Chapter 43

371 15 0
                                    

Carl POV
It's been years since I had my escape from death. Not actually alone but with my mother. Masakit pa rin alalahanin ang nakaraan. I thought that was our last day.

"Hey, lalim ng iniisip mo ah. Want to share?" pag-aalalang tanong ni Calix

Nginitian ko naman siya at umiling. He's always here for us, lalo na nung panahon na hirap na mahirap kaming makabangon.

"I just want to thank you for everything you've than to us. Kung hindi dahil sayo baka hindi ko na alam kung anong buhay meron kami" nakangiti kong sambit sa kaniya. Napangiti naman siya sakin at niyakap ako.

"You thanks me million times. I know that you're still reminiscing your bad past, but you have to move on. You can start new and happy life here" sambit nito.

Flashback......

Hindi ko pa rin maisip kung paano kami nalagay sa ganitong sitwasyon ni Mama. Ang gusto ko lang naman ay mag-aral ng maayos at matulungan si Mama na maayos ang buhay namin. Pero hindi ko inaasahan na ganito kasakit ang dinadanas namin ngayon.

"Kumain muna kayo" utos ni King habang papasok ito sa kwarto namin ni Mama kasama ang isang tauhan na may bitbit na pagkain sa isang tray.

Sinamaan ko siya ng tingin. Sa dami ng nagawa ng aming pamilya sa kaniya, nagawa niya pa rin patayin si Papa. Totoo nga ang kasabihan na sometimes money can be the root of evil, and this man proves it. Napakahayop.

"Stop your deadly stare. You think it can kill me?" nakangising sambit nito at lumapit sakin at hinawakan ang pisngi ko. Agad ko naman yung tinapik. Nakakadiri.

Paano niya nasisikmura na harapin pa kami matapos niyang patayin ang matalik niyang kaibigan. Napakademonyo. Kung alam ko lang na siya ang taong yun, hindi ko na sana tinanggap ang mga regalo at pag-papatuloy sa bahay.

Maya-maya lang ay nakarinig kami ng putok ng baril at mga ingay mula sa labas. Mukhang may mga tauhan na naman na naglalaro sa kanilang mga biktima.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh" malakas na sigaw mula sa labas. Nakaramdam naman ako ng awa sa babae. Bakit kaya nilang gumawa ng ganito sa kapwa nila. Wala ba silang mga pamilya at hindi mailagay ang sitwasyon nila sa mga biktima?

"Boss may mga nakapasok" sambit ng isang tauhan. Ang nakangisi niyang mukha ay biglang napalitan ng galit.

Aaminin ko nakakatakot talag siyang magalit. Parang anytime ay pwede na niya kaming gawan ng masama.

"Paputukan niyo hanggat hindi namamatay. Siguraduhin niyo wala kayong ititira." Galit na utos niya sa mga tauhan at tumingin sakin.

"Looks like the prince trying to save the princess huh. Feels like in a fairytale and I'm the villain. Pwes, hindi ako tulad ng mga kontrabida na mahina at natatalo. Sisiguradin kong ako mismo ang papatay sa boyfriend mo" sambit nito sakin na parang nababaliw. Sa una ay humahalakhak at papalitan ng galit.

Maya maya ay nakarinig kami ng malakas na putukan. Para kaming nasa isang gyera sa lakas ng mga putukan. Nakaramdam na naman ako ng takot. Nanginginig na naman ang aking mga katawan. I'm having anxiety right now. Epekto pa rin ito ng nangyari sa nakaraan. Nakaramdam naman agad ako ng yakap mula sa aking likuran. Mabuti na lang andito si Mama para pakalmahin ako.

"Tumayo kayo diyan. Huwag na huwag kang gagawa ng hindi ko magugustuhan dahil sisiguraduhin kong sasabog ang ulo ng Mama mo" utos nito samin.

Kaya kahit nanginginig ang aking mga  tuhod ko ay tumayo pa rin ako. Ayaw ko naman na pati si Mama ay mawala pa sakin. Hinawakan niya ako sa damit at naglakad papalabas ng pinto.

Paglabas namin tuloy tuloy pa rin ang pagpapautok ng mga tauhan ni King. Marami na din ang mga nakahandusay na katawan. Napatingin naman ako dulo ng pasilyo at nakita ko dun ang gulat na mukha ni Xander.

Dangerous Love [BoyxBoy]Where stories live. Discover now