Chapter 31

433 11 0
                                    

CARL POV

Paggising ko nagtataka ako bakit antigas ng unan na niyayakap ko. Tsaka ko lang narealize na andito nga pala sa tabi ko si Xander natulog kagabi. Ohmmmmyyy. Napamulat agad ang aking mata at tiningnan ko ang sitwasyon ko ngayon at nakayakap ako sa kanya at ang hita ko ay nakahanday sa kaniyang legs. 

Mabuti na lang at mukhang tulog pa siya pero akala ko lang pala yun.

"Finally, you're awake" sambit nito habang nakapikit pa rin ang kaniyang mga mata. Akala ko pa naman tulog siya. So, kanina pa niya alam na nakayakap sa kaniya, yet, hindi niya inalis?

Nagmamadali ko tuloy inalis yung aking pagkayakap sa kaniya at tumayo sa aking higaan. Dumiretso muna ako sa CR at nagtoothbrush. Kakahiya naman  baka i-kiss niya ko tas badbreath ako. Huh? Ano ba tong isip kong ito kaaga-aga lumalandi agad.

Paglabas ko ng CR nakita ko pa si Xander na nililigpit yung aking kama. Mabuti maalam siya nun kahit mayaman siya.

"Baba na tayo baka nakapagluto na si Mama ng breakfast" aya ko sa kaniya ng hindi man tinitingnan ang kaniyang mga mata dahil nahihiya pa rin ako sa eksena namin kanina.

Pagbaba namin, tama nga ang inaasahan ko. Nakapagluto na si Mama ng tocino at fried egg.

"Morning Ma." bati ko sa kaniya at naupo na sa mesa.

"Morning din nak" bati naman nito sakin ng wagas ang ngiti sa kaniyang labi na ikinataka ko. Anong meron sa mama ko ngayon?

"Morning po Ma" bati naman ni Xander sa may likod ko.

"Morning din Xander. Halika maupo ka at sabayan mo na kami kumain." aya ni Mama sa kaniya at naupo sa tabi ko.

Habang kumakain kami at salitan kaming tinitingnan ni Mama ng may ngiti sa kaniyang labi kaya di ko na mapigilan magtanong sa kaniya.

"Anong meron Ma, at sobrang saya mo ata ngayon?" takang tanong ko sa kaniya at tuloy pa rin sa pagkain.

"Mukhang napagod kayo kagabi nak, kasi tanghali na kayo nagising." sambit nito na mas lalong ikinataka ko. Samantalang itong si Xander ay naubo sa gilid ko at mukhang nabilaukan sa kinain niya. Kumuha naman siya agad ng tubig at uminom.

"Hindi naman Ma. Natulog naman kami ng maaga" sagot ko sa kaniya at nagpatuloy na kumain.

"Okay. Sabi mo eh. Pero anak Xander, ingatan mo tong si Carl huh, huwag pwersahin kung ayaw pa." paalala ni Mama kay Xander na hindi ko naman maunawaan.

"Opo Ma." maikling sagot ni Xander na namumula ang pisngi ngayon sa hindi malaman na dahilan.

Pagtapos namin kumain ay nag-asikaso na si Mama ng kaniyang tindahan.

"Nak, pinapasabi nga pala ng ninong mo na pumasyal ka daw ngayon sa kanila. May nalimutan ata ibigay sayo kagabi" paalala ni Mama sakin bago kami iwan dito sa sala.

Hindi ko naman na natanong kay Mama kung ano yun pero alam ko naman na yung address kasi nasabi na samin yun ni Ninong.

"Gusto mo samahan kita?" alok sakin ni Xander.

"Ako na lang Xander, mas mabuti pa na magpahinga ka na muna sa inyo. Alam kong hindi ka pa okay." sagot ko naman sa kaniya.

Ayaw ko naman na mastress siya sa kung saan saan kami magpupuntang dalawa. At bukod pa dun hindi ko alam kung ayos na ba sakin kung ano siya. Para kasing ang hirap paniwalaan dahil mukhang mabait naman siya at walang ginagawang kasamaan.

"Ayos lang ako. Sana pagbigayan mo naman ako na makasama ka. Antagal kong hinintay na makasama ka muli." malungkot na sambit nito sakin na para bang nagpapaawa at ako naman na may malambot na puso ay syempre naawa naman.

