Chapter 44

425 9 0
                                    

Carl POV

Today is Calix Birthday. I'm busy Today dahil ako ang nag-asikaso ng venue ng party niya. He did not ask for this but I just want to show my gratitude to him through this. Marami na siyang nagawang mabubuti sakin na walang hinihinging kapalit aside from being his fake lover.

"Natawagan na ba ang ang catering? Paki-suguradong nasunod lahat ng menu na nasa listahan." pakiusap ko sa assistant ni Calix. Close kami kaya hindi ako nahihiyang makiusap.

Dito sa isang hotel gaganapin ang party. Napaka-elegante ng lugar. Pinag handaan talaga namin to dahil ayaw namin na mapahiya siya lalo na at mga bigating politiko at negosyante mula sa iba't ibang panig ng bansa ang dadalo.

Natapos na kaninang umaga ang pamimigay ng mga regalo sa mga mamamayan ng bayan na sakop niya. Pinakiusapan ko pa siyna magpahinga na muna para may energy mamayang party niya. 5 pa lang ng hapon at mamayang 8 PM pa ang arrival ng mga bisita.

Tiningnan ko naman ang phone ko baka may mga messages mula kay Mama o kay Calix. Wala naman pero nakita ko pa ang usapan namin ni Trixie kahapon. Nitong nakaraang linggo kasi ay nagpadala na ng mga invitation si Calix at iniutos sa assistant niya. Dahil close kami ng assistant niya nakiusap ako na ako na lang magpapadala sa mga Luciano. Madali lang naman mahanap ang numero ni Trixie dahil binigay niya yun sakin nung huli kaming magkita.

"Hello Trixie" paunang sambit ko sa kabilang linya. Gusto kong makasigurado na siya ang kausap ko.

"Hello. Sino to?" sagot ng lalaki sa kabilang linya na kinabigla ko. Hindi ako pwedeng magkamali sa kausap ko ngayon. Bakit siya ang sumagot?

"What are you doing? Bakit hawak mo ang phone ko?" naiinis na boses ni Trixie sa kabilang linya.

"Baka kasi tungkol sa business kaya sinagot ko" sagot nito na parang walang ginawang masama sa kapatid.

"Tsss" pakinig ko sa kabilang linya.

"Hello, this is Trixie. Sorry for about my brother" sagot niya sa kabilang linya

"Hello, it's me" sagot ko sa kabilang linya without saying my name baka kasi nandyan pa sa tabi niya. Hindi naman agad siya sumagot.

"Beshie, sorry kailangan kong lumayo. Mabuti at tumawag ka. Kamusta ka na?" tanong nito sakin na mahinang boses sa takot na mapakinggan ng ibang tao.

"Maayos naman ako. Napatawag ako kasi may ipapadala akong invitation para sa birthday party ni Calix. Sana ay kayo lang pumunta at hindi na niya malaman." pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Hindi ka pa ba handa na makita siya? But I understand, sige office ko ipadala mo. I-sesend ko sayo ang address" sagot nito. Alam ko naman na mauunawaan niya ang dahilan ko.

Pagtapos ng tawag ay sinend din niya ang address at ako na ang nagpadala nito sa address na binigay niya.

Third Person POV

Hindi naman na nagtataka si Xander sa pakikitungo ng kapatid niya matapos siyang maging boss ng kanilang organisasyon. Pero iniisip pa rin niya yung boses sa kabilang linya na pamilyar sa kaniya. Ang malambing na boses na yumayakap sa kaniyang puso. Nakaramdam muli siya ng pangungulila dahil naalala niya ang taong nagturo sa kaniyang magmahal.

Nakalipas ang ilang araw pero hindi pa rin siya kinakausap ng kapatid kaya napagdesisyunan niyang tawagan si Trev.

"Trev, where are you?" tanong nito sa kaibigan.

"I'm in Trixie's office. May kailangan ka ba?" tanong ni Trev

"Yeah, may itatanong lang ako." sagot nito.

Dangerous Love [BoyxBoy]Where stories live. Discover now