Chapter 18

423 9 0
                                    

Carl POV

Maaga akong nagising ngayon kahit wala naman pasok dahil araw ng sabado. Pero syempre gusto kong tumulong sa aking mama sa kaniyang cafeteria. Siguradong maraming tao ngayon.

Naligo muna ako bago bumaba. I checked myself in the mirror and can't stop smiling. Naaalala ko na naman kasi yung nangyari kagabi. Hindatid ako ni Xander and that night seems that we're so close and normal.

Those little sweet gestures of him makes me blush easily. And I can't get over na makasakay sa motor while hugging him. Am I falling inlove with him? Even, I don't have experience in love, masasabi ko na malapit na ako sa stage na iyon.

But I don't want to assume that much. I am happy naman sa nararanasan ko ngayon. I suddenly stop from my daydreaming when someone knock the door.

Napatingin pa ako sa salamin, na namumula pa ang pisngi dahil sa aking mga iniisip.

"anak, gising ka na ba? May bisita tayo" tawag ni mama sa labas.

"Yes, Ma. Palabas na rin po" sagot ko dito. Sino kaya ang bisita namin?

Nagmadali din naman agad akong bumaba. At may nakita ako sa aming mesa na lalaking may katangkaran at maputi.

"Oh, andyan na pala ang inaanak mo" wika ni mama habang naghahain ng pagkain.

Unti-unti lumingon ang lalaki sa aking kinatatayuan. At ng makita ko ang mukha niya natuwa ako dahil napaka pamilyar ng kaniyang mukha. Tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan ng may malaking ngiti sa kaniyang mga labi.

"Ninong Ken" tuwang tuwa kong sambit sabay lapit sa kaniya at nag bless.

Sobrang tagal ko ng hindi nakita ang aming ninong. Siya pala ang aking ninong Ken, ang totoo niyang pangalan ay Kenny Green. Isa siyang half Filipino at American pero dito siya pinanganak sa Pilipinas.

"Binatang binata ka na Carl. Huling kita ko sayo napakaliit mo pa at napakakulit, ngayon ang gwapo mo na." tuwang tuwang sambit nito.

"Ikaw din po ninong, parang hindi po nagbago ang mukha ninyo" wika ko sa kaniya. Guwapo naman talaga si Ninong.

"Naku, nambola ka pa. Andami ko ng utang sa iyo. Hayaan mo ibibigay ko ang gusto mo" nakangiting sambit nito.

"Maupo na kayo at kumain na" sambit ni Mama

Nagluto pala si mama ng sisig, isa sa mga paboritong pagkain ni ninong. Isa siyang negosyante at matalik na kaibigan ni Papa. Madalas din silang mag inuman ni Papa sa aming tahanan kaya isa siya sa aking mga naging ninong.

Napakabait at napakagalante niya. Lagi niya akong binibilihan ng mga laruan at paborito kong chocolate.

"Paano niyo nga po pala kami nahanap ninong?" tanong ko sa kaniya.

"Pagkabalik ko galing US, kayo talaga ang una kong hinanap. Kaso wala na pala kayo sa dati niyong tahanan. Wala din makapag sabi sakin kung nasaan kayo lumipat." Sambit nito

"Mabuti po ninong at nakita niyo po kami ni mama" wika ko sa kanya

"I'm really sorry about your father, hindi man lang ako nakauwi dito nung libing niya" malungkot na wika nito.

Napuno ng katahimikan ang mesa at tila inaalala namin ang mga kaganapan sa nakaraan.

"Huwag kayong mag-alala dahil andito na ako at hindi ko kayo pababayaan ng mama mo. Bilang pagbawi ko na din kay Pareng Sandro " nakangiting wika nito para mapawi ang malungkot na athmosphere sa bahay.

