CARL POV
After ng class namin nung hapon ay sinundo rin naman ulit ako ni Xander sa room. Alam kong marami ng kwento na kumakalat dito sa campus dahil tuwing napapadaan ako ay nagbubulungan ang ilang mga estudyante habang nakatingin sakin. Mabuti na lang at kasama ko si Xander dahil hindi ko alam ang maisasagot ko kapag kinompronta nila ako.
"Don't mind them" bulong nito saking tabi at hinawakan yung kamay ko at patuloy kaming naglakad kahit na mas lalo kaming nakakuha ng atensiyon ng mga estudyante.
Pumunta kami sa isang roon dito sa University na ngayon ko lang napuntahan. Hindi naman ako nagtanong kay Xander kung saan niya ako dadalhin dahil may tiwala naman ako sa kaniya. Pagpasok namin sa room para siyang isang bahay dahil may kusina, may sala, may mga rooms.
"Ito ang tambayan namin aside sa cafe. May mga pag-uusapan lang kami then ihahatid na kita pauwi" paliwanag niya sakin at naupo kami sa sofa.
Andito rin yung mga kaibigan namin at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Ibang iba ang environment at katauhan nila ngayon, malayo sa mga komedyante at masasayahing mga kaibigan. Medyo nakakaramdam ako ng takot sa mga aura nila dahil parang anytime kaya nilang pumatay ng tao.
"Dahil andito na si Xander, we will do the job this evening. Nakuha ko na ang location ni Trina at nasa isang exclusive village sila. Hindi ko siya nasundan sa loob ng village dahil may mga guards at marami ring mga nakabantay sa labas ng bahay. Pero base sa source ko Kennedy Green ang may-ari ng bahay na yun. At yung mga nakatira sa village na yun ay mga matataas na myembro ng kanilang organisasyon." seryosong pagpapaliwanag ni Topher at ang lahat naman ay nakikinig sa kaniya.
"Sinabi mo bang Kennedy Green? Anong ugnayan nila ni Trina?" pagsingit ko sa usapan nila.
Paano nagkaroon ng ugnayan si Trina at Ninong? Ngayon ko lang narealize na ang dami ko pa palang hindi alam sa aking mga kaibigan.
"Base sa imbestigasyon ko si Trina at Zach ay bahagi ng kanilang organisasyon. Isa sa kanilang mga ginagawa ay pangunguha ng mga minors at ginagamit sa paggawa ng mga sex videos at binibinta sa mga foreigners." pagpapaliwang ni Nate.
Hindi ako makapaniwala na ang mga kaibigan kong kasama ay may mga ganun palang kasamaang ginagawa. Gusto kong umiyak dahil ang tanga tanga ko para hindi mapansin ang kanilang mga ginagawa.
Naramdaman ko na lang ang pagyakap ni Xander sakin para pakalmahin ako. Alam kong nasa gitna ng pagpaplano kaya pinilit kong itago yung nararamdaman ko. Nagpatuloy sila pagpaplano.
"Nakapunta na ako sa bahay na yun kasama si Carl kaya pwede kong iguhit ang mapa ng bahay." suhestiyon ni Xander.
"That's good to hear. At additional good news dahil meron magaganap silang party ngayong gabi malayo mula sa village. Kaya for sure kakaunti ang maiiwan na mga bantay sa village. Kami ni Topher sa guard at kami na din magbabantay habang ginagawa niyo ang operation. Si Trixie at Trev sa mga tauhan, at Xander at Chino kayo ang kukuha sa mga biktima dahil mas alam ni Xander ang bahay." malinaw na pagpapaliwanag ni Nate sa plano nila.
"Alam na ba ni Dad lahat ng mga impormasyon tungkol sa ating mission na gagawin?" tanong ni Xander sa kaniyang grupo.
"No, hindi niya alam na ngayon natin gagawin ang plano at sinabi lang naman niya na mahalaga ay mahanap ang mga estudyante para hindi masira ang reputation ng school. At busy si Dad ngayon sa big client niya abroad kaya after na lang ng mission natin sa kaniya ipaliwanag" sagot naman ni Trixie.
"So may plano na tayo para sa operation. Let's do this." saad ni Trev at nilagay niya ang kanang kamay niya sa unahan at sinundan ng iba.
"Let's do this" sabay sabay na sambit nila.