"Sige" maikli kong sagot sa kaniya.

Umakyat na ako sa kwarto at naligo muna. Black short, white polo at sandals lang suot dahil saglit lang naman siguro kami dun.

Pagbaba ko ay wala na si Xander sa sala. Saan kaya nagpunta ang lalaking yun? Baka hindi na sasama.

"Nak nasa labas na si Xander" sabi naman Mama.

"Okay Ma, mauna na po kami." paalam ko sa kaniya

"Ipakamusta mo na lang ako sa ninong mo" sagot niya sakin.

Paglabas ko ay nakita ko si Xander na naka short at polo din pero naka sunglass. Di na ako magtataka kung bagong ligo siya dahil inuupahan niya pa rin naman yung apartment dito sa tapat.

"Let's go" aya niya sakin. Naglakad na kami hanggang labasan. Dala pala niya yung kotse niya. Pinagbuksan niya naman ako ng pinto kaya medyo napangiti ako.

Nagsimula na kaming bumiyahe at walang nagsasalita saming dalawa pero pakiramdam ko naman na tumitingin siya sa direksyon ko paminsan minsan.

"Ayos na ba tayo? Hindi ka na ba galit sakin?" malumanay na tanong niya sakin.

"Yung totoo Xander, hindi ko rin alam. Oo aaminin ko sayo nagalit talaga ako ng malaman ko na bahagi ka ng mafia. Alam mo naman na takot at may trauma na ako sa mga kagaya niyo. Bukod pa dun hindi mo pa sinasabi sakin kung ano ba ang trabaho mo sa inyong organisasyon. Kung ilan na ba ang napatay mo. Ang daming tanong na gusto ko malaman ang kasagutan." pag-amin ko sa kaniya ng aking nararamdaman.

Hinawakan naman niya yung kamay ko at pinisil ito. Nagkatinginan kami pareho at alam kong seryoso siya ngayon.

"Sasagutin ko na lahat ng tanong mo. Dahil ayaw kong magsinungaling na sayo. Bata pa lang ako sinanay na kami sa self defense, martial arts, taekwando at iba pa. Lalo na at ako ang magiging tagapagmana ng organisasyon dahil ako ang panganay samin ni Trixie." pauna niyang kwento at ako naman ay nakikinig.

"Ang trabaho ko sa organisasyon ay ang magluwas ng mga mamahaling mga armas na kailangan ng ibang sindikato sa Asya minsan meron din sa ibang kontinente. Ang kung tinatanong mo kung ilan na napatay ko......" napatigil niyang kwento na tila nag-iisip kung itutuloy pa ba. Dahil ako mismo ay kinakabahan sa magiging sagot niya.

".....Marami na, hindi ko na mabilang sa aking kamay. Pero hindi naman ako pumapatay ng inosente mga kriminal at masasamang tao lang ang pinapatay ko." pagkukwento nito sakin na nakatingin saking mata. Hindi ko alam pero hindi ako nakaramdam ng takot sa kaniya. Siguro dahil sa hawak niya ang kamay ko at pakiramdam ko ay pinoprotektahan niya ako.

"Hindi ka ba natatakot sa ginagawa mo? Paano kong may mangyaring hindi maganda sa pamilya mo?" tanong ko sa kaniya

"Huwag kang mag-alala samin dahil kaya namin proteksiyunan ang sarili namin. Pero higit sa lahat ikaw yung pinoproteksyunan ko. Handa akong ibuwis ang buhay ko para lang hindi ka masaktan. Ganun kita kamahal Carl." seryoso nitong sambit sakin na halos tumagos sa puso ko yung bawat salita niya. Dama ko din yung assurance niya na hindi niya ako pababayaan.

Hindi ko alam pero natutuwa akong marinig yun mula sa kaniyang labi. Niyakap ko naman agad siya at hindi ko mapigilan ang luha ko.

"Mahal din kita Xander" sagot ko sa kaniya. Handa na siguro akong pumasok sa ganitong klase ng relasyon.

FOLLOW, VOTE AND COMMENT:)


Dangerous Love [BoyxBoy]Where stories live. Discover now