CARL POV
Habang nasa biyahe kami walang nagsasalita sa amin at tanging tunog lang ng musika ang namumutawi saa loob ng sasakyan. Napaka komportable sa kaniyang sasakyan, hindi ganun kalamig at maganda rin pagmasdan ang mga nakakasabay naming mga sasakyan.
Habang nakatingin sa labas bigla na lang akong nakaramdam ng saya. Hindi ko akalain na darating ako sa tagpong ganito na magkakasama kaming dalawa sa iisang sasakyan.
Magkaiba kami ng ugali at ang alam ko na suplado at seryosong lalaking tulad niya ay may maamo din palang katangian na talagang nakakagaan ng pakiramdam. Hindi ko tuloy maiwasan siya'y sulyapan.
Napaka amo ng kaniyang mga mukha at bawat detalye nito ay malinaw kong nakikita. Ngunit ang pagmumuni muni ko ay nawala ng bigla siyang tumingin sa direksiyon ko.
"May dumi ba sa mukha ko?" tanong nito sakin habang diretsong nakatingin sa aking mga mata.
Ngayon ko lang napansin na nakatigil pala kami. Pakiramdam ko namumula ang mukha ko sa hiya.
"Wala naman, ang ganda kasi ng sasakyan mo.... Tama.. yun nga" nauutal kong paliwanag sa kaniya. Tumango naman siya sa sinabi ko pero bakas sa mukha niya na hindi siya kumbinsido.
Muli niyang pinaandar ang sasakyan at tinuon ang atensiyon sa pagdadrive. Nakahinga naman ako ng maluwag at tumingin na lang muli sa labas.
-------
Nakaramdam ako na parang may nakatitig sakin. Minulat ko ang aking mga mata at tiningnan ang aking paligid. Nakita ko naman si Xander na nasa tabi.
"Lord kung panaginip to wag niyo po muna akong gisingin" wika ko.
Pero nagising akong tuluyan dahil naalala ko na nakasakay nga pala talaga ako sa kaniyang sasakyan. Nakatulog na pala ako sa biyahe.
"Mukhang maganda ang panaginip mo kaya hindi kita ginising" sambit nito sakin na tila gustong matawa sa reaksyon ko.
Sobrang nakakahiya baka ang pangit ng hitsura ko habang tulog o kaya ay may tumulong laway sakin. Kaya agad kong kinapa ang gilid ng aking labi, mabuti na lang at mukhang wala naman.
"Pasensya na kung nakatulog ako naghintay ka pa tuloy ng matagal." Sagot ko sa kaniya
Tiningnan ko naman ang labas at mukhang andito na ako samin dahil tanaw ko na ang daan patungo saming bahay.
"Dito na nga pala ako. Maraming salamat sa paghatid sakin. " saad ko sa kaniya
"Sige ihahatid na kita sa tapat ng bahay niyo masyado ng malalim ang gabi." Wika nito at pinatay ang makina ng kotse.
"Naku, nakakahiya na. Sobra sobra na yung abala na naibigay ko sayo. Tsaka diyan lang naman ang bahay namin." Sagot ko sa kaniya sabay turo sa daan.
"I insist. Ayaw ko rin naman na may mangyaring masama sayo. Hayaan mo na ako kesa mag isip pa ako kung ligtas kang nakauwi." Seryoso nitong sambit.
Hindi ko alam pero napatango na lang ako sa kaniya at ayaw ng makipag talo. Ito ba ang katangian ng mga Luciano ang mapapasunod ka na lang at hindi na makikipagtalo.
Bumaba na ako ng kotse bago pa niya ako pag buksan ng pinto. Dahil nasa kabilang kalsada pa ang daan papuntang bahay nag hintay muna kami sa mga sasakyang dumadaan.
Nang medyo malayo pa ang kasunod na sasakyan bigla niyang hinawakan ang kamay ko na kinagulat ko. Nakaramdam ako ng kakaiba na dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.
Ano tong nararamdaman ko na ngayon ko lang naranasan? Bakit parang naging slow mo ang bawat paglakad namin? Mga ilang segundo ng pagtawid namin ay tila minuto para sakin.
YOU ARE READING
Dangerous Love [BoyxBoy]
RomanceAng kwentong ito ay isang BL, BoyxBoy, m2m, bromance. Kung hindi sakop ng inyong pang unawa ang ganitong klaseng uri ng kwento. Maaari niyo ng lisanin ang kwentong ito. Maraming salamat sa pagrespeto.