----
Habang nasa kotse kami hindi ko mapigilan na kabahan dahil iniisip ko pa lang na delikado yung gagawin nila at maaaring mapahamak ang buhay nila ay mas lalo akong natatakot. Alam kong sanay na sila sa gawain na ito pero ako na bago lang at hindi naman talaga sasama sa kanila ay nag-aalala para sa kanilang kaligtasan.
"Xander.... Paano pag-nagkaharap kayo nina Trina or Zach o kahit si ninong, anong maaaring mangyari?" kinakabahang tanong ko sa kaniya.
Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-alala kay Trina at Zach matapos kong malaman ang kanilang mga masasamang ginagawa pero iniisip ko rin na wala naman silang pangit na ipinakita sakin. Naging mabuti naman silang mga kaibigan at gusto ko malaman ang dahilan nila kung bakit sila gumagawa ng ganito.
"I know you're worried about your friends, pero hindi sila mapapagkatiwalaan. Kung ano yung nagawa nila sa mga estudyante ay hindi malabong magawa din nila sayo. If I have to fight them, I will" pagpapaliwanag nito sakin.
Hinawakan niya ang kamay ko para pakalmahin ako sa nararamdaman ko.
"Bakit ganun? Yung mga taong pinagkakatiwalaan ko at tinuring kong mga kaibigan hindi ko sila ganun ka kakilala at nagugulat na lang ako sa aking mga nalalaman. Hindi ba ako mabuting kaibigan?" tanong ko sa kaniya at hindi ko na napigilan pang maiyak.
Dahil pakiramdam ko wala silang tiwala na sabihin sakin kung ano yung totoo nilang pagkatao. Ilang beses na ba nangyari sakin to?
Pinahinto naman niya yung sasakyan niya sa tabing kalsada at humarap sakin. Hinawakan niya yung magkabila kong pisngi at pinusan yung mga luhang dumadaloy.
"No, huwag mong isipin yan. You're so pure and innocent at kaming mga taong nagmamahal sayo ay ayaw ka lang namin masaktan at mapahamak dahil hindi mo deserve na masaktan" madamdamin niyang pagpapaliwanag sakin at niyakap niya ako.
Pagtapos ng tagpo na yun ay dumiretso na kami sa bahay. Hindi na rin naman siya magtatagal dahil kailangan niya pang maghanda.
"Mag-iingat kayo, sana magtagumpay kayo sa gagawin niyo." Niyakap ko siya ng mahigpit dahil iinisip ko pa lang kung gaano kadelikado ang kanilang gagawin.
"Please, Xander, bumalik ka ng ligtas. Promise ko sayo sasagutin na kita pagtapos nito" saad ko pa sa kaniya. Alam kong hindi siya kinakabahan pero gusto kong malaman niya na may nagmamahal sa kaniya.
Bumitaw siya sa pagkayap at kitang kita ko yung malaking ngiti sa kaniyang mga labi. Sobrang gwapo lang ng lalaking ito at ang swerte ko lang dahil may katulad niyang nagmamahal sakin at deserve niya ang kasiyahan.
"Se---seryoso ba yan baby?" nauutal pa na tanong nito at mukhang hindi pa rin siya makapaniwala.
Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango para ipakita sa kaniya na seryoso.
"Basta ipangako mo sakin na babalik ka ng ligtas." saad ko sa kaniya ng may ngiti rin saking mga labi.
"I promise. I love you" matamis na sambit nito sakin habang nakangiti. Labis naman ang kasiyahan na nararamdaman ko mula sa mga salitang kaniyang binibitawan.
"I love you too" sagot ko rin sa kaniya.
Unti-unti naman lumiliit ang distansiya sa pagitan naming dalawa. Napapikit ako ng mata hanggang sa magtama ang ilong namin kasunod nun ay mga labi namin na nagdikit. Dama ko yung pagmamahal niya na para bang isang kuryente na dumadaloy papunta sa puso ko.
Follow:)
Vote:)
Comment:)
YOU ARE READING
Dangerous Love [BoyxBoy]
RomanceAng kwentong ito ay isang BL, BoyxBoy, m2m, bromance. Kung hindi sakop ng inyong pang unawa ang ganitong klaseng uri ng kwento. Maaari niyo ng lisanin ang kwentong ito. Maraming salamat sa pagrespeto.