This is my second story. Hope you'll like it. Don't forget to Follow, Vote and Comment
For any comments, suggestions and corrections about the story I will appreciate it more.
________________________________________________________________________________
CARL POV
"Anak, Carl, gumising ka......" may pag aalalang sigaw ni Mama sakin habang tinatapik ang magkabila kong pisngi. Nagising naman ako sa ginawa niya saakin.
Napabangon ako mabilis na niyakap si Mama. Nanginginig na naman ang mga katawan ko at patuloy ang paglandas ng mga luha sa pisngi ko. Binabangongot na naman ako ng nakaraan.
Matagal na din akong hindi nakakaranas nito. Hindi ko alam kong bakit bigla na lang dumadalas si Papa sa panaginip ko.
Marahang hinaplos ni Mama ang likuran ko para pakalmahin ako sa pag iyak. Alam kong nasasaktan siya sa tuwing makikita niya ako sa ganitong sitwasyon. Mga ilang minuto akong nakayakap sa kaniya bago ako kumalma.
Umalis ako sa pagkayakap at tumingin sa kaniya. Nakita ko na naman ang mga luha sa kaniyang mata. Hindi yun maikubli dahil sa namumula ang kaniyang mga mata dahil sa pag iyak.
"Napanaginipan mo na naman ba ang Papa mo?" malungkot na tanong niya sakin.
Tiningnan ko naman ang malungkot niyang mga mata at marahang tumango. 10 taon na rin ang nalakalipas simula ng mangyari ang trahedya sa aming pamilya. Pero ang mga ala-ala at sakit ay sariwa pa din saking puso't isipan.
Hindi ko pa din lubos maisip kong bakit nangyari to sa pamilya namin. Nanatili pa ding walang kasagutan sa nangyari kay Papa. Sobrang nasasaktan ako sa tuwing naaalala ko ang mga ngiti ni Papa sakin bago siya mawala.
Habang lumalaki ako sinisisi ko ang sarili ko kung bakit hindi ko siya naipag tanggol noon. Kung malaki na sana ako noon baka natulungan ko siya. Pero anong magagawa ko bilang isang paslit na bata.
"Umiiyak ka naman. Anak, wala kang kasalanan sa pagkawala ng Papa ko. Mahal na mahal niya tayo kaya mas sinigurado niya ang kaligtasan natin" sambit niya sakin at hinawakan ang aking kamay.
Pinunasan ko ang mga luha ko at napansin kong basang basa ang katawan ko. Marahil sa pawis, dahil sa tuwing binabangungot ako lagi akong nagkakaganito.
Humarap ako kay Mama at isang pilit na ngiti ang binigay ko. Ayaw kong makita si Mama na malungkot lalo na at siya na lang ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Gusto kong tuparin ang pangako ko kay Papa na iingatan at hindi ko pababayaan si Mama.
"Salamat Ma. Mahal na mahal ko po kayo ni Papa" nakangiti kong sambit sa kaniya at mahigpit ko siyang niyakap.
Alam kong sa ganitong paraan ko lang maaalis ang pag aalala niya sakin.
"Death Anniversary ng Papa mo ngayon kaya siguro dinalaw ka niya" wika sakin ni Mama.
Nawala naman ang ngiti sa mga labi ko pero biglang nagsalitang muli si Mama.
"Oh, wag ka na malungkot. Hindi matutuwa ang Papa mo pag binisita natin siya na ganiyan ang mukha mo." Nakangiting sambit niya sakin. Kaya naman isang matamis na ngiti ang binigaay ko sa kaniya.
"Kamukhang kamukha mo talaga ang Papa mo. Pareho kayong pogi" wika nito sakin.
"Ma, ang aga mong mambola. Pareho ko naman kayong kamukha ni Papa eh" sagot ko naman sa kaniya.
"Oo naman syempre, maganda din naman kasi ako anak. Kaya nga mahal na mahal ako ng Papa ko eh" pagyayabang nito sakin.
Bakas sa mukha ni Mama na kinikilig pa siya habang nagkukwento.
YOU ARE READING
Dangerous Love [BoyxBoy]
RomanceAng kwentong ito ay isang BL, BoyxBoy, m2m, bromance. Kung hindi sakop ng inyong pang unawa ang ganitong klaseng uri ng kwento. Maaari niyo ng lisanin ang kwentong ito. Maraming salamat sa pagrespeto.