"Salamat po ninong" nakangiti kong tugon sa kaniya

"Kamusta naman pala pag-aaral mo? Balita ko isang scholar ka sa sikat na university?" masayang sambit niya

"Maayos naman po ninong, medyo marami lang pong gawa pero kaya naman po." Wika ko kaniya

"mabuti naman kung ganun" sagot nito

Marami pa kaming mga napag usapan. Napuno ng masayang kwentuhan ang aming umagahan. Marami na palang negosyo si ninong dito sa Pilipinas at ibang bansa. Bibigyan niya daw agad akong trabaho pagkagraduate ko at syempre susuportahan sa pag-aaral ko para daw hindi masyadong mahirapan si mama. Si mama naman syempre todo ang tanggi dito at sinabing nakakayanan naman daw niya at may iniwan din si papa na pera para sakin.

Hindi na nagbukas si mama ng tindahan ngayon para naman daw magkaroon kami ng kwentuhan ni ninong. At ng hapon ay nagpaalam na din si ninong na aalis na at may pupuntahan nangako ito na babalik sa mga susunod na araw.

"salamat po sa inyong pagbisita ninong, sobrang nakakatuwa po na may kaibigan si papa na inaalala pa rin kami" masayang sambit ko dito.

"wala yun, tsaka parang pamilya na ang turing ko sa inyo. Sige na aalis na ako. Mag-iingat kayo at tawagan mo ako sa number ko pag may kailangan kayo ng mama mo" paalala niya sakin

"opo ninong.. ingat po kayo" paalam ko sa kaniya habang papasakay siya sa kaniyang kotse.

Nang makaalis si ninong ay bumalik din naman agad ako sa bahay. Nang malapit na ako sa tapat ng bahay namin sakto namang labas ni aling Tess dito sa pinapaupahang bahay niya.

"Magandang hapon po aling Tess, may problema po ba?" tanong ko sa kaniya ng mapansing kong parang naaligaga siya.

"Naku itong border ko nakisuyo lang na magpabili ng gamot may sugat eh, hindi ko naman alam kung napaano" sambit nito sakin na tila nagaalala

"Naku po meron po dito sa bahay, saglit lang po at kukunin ko" sambit ko sa kaniya at kinuha sa bahay ang first aid kit

"andito po Aleng Tess" sabay abot nung kit.

"Ang totoo niyan hindi ako maalam mang gamot pwede bang ikaw na lang Carl?" pakisuyo nito.

Dahil walang choice kaya tumango naman agad ako sa kaniya. Kahit takot din ako sa dugo ay sumunod na din ako. Nauna siya sa pagpasok sa kaniyang paupahan. Ngayon ko pa lang makikita ang aming kapitbahay.

"Nasa second floor siya. Magpakilala ka lang huh. Kukuha lang akong tubig dito" sambit ni Aleng Tess.

Hindi ko alam pero habang paakyat ako nakakaramdam ako ng kaba. Pagkarating ko sa second floor nakasara pa ang pinto. Kumatok ako para magbigay senyales.

"Come in po Manang, pakiiwan na lang po diyan table." Wika ng lalaki.

Naalala ko naman na Uno nga pala ang pangalan ng lalaki na to ayon kay mama. At naalala ko rin na dito ako binubugaw ni mama kaya naman mas lalo akong kinabahan.

Pumasok na ako at ibinaba ang first aid kit sa mesa at hinintay na lang siyang lumabas. Sa loob kasi ng room na to ay may CR din. Nagmasid muna ako sa loob ng kwarto niya at infairness malinis siya.

Hindi ko naman namalayan na lumabas na pala yung lalaki.

"Sino ka?" tanong ng lalaking nasa likod ko. Nakaramdam naman agad ako ng takot. Pero parang pamilyar ang boses niya.

Pagtalikod ko nagulat ako sa lalaking nasa harapan ko. Nakaboxer lang at walang damit pang itaas. Bakas din sa mukha niya ang gulat ng makita niya ako .

"Xander?"

FOLLOW! VOTE! COMMENT!

:)

Dangerous Love [BoyxBoy]Where stories live. Discover now