XANDER POV
Andito na kami sa madilim na bahagi bago pumunta sa village. Nakasakay kaming lahat sa van para may mapagsakyan din yung mga biktima na kukunin namin. Nakasuot kaming black suit at mask para itago yung pagkakakilanlan namin maliban kay Nate na nakagown at masquerade mask.
Tanaw namin dito sa sasakyan ang gate ng village at meron lang dun dalawang guard. Mukhang wala nga masyadong tao ngayon dito sa village. Bumaba na si Nate para simulan ang operation. Para siyang isang babae at hindi mo mahahalata na isa siyang trans. Hindi pa nga pumayag itong si Topher sa suot ni Nate na kita ang mga legs nito pero wala siyang nagawa.
Nakita namin na lumapit si Nate sa mga guard at nakipag-usap. Hindi naman malalaman na hindi dun nakatira si Nate dahil alam nila na may party ngayon. Halatang inaakit ni Nate yung mga guard dahil hinahawakan nito sa dibdib at dinidikit ang kaniyang hinaharap. Mukhang nag-eenjoy naman yung mga guard sa sitwasyon nila.
"Putcha, bakit ang tagal niyang gawin yun. Nag-eenjoy ba siya sa mga pangit na yun?" galit na galit sa sambit ni Topher habang madiin ang pagkakapit sa manibela ng sasakyan.
Natawa naman ako sa reaksiyon niya dahil halatang halata na nagseselos ang mokong. Aktong bubuksan na nito ang pinto ng pigilan siya ni Trixie.
"Ano ba Topher, tumigil ka nga diyan kung ayaw mong mabulilyaso tong operation natin" naiinis na sambit ni Trixie dito. Mukhang wala din nagawa si Topher at napahampas na lang sa manibela.
Maya-maya pa ay nakita namin na ininom na nung mga guard yung alak na may halong pampatulog. Maraming nilagay dun kaya mabilis ang epekto nito. Naghanda na rin naman kami. Nilagyan na namin ng silencer yung aming mga baril para hindi makakuha ng atensiyon.
Nakita namin nakatumba na yung dalawang guard at sumenyas na si Nate. Bumaba na kami at pumunta sa gate. Dahan dahan at nakayuko kaming naglalakad dito sa may daan. Halatang wala masyadong tao sa mga bahay dahil nakasara ang mga pinto. Pagdating namin sa harap ng bahay ng walang hiyang ninong ng aking mahal ay nakita namin na may apat na bantay dito.
Tinutok naman ni Trev at Trixie yung kanilang mga baril at asintadong pinatamaan sa ulo ang mga bantay. Mahusay talaga silang dalawa pagdating sa paggamit ng baril. Bago pa makareact at makahunot ng baril yung dalawang kasama ay nabaril naman agad sila at natumba.
Binuksan nila yung gate dito at kami naman ni Chino ang pumasok sa bahay. May nakita pa kaming nanunuod sa sala at mukhang hindi nakakamalay sa aming pagdating. Binaril agad siya ni Chino kumalat ang dugo nito sa sofa.
Umakyat naman ako sa hagdan habang nasa likod ko si Chino. May nakita akong dalawang bantay sa isang pinto. Agad ko naman itong binaril at tinamaan sa ulo. Agad itong humandusay sa sahig. Lumapit kami sa pinto na binabantayan nung dalawa. Siguro ay dito tinatago yung mga kinukuha nilang mga bata.
Nagtinginan pa kami ni Chino para sabay na buksan ang pinto. Pagbukas namin ng pinto ay may nagpaputok agad samin ng baril. Siguradong maaalarma na ang ibang mga bantay dito sa village na ito. Tumago muna ako dito sa gilid ng pintuan. Tumingin ako sa aking paligid at napadako ako sa vase na babasagin na nakikita mo yung reflection dun. Agad kung kinuha yun at maingat na nilagay sa may pinto.
Agad naman itong pinaputukan ng nasa loob pero huli na siya dahil nakita ko na ang pwesto niya at agad kong binaril. Pagpasok namin ay nakita ko yung tatlong estudyante na nakahubad sa gilid ng kama at kita mo sa kanila ang takot. May ilang camera pa ang nakatutok sa kanila. Bago pa ako tuluyang mawala sa focus ay may sumipa ng malakas sa aking likod na naging dahilan ng pagkatumba ko.
Nawala din ang baril sa aking kamay. Naramdaman ko naman na may papalapit sakin kaya agad akong humarap dito at sinipa ang kaniyang hita. Nagulat pa ako ng makita kong si Zach ang lalaking ito kaya mas lalo akong nakaramdam ng galit. Nakabangon naman agad siya at iika-ika dahil sa sipang ginawa ko. Susuntok na sana siya ng mahawakan ko ang kamay niya pinilipit ito na dahilan para mapasigaw siya sa sakit. Habang dumadaing siya sa sakit ay agad ko siyang sinuntok sa mukha at kita ko pa ang pagtalsik ng dugo mula sa kaniyang bunganga. Para tapusin ang paghihirap niya ay ni-roundhouse kick ko siya na naging dahilan para matumba ito at mawalan ng malay.
YOU ARE READING
Dangerous Love [BoyxBoy]
RomanceAng kwentong ito ay isang BL, BoyxBoy, m2m, bromance. Kung hindi sakop ng inyong pang unawa ang ganitong klaseng uri ng kwento. Maaari niyo ng lisanin ang kwentong ito. Maraming salamat sa pagrespeto.