma sa kaniya hanggang sa tumigil siya sa pag-iyak at kumalas sa aming yakap.

Gusto ko siyang tanungin kung ayos na ba siya pero alam kong hindi naman talaga.

"Yung nangyari kanina........." sambit nito ng nakatingin sakin ng may takot.

"Shhhhhhss. I'll explain everything" pagputol ko sa kaniya at tumango naman siya bilang pagsang-ayon sakin at handang makinig sa paliwanag ko

"Yung nakita mo kanina sa mall. Sinusundan namin yung lalaking may atraso samin" panimula ko sa kaniya.

"Pero bakit may baril ka? Balak mo ba siyang patayin?" takang tanong niya sakin. At ngayon mukhang naalala na naman niya ang nangyari kanina kaya medyo dumistansiya siya sakin na para bang may takot. Hinawakan ko naman agad ang kamay niya.

"Please, let me explain. Alam ko ang pinagdaanan mo baby, yung iyong nakaraan. Ang pagkamatay ng papa mo sa kamay ng mafia. Alam kong magagalit ka pero hindi ko kayang maglihim sayo." pagpapaliwanag ko sa kaniya.

Inalis niya yung kamay niya sa pagkakawahak ko. Napatingin naman ako sa kaniya ng may pagmamakaawa na sana ay pakinggan niya ako at maunawaan.

"Get to the point Xander" medyo pasigaw na sambit nito na may halong galit.

"Bahagi ako ng mafia, ang buong pamilya namin maging ang ating mga kaibigan" paliwanag ko sa kaniya.

Ang kaninang maliit na distansiya sa pagitan namin ngayon ay mas lalong lumaki. Bakas sa kaniyang mukha ang takot sakin. Lalapitan ko sana siya para pakalmahin pero mas lalo siyang lumayo.

"Huwag kang lumapit." sigaw nito sakin ng may galit

"Bakit ngayon mo lang sinabi to sakin? Alam mo kung ano ang pinagdaanan ko, ng pamilya namin sa mga walang puso na kagaya niyo. Huwag na huwag ka ng lalapit sakin. Ayaw na kitang makita" paliwang nito sakin kasabay ng matatalim niyang tingin na parang ang tingin niya sakin ay isang kriminal.

"Ba....by. Please..." gusto ko pa sana siyang kausapin.

Pero imbes na tingnan niya ako ay nagtatakbo siya palabas ng kwarto at ako naman ay naiwan na nakaluhod dito. Unti-unti na rin tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Ngayon lang ako ulit lumuha at ang sakit ng aking nararamdaman. Pero kahit na anong mangyari hindi ako susuko na mahalin ka.


FOLLOW, VOTE AND COMMENT:)

Dangerous Love [BoyxBoy]Where stories live. Discover now