Chapter 37

408 6 1
                                    

Third Person POV

Sa isang private room nagtagpo ang dalawang kilalang tao sa mafia. Dating magkaibigan at magkasama sa lahat ng transaksiyon ngunit nag-iba na ang sitwasyon 10 taon na ang nakakaraan dahil sa isang pangyayari.

Mainit ang tensiyon sa loob ng silid na kahit anong oras ay maaaring dumanak ang dugo. Pero hindi ito ang dahilan ng kanilang pagkikita.

"Xavier Luciano, my old friend" sambit ng lalaki. Kung ikaw ay ordinaryong tao ay tiyak na tatayuan ka ng balahibo dahil sa makamandag nitong boses. 

"Kennedy Green, o sabihin na lang nating KING. Ano ang sadya mo dito?" tanong din ng isang lalaki na tila hindi nababahala sa kaniyang kausap at nakadekwatro pa sa kaniyang inuupuan habang hawak ang baso na may wine.

"Stop acting like there's nothing happened. Alam ko na kayo ang nanggulo sa mga operasyon namin. Baka nalilimutan mo na ang kasunduan natin 10 taon na ang nakakaraan?" mula sa isang galit na boses ay napangisi ito sa huli niyang sinabi.

Flashback.......

"Don Luciano, meron pong masamang balita. Nabulilyaso po ang operasyon. Nahuli po sila ng mga pulis." saad ng tauhan ni Xavier sa kabilang linya ng telepono. 

"How's my son?" tensiyonado nitong tanong sa kausap.

Ito ang unang misyon ni Xander bilang bahagi ng mafia. Alam niyang bata pa ang anak para sumabak agad sa operasyon pero pinayagan niya ito dahil sa pagpupumilit nito. Pinayagan naman niya ito dahil maliit lang na operasyon ito ng pagbebenta ng droga sa Cebu.

"Nasa kulungan po siya Don, at ang iba po ay patay na" sagot ng kausap nito.

Hindi naman malaking kawalan ang nakuha sa kanilang droga at mga tauhan pero ang anak niya ang kaniyang kinababahala. Si Xander ang susunod sa kaniyang yapak kaya hindi niya hahayaan na mawala ang anak sa kaniya.

Pinatay na ni Luciano ang tawag at muling may dinial na numero. Aanhin pa ang mga koneksiyon sa makakapangyarihang tao kung hindi rin naman ito gagamitin. Marami siyang pera na kayang ibayad makalaya lang ang anak nito.

"Luciano my friend, I heard what happened to your son" ang kalmadong sambit ng kausap nito sa telepono. Matalik niya itong kaibigan at kasosyo sa mga illegal na negosyo.

"King, you know what to do. Kill the person who put my son in jail. I will give anything. You know me." madiin na sambit nito na may halong galit.

"Sorry, Luciano but I can't kill Sandro Madrigal. He's my bestfriend. And he's our friend." natatawang sambit nito na kinabigla niya. Mahigit isang taon pa rin lang niya naging kaibigan si Sandro ng minsan siyang tulungan nito ng siya ay maaksidente sa Cebu. Mula noon ay madalas niya na itong nabibisita pag pumupunta ng Cebu kahit hindi nito alam ang tunay niyang pagkatao. Nagulat din siya na kaibigan pala ni King na kasosyo niya sa negosyo si Sandro kaya mula nun ay naging magkakaibigan sila.

"I'll talk to him" maikling sambit ni Luciano.

"Alam mong tapat si Sandro sa serbisyo, kahit kaibigan ka pa niya hindi ka niya pagbibigyan. Kahit suhulan mo pa siya, hindi siya papayag. Lalo lang siyang mag-iimbestiga. Hahayaan mo ba na mapunta sa wala itong mga pinaghirapan natin? Pero I'll do my best " pagpapaliwanag ni King na halatang may pinaplanong hindi maganda.

"Fine. Anong kapalit nito?" tanong ni Luciano sa kaniya na mukhang alam niya na ang gusto ng lalaki.

"Alam mo naman na gusto ko ng sarili kong organisasyon. Ayaw ko na ng inuutus-utusan ako. Pagnakalaya na ang anak mo give me 10 billion at mga tauhan." tumatawang sambit nito sa kabilang linya. 

"You fucking greedy. I know you since the beginning." galit na sambit ni Luciano.  Kinailangan niya lang si King dahil malaki ang impluwensiya at konkesiyon nito sa buong Cebu. Kahit alam niyang demonyo ang ugali nito dahil sa kagahamanan sa pera.

Dangerous Love [BoyxBoy]Where stories live. Discover now