TRIXIE POV
Hindi naman ang pinanganak kahapon para hindi ko malaman ang pakay ni Kuya kay Carl. Wala siyang masamang balak kay Carl kasi I know at ramdam ko na may gusto si Kuya sa kaniya. Mahirap man paniwalaan pero his eyes towards Carl is different from the way he stares at us.
Yung pag-aalala niya ng maaksidente si Carl sa lumang building ay kitang kita sa kaniyang mata. Kailan pa nagkagusto si Kuya sa isang lalaki? Hindi naman siya maghilig mag stick sa isang relasyon dahil sa trabaho namin pero wala akong nalaman na natitipuhan niya rin ang isang lalaki. Well, Carl is special, talagang kahit naman sino mapapatingin sa kaniya at mabibighani dahil sa napakalambing niya.
"You look so stress, may problema ba?" saad ng boses mula sa aking gilid. It was Trev.
Andito kami sa bahay kasi dito ang meeting place namin bago pumunta sa Tagaytay. Wala pa yung iba naming kasama.
"Kelan pa?" seryoso kong tanong sa kaniya. Alam kong alam niya ang tinutukoy ko. At alam kung hindi siya magsisinungaling sakin once na may nalaman akong sekreto.
"Matagal na, bago pa siya pumasok sa University" sagot naman niya sakin at sumandal sa kotse.
"But why Carl? Akala ko ba Kuya don't have time for this?" saad ko sa kaniya
" I also asked exact same question to him pero hindi niya rin daw alam kung bakit si Carl. Noong una he just want to know his information hanggang sa nasanay na siyang nakikita ito kahit sa malayuan." paliwanag naman niya
"Hindi ko kaya na makita na ganito siya, na parang anino lang na sunod ng sunod. Trev......" at tiningnan siya ng diretso sa mata. Tumingin din naman siya sakin.
"Alam mong bawal yun diba? Maaaring mapahamak ang organisasyon ganun na rin si Carl" sambit niya sakin at umiwas ng tingin.
"Alam mo naman ang pinagdaanan ni Kuya diba? Mula ng mamatay ang matalik si Denver, ang matalik niyang kaibigan. Hindi na natin siya makausap ng maayos. Gusto niya lagi siyang mag-isa. But now meron ng nagpapasaya sa kaniya at maaaring makapagpabalik sa kaniya sa dating siya sasayangin ba natin yun?" mahabang paliwanag ko sa kaniya.
"Syempre, gusto ko rin naman bumalik ang dating Xander, sige sabihin mo sakin ang gusto mong mangyari" sagot niya sakin at napangiti naman ako.
Pinag-usapan namin ang plano na dapat mangyari sa bakasyon namin.
CARL POV
Andito kami ngayon sa tree house at ang pakiramdam ko ngayon ay kinakabahan na parang yung puso ko ay sasabog na. Lalo na at hawak niya ang aking kamay at seryosong nakatingin sakin.
"I know that you're confuse right now, but let me explain. Kahit anong maging sagot mo wala akong pakialam. Dahil sisiguraduhin ko na magiging sakin ka." sambit nito sakin na talaga namang mas nagpakaba at nagpapula sa aking pisngi. Ito na ba yun Lord?
Tiningnan ko rin siya sa mata dahil hindi ko mapigilan na para bang magnet na inaakit akong titigan ito.
"I like you Carl" pag-amin nito sakin.
Yung Xander na kaharap ko ngayon ay napakalayo sa Xander na lagi kong nakikita na seryoso, parang laging galit at nakakatakot. Ngayon ay isa siyang napakabait at gentleman. Mas gwapo siya sa ganitong mukha.
"Xander........................" sambit ko sa pangalan niya. Pero nilagay niya lang ang kaniyang daliri saking labi senyales na huwag akong magsalita.
"I know you're not ready yet. You don't have to answer now. Gagawin ko ang lahat to win you" seryoso niyang wika sakin na nagpangiti naman sakin. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na gusto ko rin siya pero mabuti na rin yung ganito baka kasi isipin niya na ang rupok ko naman.
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa kaniya. Niyakap niya ako ng mahigpit at ganun din naman ako sa kaniya. Dama ko ang lakas ng tibok ng puso niya at alam kong dama niya rin yung tibok ng puso ko.
Hindi ko inaasahan na ang taong gusto ko, may gusto rin sakin. Hindi na lang crush o paghanga ang nararamdaman ko sa kaniya, pagmamahal na ata to.
------
Pagtapos ng moment namin ay bumalik na kami sa aming kwarto at hindi na bumalik pa sa mga kasama namin. Hawak ni Xander ang kamay ko habang kami ay naglalakad pabalik sa aming kwarto.
"Magpalit ka na ng damit mo, baka magkasakit ka" bilin nito sakin.
Napangiti naman ako ng lihim. Ngayon ko lang naranasan yung ganito. Ito ba yung tinatawag na kilig? Dahil kung araw-araw magiging ganito baka walang araw na hindi ako ngingiti. Dati si mama at papa lang nag-aalala sakin na magkasakit ngayon meron ng iba.
Nang makapagbihis na ako, nakita ko siyang nakapagpalit na rin ng boxer at sando habang nakahiga sa kama.
" Come here, let's take a rest" anyaya nito sakin. Lumapit din naman ako at nahiga sa gilid niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit hanggang sa makatulog ako.
YOU ARE READING
Dangerous Love [BoyxBoy]
RomanceAng kwentong ito ay isang BL, BoyxBoy, m2m, bromance. Kung hindi sakop ng inyong pang unawa ang ganitong klaseng uri ng kwento. Maaari niyo ng lisanin ang kwentong ito. Maraming salamat sa pagrespeto.