Chapter 26

336 8 0
                                    

CARL POV

Pagtapos nga ng klase ko this morning ay wala na akong klase this afternoon kasi may meeting daw ang faculty. Nag-open naman ako ng phone ko at nakita ko sa may text si Xander na hindi daw niya ako masusundo dahil meron daw siyang emergency na pupuntahan. Nag-sorry pa nga siya sakin.

"Hey,pauwi ka na?" tanong sakin ni Zach

"Oo, wala naman na klase eh" sagot ko sa kaniya

"Mall tayo, yayain natin si Trina" aya sakin ni Zach.

"Bawal tumanggi dahil di tayo nakapag-bonding nung weekends" habol pa nito at natawa naman ako sa kaniya.

"Sige na. Tawagan ko muna si Trina" sagot ko sa kaniya.

----

Andito na nga pala kami sa parking ng mall dahil kay Trina na lang kami sumabay. 

"Buy all you want Carl, treat namin ni Zach" nakangiting sambit sakin ni Trina

"Hoy, ano ba kayong dalawa nakakahiya no. Tsaka di naman na kailangan" nahihiyang sagot ko sa kaniya

"No, libre namin to ni Trina kasi ikaw pa rin ang Top 1 sa midterm. Kumbaga celebration natin to" nakangiting wika ni Zach

"Sige, salamat sa inyong dalawa" nakangiti kong wika sa kanila

"Kain muna tayo" aya ni Trina

Kumain muna kami dito sa Mang Inasal. Nagkamustahan naman kami tungkol sa ganap namin nung weekends. Si Trina ay nag Hongkong at si Zach naman ay natuloy sa La Union. Binigyan pa kami ni Trina ng perfume na pasalubong daw niya samin.

Maya maya lang ay dumatin na rin naman yung order namin. Sunod daw naming puntahan ay ang department store para mamili ng mga damit at sapatos.

"Diba si Xander at Trixie yun?" tanong ni Trina na nakatingin sa labas ng store.

Napalingon naman ako sa tinitingnan niya at nakita ko nga dun si Trixie at Xander. Naka cap sila pareho pero alam kung sila yun.

"Anong ginagawa nila dito? Bakit nga pala di kayo magkasama ni Xander ngayon Carl?" tanong ni Trina

"May emergency daw siyang pupuntahan eh, baka nga may gagawin sila dito" saad ko naman sa kanila.

Alam na rin naman ni Trina na nanliligaw sakin si Xander. Hindi ko alam pero parang gusto ko silang sundan at alamin kung ano ang ginagawa nila dito.

"Lapitan mo nga kaya Carl" sabi naman ni Zach sakin.

"No, huwag na. Baka naman may gagawin lang silang importante dito." sagot ko sa kanila at napangiti ng pilit.

"Hindi niya ba sinabi kung saan siya pupunta?" tanong sakin ni Zach at napailing na lang ako,

"Then let's know kung ano ginagawa nila dito" saad sakin ni Zach at sumang-ayon naman si Trina.

Tumayo kami at lumabas ng store at sinundan ang direksiyon na tinutungo nina Xander. 

"Parang may sinusundan sila?" sambit ni Trina

"Huh?" takang tanong ko sa kaniya

"Tingnan mo yung lalaking naka blue kung saan siya pumupunta dun din pumupunta sina Trixie at Xander" paliwanag nito samin

Pinagmasdan nga namin at tama nga si Trina sinusundan nila yung lalaki at pababa na ito ng escalator.  Sumunod naman kami at parang mga nag-iimbestiga at hindi hinahayaan na mawala sa paningin ang magkapatid.

Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kaba at bumibilis ang tibok ng puso ko. Tama ba tong ginagawa namin na sundan sila?

Lumingon pa sa direksyon namin si Xander kaya agad akong nagkunwaring tumitingin dito sa store ng Bench at ng malayo ang tingin niya sa direksyon namin ay sumunod ulit kami sa kaniya.

Hanggang sa makalabas kami ng mall at patuloy pa rin nilang sinusundan yung lalaking naka blue. Andito na kami sa parking at kakaunti na lang ang tao kaya medyo lumayo kami sa kanila. Maya maya lang ay tumalikod yung lalaking naka blue at naglabas ng baril at pinaputukan sina Xander at Trixie. 

Mukhang nakaramdam ito na sinusundan siya. Dahil sa gulat ko ay hindi ako nakagalaw sa pwesto ko. Maya maya lang ay sunod-sunod na ang putukan ng mga baril at nag-alarm na rin ang mga sasakyan. Tama ba tong nakikita ko? Nakikipag-barilan sina Xander at Trina?

"Carl, yuko" sigaw ni Zach sakin sabay hila sakin pababa na ikinatumba ko.

Hindi pa rin ako makagalaw dahil sa gulat sa mga nangyayari.

"Carl, we have to leave now" sambit sakin ni Trina

Pero parang lutang pa rin ako ngayon sa mga nangyayari at nagsisimula ng manginig ang aking katawan. Inaataki na naman ako ng anxiety ko sa nakaraan. Hindi ko naman namalayan na wala na pala sa tabi ko sina Trina at Zach kaya mas lalo akong kinabahan. Niyakap ko ng mahigpit ang aking sarili at nagtatago dito sa gilid ng kotse.

Nakita ko pang napadpad ang putok ng baril dito sa sasakyang pinagtataguan ko at nagsimula na rin itong mag-alarm na mas lalong ikinatakot ko.

Nagsimula ng maglabasan ang mga luha ko at napapikit na lang. Pinilit kong takpan ang tenga ko para hindi na marinig ang putukan.

"Ma.........ma......." tanging nabigkas ko na lang dahil sa takot. 

Maya maya lang ay  naramdaman kong may papalapit sa pwesto ko at gusto ko nang sumigaw ng tulong pero tinakpan nito ang bibig ko pero nagpumiglas ako.

"Baby... it's me... Don't move" mahinang sambit nito pero naintindihan ko naman at alam ko na kung sino to kaya alam kong ligtas ako.

Hindi pa rin tumitigil ang putukan ng baril sa aming paligid.

"Xan......der...." ang tangi kong nabigkas at tuluyan ng nagdilim ang aking paligid.


Dangerous Love [BoyxBoy]Where stories live. Discover now