Chapter 16

516 9 0
                                    

CARL POV

Maaga akong nagising ngayon, kahit kahapon lang nangyari yung aksidente. Sabi ng school sakin magpahinga na muna ako. Pero nanghihinayang kasi ako sa lesson na matutunan ko sa school ngayon.

"Ma nagawa mo na po ba?" Tanong ko kay mama.

Pinagawa ko kasi siya ng cake, yung maliit lang naman kasi gusto kong magpasalamat kay Xander for saving my life. Kahit hindi pa ako sigurado na siya talaga ang nagligtas sakin hahanapin ko yung taong yun dahil utang ko sa kaniya ang aking buhay.

"Yes anak, sabihin mo din sa pagbibigyan mo nito. Salamat sa pagligtas sa buhay ng pinakamamahal kong anak" nakangiting sambit ni mama.

"Yes po ma, maraming salamat po. Mauuna na po ako sa inyo" pagpaalam ko dito

"Sure ka ba na hindi na masama ang pakiramdam mo?" paniniguro nito.

"Opo ma, okay na po ako" nakangiting sagot ko dito.

"Sige, mag-iingat ka, pag may problema laging tumawag sakin. Okay?" sambit nito.

"opo ma" sagot ko sa kaniya sabay yakap.

----

Pagdating kong school, isang oras pa naman bago ang aking klase. I decided na hanapin si Xander sa building ng mga seniors.

At maya maya pa nga. Nakita ko si Trev at Xander na magkasamang naglalakad. Kumaway naman ako sa kanila para mapansin ako.

Napangiti naman agad si Trev ng makita ako at lumapit sila sakin.

"Good morning Carl, how are you" pagkamusta ni Trev.

"good morning din. I'm fine naman" sagot ko sa kaniya.

"I heard what happened to you yesterday. Okay na ba pakiramdam mo?" nag aalalang tanong nito.

"oo, okay na okay na ako. Mabuti na nga lang talaga may taong tumulong sakin kahapon" sagot ko sa kaniya kasabay ng pag sulyap ko kay Xander na ngayon ay nakatingin at nakikinig lang sa usapan namin.

"That's good to hear. Pero anong sadya ko dito?" tanong ni Trev.

"actually, gusto ko sana makausap si Xander" sagot ko sa kaniya.

"Ohhh!" gulat na ekspresyon nito at napatingin kay Xander sabay ngiti.

"Then, I'm leaving. Mauuna na ako bro. Bye Carl" paalam nito samin. Isang ngiti naman ang sinukli ko sa kaniya at tango lang natanggap niya kay Xander.

Nang kaming dalawa na lang si Xander. Napansin ko naman agad ang bandage sa kaniyang noo.

"Xander, I'm here to confirm if ikaw ba yung tumulong sakin kahapon sa lumang building" tanong ko sa kaniya.

Ilang segundo rin bago ko marinig ang kaniyang kasagutan na tila kaniya pang pinag-iisipan.

"Nakatambay lang ako dun sa building na yun nung nanyari ang paglindol and I heard na may humihingi ng tulong kaya kita natulungan" sagot nito sakin.

"Maraming salamat sa iyo. Utang ko sayo ang buhay ko." Napansin ko muli ang nay bandage sa kaniyang noo.

Hahawakan ko sana ito ng bigla niyang pigilan ang kamay ko. Sa pagtama ng aming mga kamay, kakaibang pakiramdam na naman ang binibigay nito sakin. Ang mata niyang tila nakakamagnet dahil pagiging mapungay nito.

Pero natauhan din naman agad ako. Hindi naman kami close para hawakan ko siya.

"Sorry.." nahihiya kong sambit sa kaniya.

"Sorry, ulit kasi ng dahil sakin nagkasugat ka pa" paghingi ko sa kaniya ng paumanhin.

"It's not your fault and I just did my responsibility" tugon nito sakin.

Napatango naman ako sa kaniyang sinabi. I'm speechless for seconds ng maalala ko ang sadya ko sa kaniya.

"Oo nga pala. Nagbake, ang mama ko ng cake for you. Bilang pasasalamat sa pagligtas sakin kahapon." Sambit ko sa kaniya sabay abot ng maliit na box ng cake.

"you don't have to give me something. I'm not asking for it" sagot niya sakin habang tinitingnan ang box na inaabot ko sa kaniya.

"I know pero sana tanggapin mo to bilang papasalamat namin ni mama sayo" sambit ko sa kaniya.

Kinuha din naman niya yung box at sobrang kasiyahan naman ang aking nararamdaman.

"Pasabi sa mama mo na thank you" sambit nito.

"Sige, salamat ulit sayo. Sa mga panganib na kinaharap ko pangalawang beses mo na akong niligtas at hindi sapat itong cake na ito. If you want help or anything. I'm willing to offer myself para matulungan ka din." Nakangiti kong sambit sa kaniya.

Napatango na lang siya sa sinabi ko. Dahil sa mukhang wala naman na siyang sasabihin sakin ay nagpaalam na ako sa kaniya dahil baka nakakaabala na ako sa kaniya.

"Mauuna na ako sayo. Salamat muli." At tumalikod na ako sa kaniya.

----

After ng klase ko ngayong umaga ay andito ako sa cafeteria kasama si Trixie para mag lunch.

"Kamusta ka na beshiee?" tanong niya sakin.

"Ayos naman ako, ikaw ang kamusta. Ang tagal natin di nagkita." Pangangamustq ko sa kaniya.

"I'm fine, medyo naging busy lang this past few weeks." Sagot nito sakin.

Dahil friend naman kami ni Trixie, siguro hindi naman masama magtanong tungkol sa kuya niya pero syempre yung hindi masyadong obvious.

"kanusta pakiramdam mo? I thought di ka pa papasok ngayon dahil sa nangyari kahapon" tanong nito sakin.

"okay naman na ako. Sobrang pasalamat ko talaga sa kuya mo dahil nandun siya nung naganap ang lindol. Pangalawang beses na niyang niligtas ang buhay ko" nakangiti kong kwento.

Medyo nagulat naman siya sa nabanggit ko. Siguro dahil ngayon niya lang nalaman.

"Yes. Kaya super nagpapasalamat talaga ako sa kuya mo. Kahit mukhang masungit siya may mabuti ang kaniyang kalooban"

Napatango na lang si Trixie sa sinabi ko at walang naging komento.

"oo nga pala beshiee, bago ko malimutan. Dad invited you for dinner in our house sa Friday night." Sambit ni Trixie.

"Anong meron? Nakakahiya naman" sambit ko dito. Nakakahiya talaga na makasama ang mga may-ari ng school na ito.

"Dad just want to know more about you. Don't worry kasi nandun din ang mga kaibigan natin" sambit nito sakin.

"Sige, magpapaalam muna ako sa mama ko tas update na lang kita. Salamat". Sambit ko sa kaniya.

Bakit kaya? Nakakatakot naman...

FOLLOW! VOTE! COMMENT!

:)

Dangerous Love [BoyxBoy]Where stories live. Discover now