Prologue

784 21 6
                                    

Carl POV

Dumadating pala talaga tayo sa point ng buhay natin na magmamahal ng taong di naman natin inaasahan. Kusang dumarating sa ating buhay ng hindi natin namamalayan. Sabi nga nila masarap magmahal at mahalin, pero kaakibat nito ay ang masaktan.

Madaling magmahal, pero ang hirap makalimot pag nasaktan. Akala kasi natin pag nasa isang relasyon puro lang saya, nalilimutan na natin na kaakibat lagi nito ay pagsubok na tutulong para mas mapatatag pa ang isang relasyon.

Pag pumasok pala sa isang relasyon dapat hindi tayo nag-eexpect ng sobrang perfect na tao na mamahalin natin. Dahil kahit tayo mismo may mga pagkakamaling nagagawa. At kapag may nagkakamali satin, dapat natutunan natin patawarin.

Umabot man ng ilang araw, buwan o taon ang mahalaga ay natuto tayong magpatawad at magsimula muli para sa mas magaan na pagharap sa kinabukasan.

"Hey, we're here" sambit ng lalaki sa tabi ko.

Tiningnan ko naman ang labas at bumungad sakin ang kanto papasok sa aming dating tahanan. Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya. Ang tagal na mula ng umalis kami dito at marami na din nagbago. Mas lumaki na ang daan dito at pwede ng pumasok ang mga sasakyan. Pinaandar naman niya ang kotse at pinaliko papunta sa dati naming tahanan.

Sumilay naman ang ngiti sa labi niya na mas lalong ipinagtaka ko.  Simula ng umalis kami sa isla kanina ay hindi na naaalis ang ngiti niya. Imbes kasi na bumalik kami sa Batanes ay pinilit pa ako nito na pumasyal muna. Pumayag din naman ako dahil wala naman na kaming problemang dalawa.

Bumaba siya sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Bumaba din naman ako at hindi na naghintay na alalayan pa niya. Habang naglalakad kami ay bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko.

Gawain ba ito ng magkaibigan? Yes, tama kayo. Magkaibigan na lang kami ngayon. Gusto namin magsimula sa una at kalimutan ang nakaraan. Pero bakit hindi ko mapigilan mamula sa ginagawa niya?

Nang mapatapat kami sa dati naming bahay ay nagtaka naman agad ako dahil wala na dito ang dati naming bahay. Sabagay binenta na nga pala namin yun ni Mama. Napakagandang bahay na ang nakatayo ngayon dito na may tatlong palapag. Nalungkot naman ako dahil napakarami din namin magandang ala-ala ni Mama sa dati naming tahanan.

"Bakit mo .... pala ako dinala dito?" Nanghihina kong tanong sa kaniya pero ngiti lang ang sinagot niya. Ang weird talaga ng lalaking ito kanina pa.

Lumapit siya sa gate at nag doorbell. Mukhang kakilala niya ang may-ari ng bahay. Hindi rin naman nagtagal ay lumabas ang may-ari ng bahay pero habang papalapit ito ng papalapit samin ay namukhaan ko agad ito.

"Aling Nena?" nagtatakang tanong ko pa dito na hindi makapaniwala na nakatira na siya sa isang magandang bahay.

"Diyos ko, CAAAARRRRLLL, anak ikaw na ba talaga yan?" ang gulat na tanong nito na hindi makapaniwala na nandito ako ngayon sa harapan niya.

Mabilis niya akong niyakap ng mahigpit at kahit ako napayakap na din sa kaniya. Para na din siyang pangalawang nanay ko dahil napakabait niya at maalaga sakin.

"Ako na po ito Aling Nena, kamusta na po kayo. Ang ganda ganda na po ng bahay niyo" nakangiti kong pangangamusta sa kaniya. Sa halip na sumagot agad ay tumingin muna siya kay Xander. Tumango lang naman si Xander.

"Naku, anak. Hindi ito samin. Yang nasa likod mo. Yan na ang bahay namin." tiningnan ko ang bahay at hindi na ito ang dating paupahan. Maganda na rin ito at halatang bagong pintura lang.

"Ganun po ba" tipid kong sagot sa kaniya.

"Halika at pumasok muna kayo." aya niya samin dito sa bahay na hindi ko alam kung kanino.

Dangerous Love [BoyxBoy]Where stories live. Discover now