Chapter 20

427 6 0
                                    

Carl POV

Ang bilis lang ng panahon kasi ngayong week ay examination week na namin for midterm. Kaya sobrang busy ko mula last week. Pagkagaling ko nga sa school ay kakain lang ako dito sa bahay at diretso sa kwarto ko para mag review.

I wear a great smile in front of the mirror. "Kaya mo to self" sabi ko pa.

Pagkababa ko nakita ko naman agad si Mama pero what surprise me the most is nandito si Xander.

Our eyes met and I just can't resist his stares. Para akong namamagnet sa kaniyang pagtitig.

"Ehemmm" pagtikhim ni mama na naging dahilan para mabalik ako sa aking wisyo.

"morning Ma" bati ko sa kaniya sabay kiss sa cheeks. Dumiretso naman ako sa aking upuan. Napatingin naman ako kay mama ay ang nguso ay humaba at tinuturo si Xander. Mukhang nagets ko naman agad ang nais ni mama.

"Morning Xander" bati ko sa kaniya kahit pakiramdam ko ay nag iinit na ang pisngi ko sa hiya.

Kung nagtataka kayo kung bakit nandito si Xander, ganito kasi yun.....

Flashback.....

The day after ko gamutin ang sugat ni Xander at papasok na ako sa school nakita ko siya dito sa tapat ng bahay namin kausap si Mama.

"Ma pasok na po ako." Paalam ko sa kaniya.

"Anak, sumabay ka na dito kay Xander, same school lang naman pala kayo ng pinapasukan" wika nito sakin ng akmang lalakad na ako.

Napaawang naman ang labi ko dahil sa gulat. Akala ko ba kilala na ni Mama itong si Xander?

"Ma, ano ka ba nakakahiya" sambit ko kay mama habang namumula pa ang pisngi ko.

"Siya naman nag offer anak" sambit pa nito.

Hinila ko naman si Mama sa gilid na medyo malayo kay Xander. Nagiba naman ang direksyon ng tingin ni Xander para umiwas sa amin ni mama.

"Ma, akala ko ba kilala mo na si Xander?" tanong ko sa kaniya.

"Oo naman, anak na nga ang tawag ko sa kaniya" sagot niya sakin.

"Ma, mukhang di mo pa siya ganun ka kakilala. Anak siya ng may ari ng school ang Luciano University at yung building diyan na pinapagawa sa kanila yan" sambit ko sa kaniya.

Napahawak naman ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig sa gulat.

"Ganun ba anak, jusko nakakahiya. Pero mabait naman siyang bata" sambit pa nito.

" Kahit na ma, nakakahiya na makisabay sa kaniya ano na lang sasabihin ng makakakita samin" wika ko pa. Tumango naman siya.

Matapos namin mag-usap ni Mama. Tinawag niya si Xander.

"Xander, I'm sorry hindi ko alam na ikaw pala ay anak ng may-ari ng school na pipasukan nitong anak ko." Paghingi ni mama ng pasensya.

"Pasensya na Xander dito kay Mama. Magcocommute na lang ako papasok" sambit ko pa sa kaniya ng nahihiya.

"Tita, okay lang po. You should'nt be sorry. Hindi ko po nasabi yun sa inyo." Nakangiting wika niya kay Mama

"And Carl, you can ride with me papuntang school to thank you na rin sa paggamot sakin yesterday." Sambit naman niya sakin ng nakangiti.

Andito na naman ang puso ko sa bilis ng pagtibok. Ang hirap naman nito pakalmahin.

"Naku! Okay lang talaga ako" pagtanggi ko dito.

"Please?" sambit nito sakin ng seryoso. Natigil naman ako kasi alam kong kahit anong tanggi ko hindi siya titigil.

"Okay. Thank you." Sambit ko pa sa kaniya kahit nahihiya.

Dangerous Love [BoyxBoy]Where stories live. Discover now