Chapter 19

470 11 0
                                    

CARL POV

Labis ang aking pagkagulat na ang kapitbahay pala namin at nangungupahan dito sa tapat namin ay ang taong aking unti unti ko nang nagugustuhan. Napakaraming katanungan sa aking isipan na nais ko masagot. Tulad ng bakit siya nandito? Bakit hindi ko siya nakikita? Alam ba niya na magkapitbahay lang kami?

"Xander" sambit ko sa pangalan niya. Maging siya ay halatang nagulat sapagkat bakas sa mukha niya.

Nakita ko naman agad ang kaniyang sugat sa kanang braso na medyo dumudugo. Kahit natatakot ako sa kaniya ay nilapitan ko agad siya.

"Ang sugat mo. Maupo ka dito at gagamutin ko." pagaalala ko sa kaniya.

XANDER POV

Agad naman akong naupo sa aking kama. Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan niya malalaman na ako ang kapitbahay niya. Alam kong maraming katanungan sa isip niya ng makita niya ako kanina.

Inalis ko yung kamay ko sa aking sugat at hinayaan siya na gamutin ang sugat ko. Bakas sa mukha niya yung pagaalala at lihim naman akong napangiti.

Kumuha siya ng bulak at nilagyan ng alcohol ito.

"Medyo masakit to Xander, pero saglit lang to promise" alalang sambit nito. Maya maya pa ay pinunas niya ito sa aking sugat para alisin ang mga dugong tumatagas.

Napansin ko naman agad ang panginginig ng kaniyang kamay. Ramdam ko ang kaba at takot sa kaniya. Kaya hinawakan ko ang kamay niya para tumigil.

"Hey, what's wrong?" tanong ko sa kaniya

"Ano kasi..... takot ako sa dugo" honest na sagot nito sakin.

"Then let me do it" sagot ko naman sa kaniya

"No, ako na. Kaya ko pa naman tiisin. Tsaka ano bang nangyari sayo?" tanong nito habang patuloy ang paggamot sa aking sugat.

Natapos na niyang punasan ang sugat ko at ngayon naman ay lalagyan niya na ito ng betadine.

"Sorry kung masyado akong matanong" sambit niya ng hindi ako nakasagot. Hindi pala ako nakasagot agad kasi masyado akong distracted sa mukha niya.

"Naaksidente lang ako. Mababaw lang naman yan" medyo natatawa kong sagot sa kaniya.

Napatigil naman siya sa paggamot at napatingin sakin. Siguro ay nabigla siya sa aking pagtawa. Napangiti din naman siya.

Sa mga ngiti niyang iyon hindi ko maintindihan kung bakit lumalakas ang tibok ng puso ko. Ngayon ko lang siya mas natitigan ng matagal at malapit. Ang makinis at maputi niyang kutis, ang mahahabang pilit mata, ang matangos na ilong, at ang kaniyang mapupulang labi.

Parang natutuyo ang aking lalamunan habang siya ay aking tinititigan. Napaiwas naman agad siya ng tingin at napangiti ako. Napaka-cute niyang magblush. Halatang halata sa kaniyang mukha.

Matapos lagyan ng betadine nilagyan niya na ito ng cover.

"Ayan tapos na" sambit niya. At inayos ang kaniyang mga ginamit

"Hey, thank you" pasasalamat ko sa kaniya

Isang nakakabighaning ngiti naman agad ang kaniyang pinakita.

"Maliit na bagay kumpara sa mga nagawa mo sakin. Ganun naman talaga diba kapag magkaibigan nagtutulungan?" sambit nito sakin.

Ouchhh! Mas masakit pa pala sa sugat ko yung salitang magkaibigan lang. Yung ngiti ko kanina unti unti naman nawala at mukhang napansin naman niya yun.

"Sorry, I thought we're friends. Sige mauuna na ako." malungkot na sabi nito at nagsimula ng humakbang palabas.

Syempre kahit kaibigan lang. I should be happy. Hinawakan ko naman agad yung kamay niya para pigilan sa paglabas.

"You should'nt be sorry. Kasi magkaibigan naman na talaga tayo kahit hindi mo na hingin yun" seryoso kong wika sa kaniya.

Isang ngiti naman ang kaniyang sinukli sakin pero hindi na ganun sa ngiti kanina.

"Thank you. Ingat ka palagi" sambit nito. Lumabas naman na siya ng kwarto at rinig ko sa baba ang pagsara ng pinto.

Tiningnan kong muli ang aking braso na may benda at napangiti ako ng lihim. Kung tinatanong niyo kung saan ko to nakuha. Kagabi right after ihatid ko si Carl bumalik ako sa quarter namin dahil nahuli na ang nagtraydor sa grupo kaya nais ni Dad na ipaligpit na ito.

Nakipag agawan siya ng baril sa isang bantay at agad pinaputok yun sakin mabuti na lang at sa braso lang ako tinamaan. Mabilis ko lang din naman siyang binaril sa ulo ng dalawang beses para siguradong patay na. Pinatapon ko na rin mga tauhan namin na nandun.

Sumilip muna ako sa bintana at tanaw na tanaw ko mula dito ang magandang ngiti niya. Fuck.. My heart just beat so fast. Hindi ko alam kong ano itong nararamdaman kong ito.

Mabuti na lang at may pinapatayo kaming building malapit dito dahil kung wala hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kung bakit ako nangungupahan sa bahay na ito.

Hearing his stories about what happened to his father makes me lose hope for him. Hindi ko alam kung paano ako gagawa ng paraan para mas mapalapit pa sa kaniya dahil sa tuwing nagkakaharap kami lagi na lang akong kinakabahan at nagiging cold ang pakikitungo sa kaniya.

Hanggang kaibigan na lang ba kami? What if dumating ang panahon na malaman niya anh sekreto ng mga kaibigan niya? Will he avoid and leave us? Iniimagine ko pa lang na wala siya sa paningin ko sumisikip agad ang dibdib ko. I'm so happy to see him everyday kahit sa malayo.

As long as we keep our secret from him. Magiging maayos ang pagsasama namin.

FOLLOW! VOTE! COMMENT!

:)

Dangerous Love [BoyxBoy]Where stories live. Discover now